Proposal

6 0 0
                                    

It wasn't a perfect day.

"Here you go."

"Salamat," sabi ko habang inaabot ang dala niyang kape.

Plinano namin ni Nick na matulog nang maaga para makabangon sana bago mag-sunrise, kaso late na kami nagising. We woke up early enough to enjoy the morning breeze along the shore, though, at nag-enjoy naman kami sa paglalaro ng Word Factory kagabi. Hindi niya matanggap ang pagkatalo niya, but at least I showed my sincerity when I comforted him.

"Sincerity," I mumbled as I giggled.

"Bakit ka natawa?" tanong niya habang umuupo sa tabi ko.

I stared as he smiled at me. Gulo-gulo na ang buhok niya sa bawat hampas ng hangin.

"I wonder what I did to deserve this guy," I thought to myself.

Our relationship hadn't been perfect, especially during the first few months. Hindi pa kami out pareho noon, at ang dami naming pinagdaanang mga problema—sa school, sa trabaho, sa pamilya. It was difficult, painful, and at one point, muntik na kaming sumuko pareho. Pero wala, eh, makulit kami pareho. Hindi kami papayag na mawala ang lahat nang ganun-ganun lang.

We'd come a long way since then; we still have a long way to go.

"Wala," sabi ko sa kanya. "Naalala ko lang yung huling word ko kagabi na nagpanalo sa'kin."

Napalitan ng simangot ang ngiti niya kanina. "Oo na nga, talo na nga ako."

"Best in English ka pa niyan nung high school, ah," pang-aasar ko.

"Oo, natalo ako pero hindi ako tanga!"

    Movie references. Ever since I got him to watch my favorite local films, nakahiligan na niyang gumamit ng mga linya sa mga pelikulang napanood namin at the most random times. At siyempre, hindi rin ako magpapatalo.

    Chanelling my inner Bea Alonzo, I reacted, "O, bakit, sinabi ko bang tanga ka? Wala akong sinabing tanga ka! Ang sabi ko, ang tanga ng 'insincere' mong word na kulang naman ng isang 'e'! Hindi mo na naman ako pinapatapos kaya nami-misinterpret mo ako, eh!"

Tumawa siya. Ipinagpipilitan kasi niya 'yung "insincere" niya. Mali naman.

"Okay, okay, fine. Tanggap ko na, Jane, Wanda," sabi niya habang nakataas ang pareho niyang kamay. "I lost the game already. You don't have to rub it in."

I smiled as I took a sip of my coffee. Ang cute talaga niya kapag natatalo, na minsan lang din namang mangyari. I guess, "siya na ang matalino; siya na ang maganda—lahat, siya na."

"But still, you rubbed it in, so I guess I still won."

Muntik ko nang mabuga ang kape ko sa sinabi niya.

"Gago ka talaga!" sabi ko habang hinahampas-hampas ang braso niya.

I could hear our laughters echo; it's one of the reasons why we love to hang out by the beach early in the morning. The sunlight mildly touched our skin—with the sound of the waves crashing in our ears and with no other people in sight.

We weren't like Ariel anymore. We are now part of each other's world.

"Babe?" he called.

"Hmm?"

"Before I asked you out," he paused. "Did you have a dream wedding?"

"Ang random naman ng tanong mo."

"Just answer it. I'm curious."

"Uhh, I never really thought about it," sabi ko. "Siguro dahil lumaki ako na sinasabi ng mga tao sa paligid ko na mali ang klase ng pagmamahal na káya kong ibigay. 'Yung pagmamahal na hindi nakasanayan, kesyo hindi raw normal, kahit nasa tamang edad naman na ako at 'yung táong minamahal ko—ikaw."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fictional BiographiesWhere stories live. Discover now