Chapter 13

2.1K 62 0
                                    

Pagkarinig ni Mirang sa boses ng babae'y agad na pinutol ang tawag.

"Ano nangyari sa'yo?" ang nagtatakang tanong ni Jewel.

"Babae ang nakasagot, malamang si Jho iyon." ang wika ni Mirang na naka kuyom ang kamao.

"Ano ngayon kung si AHAS iyon! Hindi naman siya ang kailangan mo, kaya puwede ba tawagan mo uli? Kung ayaw mo, ako nalang an tatawag." kaya siya nalang ang tumawag sa lalaki.

"Sino kaya iyong buweset na tumawag na iyon!" ang inis na si Jho, habang nasa restaurant sila at kumakain ng dinner. Naiwan kasi ni James ang kanyang cellphone ng pumunta ng restroom. At pinatay niya ang phone ng binata. Pero ng dumating ang binata ay binuksan nito ang phone at nagtataka siya kasi hindi niya naalalang pinatay niya ito sapagkat kakausap lang niya sa kanyang sekritarya dahil may pinapaayos sa kanyang abogado.

Bakit ang tagal mo naman sa restroom! Kanina pa ako gutom! Alam mo na iyon?!" ang sita niy sa binata at wala siyang pakialam kung lahat ng customers

nakatingin sa table nila.

"Puwede ba Jho, pagod at gutom ako, kaya tumahimik ka na lang. At isa pa hindi ko naman dala ang bibig mo sa restroom kaya bakit hindi ka kumain na d'yan?" ang sikmat niya sa kasintahan.

Kumakain sila na walang kibuan, ng biglang tumunog ang kanyang telepono.

"Hello..! Jewel? Bakit ka napatawag?"

Nang marinig ni Jho ang binanggit ng lalaki sa kausap ay umasim ang mukha niya.

"James, puwede ba tayong magkita ngayon?"

"Sige, mga anong oras?"

"Alas-otso sana doon lang sa may Eastwood?"

"Sige, darating ako mga tatlumpong minuto lang iyon mula dito."

"See you there. " At tinapos na nila ang kanilang pag-uusap.

"Ano ka ba Jewel! Bakit ngayon na agad ang sinabi mo?"

"Correction..! Hindi po ngayon! Mamayang alas-otso po kayo magkikita. Kaya maghanda kana, kailangang maakit siya sa'yo." ang may kasama pang kindat na biro ni Jewel na ikinapula ng pisngi ni Almira.

"Hay.. Naku! Hanggang ngayon kapag si James ang pinag-uusapan, nag ba-blush ka parin." ang patuloy na panunudyo.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mag-ina at dumating na ang kanilang sundo ang asawa ni Jewel, hindi na kasi pinapayagan ng kanyang asawa na magmaneho sapagkat malapit na ang kabuwanan ng asawa.

Nagkumustahan din sila ng asawa nito at nagkwentuhan saglit habang hinihintay na bumaba si Terence, dahil nakatulog na pala ang dalawang sa paglalaro.

Hindi rin naglaon ay nagpaalam na ang mag-anak.

Hindi sa naiinggit siya dahil walang ama ang kanyang anak at hindi buo ang pamilya nila. Pero alam niya na nagagampanan niya ang paigiging ama at ina sa anak.

'Ano kaya ang maramdaman ko kapag magkita na kami? Ano ang gagawin ko?" mga katanungan na hindi mabigyan kasagutan kung hindi niya makaharap ang lalaking nagbigay kahulogan sa buhay niya ng dumating si Myrrh.

Nang tumingin siya sa orasan at malapit na ang takdang ors ng kanilang pagkikita at lalong tinambol ng kaba ang kanyang dibdib.

Naunang dumating ang binata sa tagpuan, at hindi na niya hinintay na magkaroon ng dahilan si Jho na sumama sa kanya.

Halos alas-nueve na dumating si Almira sa tagpuan nila ng binata. Pero kung tutuusin wala pang alas-Otso ay andun na siya, hindi lang siya pumasok kaagad dahil kinakabahan siya.

DAHIL SA'YO written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon