Kabanata 33

15.3K 157 8
                                    

Kabanata 33

Margarette

My tears fell as I watched the tiny coffin get lowered on the ground. Wala na akong lakas pa na magsalita at pasalamatan ang mga taong dumalo sa libing kaya nagtataka ako na hanggang ngayon ay mayroon pa akong nailuluha gayong wala na akong tigil sa pag-iyak.

I felt Mommy Emma's hand caressed my back but my eyes remained focused on the coffin as it get buried.

"Hintayin pa rin natin ang resulta ng DNA test, Marga. Huwag muna tayong mawalan ng pag-asa," naiiyak niyang sabi.

My trembling lips pursed. It's so easy for them to say I should have faith, but nobody considered the deeper wound the DNA test might cause me once it confirms that the baby we're watching get buried right now is really my son.

Gusto kong umasa. Gustong-gusto ko. Pero paano? Paano ba lalabanan ang mga salitang isinisigaw ng isang bahagi ng isip ko? Ang mga salitang lumulumpo sa akin at patuloy na bumabasag sa aking puso bilang isang ina?

I can't even wipe my tears anymore. Parang wala na akong lakas dahil inuubos ako nang husto ng matinding sakit na bumabalot sa aking puso. Parang biglang naging masalimuot ang reyalidad, at kahit anong kurap ko ng mahapdi ko nang mga mata, hindi ako nagigising.

My almost perfect life with Rig suddenly ended in a blink of an eye. Bakit gano'n? Talaga bang hanggang tikim lang ako sa saya ng buhay? Tuwing nagiging payapa ba ang mundo ay kailangan kong ihanda palagi ang aking sarili dahil siguradong mayroong kapalit na sakit ang bawat ligayang natatamasa ko?

Hindi ko maintindihan. Masama ba akong tao?

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan saka ako malamig na tumingin kay Mommy Emma. "Ang . . . a-asawa ko ho? A-asan? H-Hindi man lang ba siya . . . magpapaalam?"

Lumamlam ang luhaang mga mata ni Mommy Emma. "H-Hindi namin ma-contact si Rig. Hindi namin alam kung n-nasaan."

Basag akong ngumiti kasabay ng pagragasa ng aking mga luha. I asked one sign. One damn sign if I would still stay and grieve with him, pero paano ko nga naman sasamahan ang taong hindi rin naman ako handang samahang magluksa?

Para bang kung kailan ko siya mas kailangang-kailangan, saka siya wala. Saka niya ako hahayaang tumayo sa mga paa ko kahit alam niyang anumang oras ay maaari na akong tumumba dahil hindi ko na kaya ang sakit.

I inhaled a sharp breath and didn't answer Mommy Emma. Nang matapos ang libing ay nagpahatid ako sa bahay naming mag-asawa hindi para roon ipagpatuloy ang pagluluksa ngunit para tuluyan nang kunin ang aking mga gamit.

Masakit man sa akin ang desisyon kong ito, ayaw ko nang umabot pa kami ni Rig sa puntong halos hindi ko na siya matitingnan pa sa mga mata dahil tuluyan nang napalitan ng galit ang pagmamahal ko sa kanya.

His love made me the happiest woman alive in a short span of time, and if leaving him would help me preserve in my mind the version of him I could never hate, kahit ang hirap-hirap piliing talikuran ang lahat, siguro, ito na lang ang dapat gawin.

God knows how much I wanted to keep the love I have for him no matter what, but if Rig would continue showing me that he's not ready to stay by my side during these dark hours, I might end up losing the fire our love had lit inside me. Hindi ko kayang hayaang pati ito ay mawala sa akin. I've already lost so much. Kung pati ang pagmamahal ko sa kanya ay tuluyang papatayin ng sakit at galit, hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayari sa akin.

"Marga, teka lang. Paano naman si Sir kung aalis ka?" naiiyak na pigil ni Manang Roma sa akin nang makita nila akong hinahatak ang maleta ko palabas ng bahay.

Nagpunas ako ng luha ngunit imbes na sagutin siya ay niyakap ko habang hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

"Para rin ho sa amin ito . . ." My voice cracker. "A-Ayaw ko hong . . . tuluyang magalit sa kanya kasi . . . kasi mahal na mahal ko ho si Rig." Umalog ang aking mga balikat. "Mahal na mahal ko po ang asawa ko, Manang. Mahal na mahal ko siya kahit . . . kahit parang palagi na lang may kapalit na sakit ang lahat."

