"'Pakasama mo talaga." Dinutdot niya ng daliri ang noo ko kaya bahagya akong napaatras.

Ayoko namang maupo nang walang sandalan kaya doon lang ako natambay sa harap niya. Nakatukod lang ang mga palad ko sa may seawall sa magkabilang gilid kung saan siya nakaupo.

Malayo-layo naman ako sa kanya, halos isang tukod din ng braso.

"Di mo pa nasasagot yung pang-third," sabi niya, nangungulit na naman.

"Ano na namang pang-third 'yan?" nakasimangot kong tanong.

"Yung niligawan mo."

"Kanina mo pa tinatanong 'yan sa jeep."

"Di mo pa sinasagot kasi," nakangisi niyang sinabi. "Siya ba yung nasa post mo last year?"

"Na alin?"

"Yung sinabihan mong sana naging honest na lang."

Nanliit agad ang mga mata ko. "Stalker ba kita? Bakit alam mo 'yan?"

"Ang dami kaya naming nag-comment doon sa post pero wala kang ni-reply-an."

Napaisip naman ako. Oo, maraming nag-comment doon sa post na 'yon, pero hindi ko naman binasa kasi wala rin naman akong interes makabasa ng mga comment na di naman makakatulong sa 'kin.

"So, last year pa kitang friend sa FB?" tanong ko na naghihinala na.

"Hmm . . . feeling ko, parang two o three years na yata? Hindi ako sure. Pero sure na friend na kita last year. Tapos nakikita ko kulitan n'yo nina Angelo."

Sa bagay, ang kalat namin nina Gelong sa FB.

"Pero siya 'yon? Yung girl?"

Nakanguso akong tumango. "Paano mo nahulaan?"

"Sa comment ni Terry. Parang may na-mention siya na girl. Tapos inom na lang daw kayo, gano'n."

"Pakaingay talaga n'on ni Teryo. Pero ano kasi 'yon . . ." Sa paghahanap ko ng distraction, pinakialaman ko na yung mga keychain niya sa sling bag na nakalawit. "Hindi naman sa nagalit, pero sobrang gago kasi ng nangyari."

"Paanong ano . . . paanong nangyari?"

"De, di ba, nanligaw nga ako. So, gano'n, bigay ng bulaklak, chocolates, ta's hatid-sundo siya sa school. Sa private college siya, tourism student."

"A, maganda 'to, for sure."

"Oo, saka medyo matangkad. Nasa 5'8 siya tapos 'yon . . . sumasali ng pageants."

"Maganda nga."

Nakatuon lang ako sa mga keychain niyang animé habang nagkukuwento.

"Parang mga two months ko siyang niligawan, happy naman siya sa effort . . . sabi niya. So, akala ko, okay. Nagulat na lang ako, nag-post siya ng ultrasound tapos ang caption niya, 'Babalikan ko daddy ng baby ko or not? Heart sa yes. Sad react sa no.' Tapos—alam mo 'yon?" Natawa ako pagtingin ko sa kanya. "Ang gago lang."

Nakangiwi lang siya nang makita ko ang reaksiyon niya sa kuwento ko.

"Masama loob mo kasi sinayang effort mo tapos buntis pala sa iba."

"Hindi!" depensa ko bigla. "Kasi alam mo kung ano ang nakakasama ng loob doon? Yung hindi siya naging honest. Kasi alam mo, kung naging honest lang siya, baka ako pa ang bumili ng vitamins niya. Baka sinamahan ko pa siya sa checkup niya. Pero alam mo yung nalaman mo 'yon sa survey niya kung makikipagbalikan siya sa tatay ng baby niya? Survey, 'tang ina, pakialam ba ng followers mo sa nakabuntis sa 'yo?"

"Ramdam ko yung sama ng loob, men."

"De, masama talaga loob ko d'on," sabi ko pero mas mahinahon na. Binalikan ko na naman ang pamimili ng keychain sa sling bag niya. "Sana nga binasted na lang ako. Sana sinabi na lang niyang may iba pala para hindi ako nagmukhang tanga, di ba?"

"Baka natatakot lang siyang magsabi sa 'yo."

"Hindi gano'n 'yon, Taki. Kung natatakot ka, magpapa-survey ka pa ba in public?" Napailing ako at gusot ang magkabilang dulo ng labi. "Iba yung natatakot silang umamin sa wala talaga silang pakialam sa 'yo. 'Wag na nating i-justify 'yong intention ng mga taong never namang cinonsider ang feelings natin. Sa totoo lang, ha."

Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko para matawa siya. "O, sige na, 'wag ka na gagalet. Tara, hug na lang kita."

Nag-alok siya ng mga braso para sa yakap. Inalok ko rin ang braso ko para yakapin siya pero napaatras agad ako at nakasimangot pa nang magtaka. "Tsansing ka na, mam!"

"Oy, akala ko ba, kasama hug sa 20k?" reklamo agad niya.

"Kasama ba hug d'on?"

"Oo kaya!"

"Talaga ba? Wait, check ko nga." Kinuha ko agad ang phone ko saka ako nag-scroll sa mga post ko kung talaga bang kasama ang hug sa joke ko. "Bakit kasi patola ka, ha? Miss mo na ba magka-syota?"

Huminto ako sa isang post ko na naka-hide.

HAHAHAHA POTA NEED KO NG FUND MGA PAR

Patusin nyo na to tangina pambili ko lang talaga ng gift para sa mama ko

DATE ME FOR A DAY for 20k lang

Sweet ako pramis kulay pa lang muscovado na

Holding hands wantusawa kahit paa mo iho-hold ko anokajan par

Libre na hug with consent. Siempre w/ consent tayo mga par genelmen tayo gago

6'3 height pero kasya sa puso mo *wink wink*

Shet, may hug nga. Hmm.

"Sige, sige. Hug lang naman," sabi ko at ibinalik ang phone sa bulsa.

Ako na ang nag-alok ng mga braso at lumapit sa kanya. Ikinawit niya ang mga braso niya sa balikat ko at iniyakap ko naman ang mga braso ko sa bandang baywang niya.

"'Liit mo talaga. Parang kaya kitang buhatin kahit isang braso lang."

"Oo na, alam ko na po. Kelangan inuulit na maliit ako?"

Sa liit niya, parang niyayakap ko na lang din ang sarili ko hahaha!

Saglit akong pumaling sa may ulo niya. Ang bango! Kahit tumambay na kami sa usukan saka sa terminal, amoy matamis pa rin.

"Ang PDA pala natin, gagi," natatawang bulong ko sa kanya habang nakaharap ako sa dagat.

Mahina siyang natawa. "Hindi 'yan. Hug lang naman. May nagpapa-free hug nga in public."

"Saglit lang naman kasi 'yon. Etong hug mo, parang nangangailangan ka talaga ng kalingang lubos."

"Hahaha! Grabe sa kalinga. Pero di ka wrong."

"Miss mo na syota mo?"

"Siya, hindi. Miss ko lang may kayakap. Saka ang bango mo pa rin kahit ang pawis mo na, in fairness." Saka niya hinawak-hawakan ang buhok ko.

"Huy, gagsti! 'Wag mo 'kong amuyin. Parang ano naman 'to. 'Pag yakap, yakap lang, walang amuyan."

"Hahaha! Sige na nga."

Sige raw pero inamoy pa rin leeg ko. 'Pakatigas talaga ng ulo.

♥♥♥

Date Me, Please?Where stories live. Discover now