CAN YOU HEAR MY HEART / Chapter 23

16 1 0
                                    




" Hanggang ngayon naghihintay pa din ako sayo Liah. Sa sagot mo, kung anong desisyon mo. Maghihintay ako..

" Hoy Liahh!.. sigaw ni Pat sa na nasa harapan nya. Bumalik sya sa kanyang ulirat.

" Hah??.. sagot naman ni Liah habang nakaupo na may hawak na inumin.

" Ano bang nangyayari sayo? After natin mag bakasyon pagbalik mo ganyan kana. May nangyari ba?.. tanong ni Pat at sabay sip ng kanyang pearl cooler doon.

" Wala naman inaantok lang ako.. sagot naman ni Liah na pinipisil pisil ang istro ng kanyang avocado pearl cooler.

" Anong wala naman. Kung inaantok ka hindi ka dapat tulala. Kundi tinulugan mo na ko dyan sa table. Wag ka ng magpalusot. Sabihin mo na sakin. Anong nangyari?

Nakatingin lang sa kanya si Liah at hindi sumagot. Sumemyas si Pat na para bang sinasabi nito na ano na. Nakatingin naman si Liah doon at hindi alam anong sasabihin.

" Napipi ka na ba Liah? What is it??..

"Hayst.. hindi ko alam kung pano ko sisimulan oh ipapaliwanag. Kahit ako naguguluhan na..

" Simulan mo na kase ano yun?..

at napabuntong hininga nalang si Liah sa kanya. Ilang minuto ang lumipas matapos ipaliwanag ni Liah.

" Alam mo siguro hindi kapa sigurado sa feelings mo. Nalilito ka pa. Hindi mo kailangan i pressure ang sarili mo kakaisip. Hayaan mo lang. Sa huli malalaman mo din at mararamdaman ang sagot dyan sa tanong ng isip at puso mo. Wag ka basta mag desisyon ng hindi ka sigurado..

" Tama ka Pat. Sige susundin ko yan.

Ngumiti sa kanya si Pat at uminom ng hawak na inumin. Napalingon naman si Liah sa malayo at napatulala doon. 

Sa bahay pag uwi ni Liah sa kwarto nagbihis agad sya at nagbukas ng kanyang laptop. Ipinagpatuloy nya ang dati nyang isinusulat. Pero bigla syang natigilan at napatulala Nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Tumayo sya at binuksan ito. Pagbukas.

" Val..

Ngumiti si Val at

" Pasensya na naistorbo ba kita?

" Ahh hindi naman pasok ka..

" Salamat...

At pumasok si Val. Nakota ni Liah ang dala ni Val.

" Ahh ito nga pala para sayo. Napadaan na naman kase ko doon sa may bakery. Naalala kita.

Kinuha ni Liah ang cookies na inabot ni  Val.

" Salamat.. matagal na din akong hindi nakakakain nito. Salamat Val.

" Wala yun alam ko paborito mo yan..

" Salamat..

Ngiting sagot ni Liah na nakatingin kay Val.  Napangiti din si Val sa kanya. At natahimik sila parehas. At nakatingin sa isat isa. Biglang nahiya si Liah.

" Ahh upo ka nga pala..

" Sige..

Naupo si Val sa gilid ng kama. Habang si Liah naman ay naupo sa desk nya kung saan naroon sa table ang laptop.

" Nagsususlat ka?

" Oo may bago kase akong isinusulat. Actually dati ko na tong isinulat nung bago palang ako dito. Pero hindi ko pa sya matapos tapos.

" Ganon ba. Patingin nga..

Sabay tingin ni Val sa tabi ni Liah. Natulala naman si Liah kay Val habang nakatingin ito sa laptop.

Can You Hear My HeartWhere stories live. Discover now