"Pero itinanggi mo na ayaw mo akong i girlfriend. Tapos noong si Chesca na..."

"Hindi nga. Nahihiya lang ako na kakalat 'yung ganoong balita. Ferrarin ka pa naman. At close 'yon sa pinsan mo. Natatakot ako baka magsumbong."

Oh... that makes sense why her opinion matters to him.

"Tsaka... akala ko... may crush ka sa classroom namin. Ilang beses kang dumadaan eh."

"Oo nga. Ikaw nga," I clarified.

His eyes widened again. Mariin siyang napapikit at humalakhak.

"Ako?" turo niya sa sarili niya nang dumilat sa kumikislap na mga mata.

"Oo. Ikaw." I smiled confidently.

Namaywang siya, naiiling ngunit ngumingiti.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo. At... magmomove-on na ako bukas."

Napawi ang ngiti niya. "Ano?"

"Kasi... may crush kang iba? At bagay naman kayo ni Chesca."

"Ano 'to. Nagconfess ka tapos parang ako ang na-reject?" Halos matawa siya.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. He sighed aggressively. Nailagay niya sa bawat likod ng kanyang ulo ang mga palad, tiningala ang langit. Damn... I never thought of him so romantically, not until this day.

He looked like he was thinking. Noong tumingin ulit sa akin, seryoso na.

"Hindi mo ako binibiro?"

Umiling ako. "Am I rejected?"

"Ano ba 'yang sinasabi mo?" he chuckled boyishly.

"I mean, you rejected Diana."

"Oo. Kasi ayoko nga ng girlfriend," agap niya. "Grade Twelve na ako sa susunod. Baka ma-distract ako sa girlfriend ko."

I understand where his determination is coming from. When I heard his mother's dream, she looked so inspired to see Trison on the stage.

"Edi... rejected nga ako."

"Teka nga. Hindi pa tayo tapos," he hissed.

Ngumuso ako. He sighed again and dragged the other chair as he put it in front of me. Pabaliktad ang pagkakaupo niya sa monoblock chair. He hugged its back as he let his chin rest on it. My legs were already locked between his parting legs.

Now that our faces are level and it's inches away from me, the small distance almost makes me swallow. I can see clearly the color of his eyes, the boyish stance that screams in him, the jet black hair that matches the darkness of the sky, and the stares he's giving me that penetrate my soul.

He's immaculately handsome, and it's worsening the rapid pounding of my heart.

"Ano bang gusto mong mangyari?" he asked in a raspy voice.

Kumurap kurap ako. Wait. Hindi namin ito napag-usapan ni Diana! I just want to move on after this coz I thought he's into Chesca!

"Tingnan mo na. Hindi mo alam," he leered at me.

"Bakit? Nagconfess lang naman ako! At... makakamove on na ako bukas?"

He arched his brow. "Binibiro mo lang yata ako eh. Halika na nga. Umuwi kana." Nag-amba siyang tumayo.

"Totoo nga!" Hawak ko sa braso niya, kaya hindi siya natuloy.

He looked at my hand first, on his bicep. Umupo siya ulit kaya binitiwan ko siya. Ibinalik ang baba niya sa ibabaw ng mga kamay niyang nakayakap sa likod ng upuan. He's crouching, and if I lean closer...

String Of Lights (Rebel Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