Chapter 14

54.3K 1.6K 531
                                    

Priority

Maaga ako sa school. The gate just opened, and I'm already there. Ako na rin halos ang nagbubukas ng classroom dahil ako naman din lagi ang nauuna.

There's just always something in the classroom when it's empty early in the morning, and you'd sit there alone.

Ngunit sa araw na 'yon, hindi pala ako ang nauna. Lalo na't pag-akyat ko at kakaliko pa lang, natanaw ko agad sa tapat ng classroom namin si Trison na nakahilig sa railings habang malayo ang tingin.

His hair was still damp, which is why it looked so messy while he was holding a paper bag. Nakasabit sa isa niyang balikat ang itim niyang bag at ang tangkad niya tingnan dahil na rin sa kanyang tindig.

His head glanced over his shoulder until he found my eyes. Napatuwid siya ng tayo. Tumikhim ako, kumakalabog ang dibdib habang naglalakad palapit sa pinto ng classroom.

"Morning!" he greeted enthusiastically.

Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad siya para masalubong ako.

"Morning..." I greeted back as I tried not to be so overreacting.

I just confessed last Saturday that I like him and he's here! Ito na ba ang tinatawag nilang crush back?

Dumeritso ako sa pinto at isinilid ang susi para mabuksan na iyon. Tumayo siya sa likod ko, maagap ang tingin sa ginagawa ko hanggang sa binuksan ko 'yon.

Trison followed me. The light of the fresh morning passed through the windows when I pulled the curtains on the sides.

Tumulong si Trison at iyon ang ginawa sa kabilang bintana. Binuksan ko rin ang mga ilaw hanggang mas lumiwanag ang loob.

He took the paper bag and walked to my seat, where I put my things.

"Oh..." Inilahad niya sa akin iyon.

I curiously took it from his hand. Isinandal ni Trison ang pwet niya sa aking desk at humalukipkip, nakatingin sa ginagawa kong paglabas ng tupperware.

"Kainin mo tuwing recess..." he suggested.

My eyes widened when I realized it was really a sandwich. Mga nasa tatlong pares iyon ng loaf bread na pinaghahati niya at mukhang ham and cheese nga ang palaman. Hindi lamang iyon, there's also a tumbler included, which I suspected was the orange juice.

"Bakit ka naman... nag-abala?" tanong ko.

"Para walang selosang nangyayari," he arched his brow and laughed a little.

My eyes widened.

"At para hindi ka rin magmove-on," agap niya kaya tumawa rin ako.

"Bakit ayaw mo akong magmove-on?" I teased.

"Alam mo na 'yon. At pag ito biro lang..." nagbabanta na naman ang tinig niya nang hinawakan niya ang daliri ko at ibinaba iyon.

"Kilalang kilala pa naman kayong mga Ferrarin bilang playgirl at agresibo."

"That's not true," I defended.

"Mga kapitbahay ko ang pinagpupuntahan ng mga pinsan mo. Mga kaibigan ko pa. Lalandiin ngayon. Bukas makikita na sa ibang lalake. Pag nakita kita sa ibang lalake..."

"Sino namang lalake?" I asked as I looked at my fingers he still held.

"Sino bang lalake?" ulit niya, umaangat ang kilay.

"Wala akong lalake ah!" giit ko. "Unless you multiplied..." I smirked.

"Ang gagaling niyo talagang mga Ferrarin," iling niya ngunit ngumingiti.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now