“Where are the others?” pag-iiba na lang nito ng usapan

“Court. Com'on, they're waiting for us” sagot ni Dimitri

“Okay. Susunod ako. I will just put this in my locker” Ani Deron saka nauna ng naglakad paalis at tinungo ang daan patungong locker area.

“Everything seems to be turning upside down now. Hope you won't get what you want” mahinang usal nito habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kapatid. Hinintay nitong mawala sa paningin ang kapatid saka ito umalis at tinahak naman ang daan pabalik ng court



ACACIA'S POV

Para akong pagod na pagod ng makarating kami sa Apartment ko. Para akong biglang na-stress doon sa lalaki kanina

“Totoo kaya ang sinasabi ng lalaking 'yon? In-arrange ba talaga kami ni Papa?” tanong ko kay Asi. Kahit na kailan ay hindi nakialam si Mama sa mga nagiging desisyon ko sa buhay ko. He gave me freedom. I am independent. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinabi ng lalaking 'yon na Papa arrange us.

“You better ask your Dad” sagot ni Asi saka nagpakawala ng isang marahas na hangin. Tumingin siya sa akin ng seryoso “The guy earlier....mukhang seryoso siya. What if totoo ang sinasabi niya”

Bigla akong napaisip. Paano nga kaya kung totoo.

“Kung totoo man e di....Argh! I should ask Papa first” Saad ko. Sumandal ako sa sandalan ng Sofa at tumingala sa itaas. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga pinag-gagagawa ni Deron, meron pang dumagdag na isa pang isipin. Ano ba yan!

“Don't think about it. Baka ma-stress ka lang. Tawagan mo na lang ang Papa mo bukas to confirm if it's true. Maghahanda lang ako ng hapunan natin” Saad nito saka siya tumayo.

“Okay. Sarapan mo luto mo ha”

“Ofcourse. Go upstairs para makapag-palit ka na. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako”

“Sige”

Kinuha ko na ang back pack ko at umakyat na sa itaas. Si Asi naman ay dumiretso na sa kusina. Mabuti na lang talaga at narito si Asi na kasama ko. Siya ang nagsisilbing chef ko. Kung wala siya ay baka puro ordered foods ang kakainin namin ng baby ko dahil lagi akong tinatamad na magluto.

Pagdating ko sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa banyo para makapag-linis na muna ng katawan. Habang dumadaloy ang tubig sa katawan ko na nagmumula sa shower ay bumabalik sa isip ko yung mga nangyari kanina. Yung panliligaw na sinasabi ni Deron. I honestly don't believe him o sadyang pinipilit ko lang talaga sa sarili ko na huwag ng maniwala.

Dati, lahat ginagawa ko para lang mapansin niya ako. Mapansin niya lang ako isang beses sa maghapon ay grabe na yung sayang hatid nun sa sistema ko. Higit pa yung saya sa pakiramdam ng maka-jackpot ka sa lotto. I adored him so much. Kumpleto lagi yung araw ko kahit na iritado siya palagi sa akin.

Siguro kung walang nangyari sa amin noong gabing yun, baka hanggang ngayon nagpapaka-t*nga pa rin ako sa atensiyon niya. Baka naghahabol pa rin ako sa kaniya.

But now, he was doing things na talaga namang nakakabuhay ng inis ko. Tapos may isa pang lalaki na bigla na lang sumulpot telling me that he is my Fiancee, like what the f lang!

Pagkatapos kong nag-half bath ay nagpalit na rin ako ng pantulog. Bigla akong napatingin sa cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko ng mag-ring 'yon. Mabilis ko yung nilapitan at kinuha sa pag-aakalang si Papa yung tumatawag, but it's not him. It's an unregistered number.

Nag-aalangan akong sagutin dahil baka mamaya ay scammer lang itong tumatawag, pero mas nangibabaw yung curiosity ko. Baka Kasi mamaya isa sa tatlong Kuya ko na nagpalit lang ng number

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now