Suminghot siya't hinagod ang aking likod. "Magpakatatag ka, Marga. Mahal na mahal ka ni Sir Rig. Kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon, dahil lang din iyon sa parehong sakit na dumudurog ngayon sa'yo."

I sniffed. "Iyon na nga h-ho, Manang. P-Pareho kaming dinudurog ng sakit . . . hanggang sa hindi namin n-napapansing dinudurog na rin namin ang isa't isa." I sobbed. "M-Masyado ko hong mahal si Rig p-para hayaan kong . . . matalo ako ng isip ko. A-Ayaw ko hong sisihin siya. A-Ayaw kong pagdudahan ang p-pagmamahal niya kaya kung . . . kung kailangan hong lumayo muna ako nang hindi na magkaroon ng pagkakataon ang isip kong s-sisihin siya sa nangyari, kahit ang . . . ang hirap-hirap pong iwanan siya, m-mas mabuti na ho ito."

Namuo ang kanyang mga luha. "Marga . . ."

My shoulders quaked. "Mahal na mahal ko si Rig, Manang. Mahal na mahal ko ho siya. Ayaw kong . . . saka ho ako aalis kung kailan natabunan na ho ng galit ang pagmamahal na 'yon kasi . . . kasi ito na lang ho ang bumubuhay sa akin ngayon. Itong p-pagmamahal ko para sa asawa ko."

Her tears fell as she inhaled a sharp breath. "Naiintindihan ko na." She forced a smile while her lower lip trembled. "Naiintindihan na kita."

I flashed a broken smile before I hugged her again. Hinayaan ko muna ang aking sariling tumangis sa kanyang balikat, at nang kahit papaano ay kumalma ang dibdib ko ay saka niya ako ihinatid sa labas upang matulungang sumakay ng taxi.

She asked me to tell her where I'd stay so she can visit. Um-oo na lamang ako't nagpahatid sa taxi driver sa bahay ng mabait na janitress noon sa club kung saan ako iniwanan ng Mama ko.

It took nearly an hour before I reached Nanay Lumi's old house. Nagbayad ako sa driver at hinatak ang aking maleta palapit sa pinto.

Sandali kong kinalma ang aking sarili saka ako kumatok, ngunit nang bumukas ang pinto ay ganoon na lamang ang naging pagtibok ng aking puso matapos kong mapagtanto kung sino ang kausap ni Nanay Lumi. Sa tabi ng babaeng umiiyak ay isang malaking maleta.

"Marga?" tawag ni Nanay Lumi na ikinatigil ng babaeng kausap niya.

I wasn't able to answer. Natutok ang mga mata ko sa babaeng unti-unting tumayo habang nanlalaki ang hindi makapaniwalang mga mata. Maya-maya ay dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Ang nanginginig na palad ay umangat upang ilapat sa aking pisngi.

My memories of her wasn't that vivid anymore but I knew that face. I . . . remember it.

"M-Mama?" I called with a shaking voice.

Tuluyan siyang napahikbi at ang mga luha ay sunod-sunod na pumatak. "A-Anak. Diyos ko . . ." She pulled me for a tight hug. "Akala ko mamamatay akong hindi na kita ulit nakikita. Diyos ko, patawarin mo si Mama. Patawarin mo ko, Marga . . ."

My lower lip trembled as my arms slowly wrapped around her waist. Akala ko noon kapag nagkita kami ulit ng Mama ko ay iiral ang galit sa aking puso, ngunit ngayong bumalik siya sa buhay ko kung kailan pinakakailangan ko ng taong masasandalan, wala akong ibang maramdaman kun'di ang pangungulila ko sa kanya.

"Ma . . ." My shoulders quaked. "Kailangan kita ngayon. Please, huwag mo muna kong iwan . . ." tila bata kong pakiusap.

She pulled away from our hug then wiped my tears before she cupped my face. "Nandito na ko. Hindi na kita iiwan ulit ano man ang mangyari. Magsisimula tayo ng panibagong buhay nang magkasama. Pangako 'yan, anak. Hinding-hindi na aalis si Mama sa tabi mo magmula ngayon."

I sobbed and crashed into her arms once again, and as I felt her pressed motherly kisses on the side of my head, I had hope that maybe, maybe God listens. That maybe God loves me, too.

I shut my eyes and let myself cry in my mother's arms, hoping that someday, all the pain I am carrying in my chest would go away the way my anger for my mother disappeared after a tight hug from her.

Maybe, just maybe, someday, all of the pain will disappear, and what would be left is nothing but love.

The love I know I'd keep no matter what God had in store for me and Rig . . .

TAMED SERIES #1: Righael Samaniego Where stories live. Discover now