Chapter 10

2K 58 1
                                    

"Myrrh...! Baby! Nasaan ka na?" ang halos ay madapa na sa katatawag sa anak.

"Ate, ano ka ba kanina pa tulog si Miray, kaya kahit mamaos ka pa diyan ay hindi ka niya maririnig dahil may nandoon na naman siya sa atic natulog, katabi ni Yhanie." ang salubong ni Yhumie sa kanya.

"Gisingin mo, dalhin mo sa kwarto ko at gusto kong tabi kaming matulog ngayon." ang utos niya sa kapatid.

Wala ng tanong tanong ay umakyat na sa atic ang dalagita upang gisingin ang pamangkin.

Dahil lalim na ang tulog ng bata ay binuhat nalang ito ng tiyahin at dinala sa kuwarto ng ina.

Sakto namang pagdating ni Yhumie ay nakabihis na ang kapatid agad na kinuha ang anak.

Pinupog niya ng halik ang bata hanggang sa magising ito. Nang makita ng bata ang ina na humahalik sa kanya ay gumanti din ito at hanggang matumba sila sa kama.

"Ops! Nasaktan ba ang baby ko?"

"No, mommy, tuwang tuwa nga ako at hinahalikan niyo po ako. Sana dalawa kayo ni Daddy na hahalik sa akin." ang wish ng kanyang anak na iwan niya kung matutupad.

"Mom? Bakit po kayo natahimik?" ang tanong ng anak.

"Talaga bang gusto mo makita ang daddy mo?" ang halos pumiyok na si Almira dahil natatakot siya na ito na ang huling hiling ng anak, may sakit kasi ito sa puso. Pero kung matupad niya ang wish nito na makita ang ama, pero hindi naman makasama, baka lalo lang masasaktan ang kanyang anak.

Noong malaman niya na buntis siya ay magtatatlong buwan na ito sa sinapupunan niya at naghahanda na siya para sa CPA EXAMINATION niya at ang akala niya ay masayang ang kanyang pinagsikapan dahil sobrang silan ang kanyang pagbubuntis.

Sa mismong oras ng kanyang examination ay nakatulog siya, mabuti nalang at pinagbigyan siyang matapos niya ang test, at kilala niya ang facilitator nila ang kanyang professor.

At sa awa ng Diyos ay top 1 siya sa naturang exam at lahat ng kilalang kompanya ay pinadalan siya ng mga offer.

Pero mas pinili niya ang nagtrabaho sa bangko. Noong una hindi talaga madali, lalo pa at napakasilan ng pagbubuntis niya at nalaman pa niya na may sakit sa puso ang anak na nasa sinapupunan niya.

Pinapili siya ng doktor kung ituloy pa ba ang bata o tatanggalin na ito para hindi na maghirap pero mas pinili niyang buhayin ito, dahil ito ang magiging lakas niya para sumulong sa buhay.

Kahit na hirap na siya ay nagpakatatag siya alang-alang sa buhay na dinadala niya. Kung minsan gusto na niyang sumuko, pero nariyan ang kanyang mga kapatid umaalalay sa kanya.

Hanggang sa ipinanganak niya ang bata at kailangang i-cesarean siya para hindi ma stress ang baby. At sa awa ng Diyos okay naman, saglit lang ito sa incubator.

Sa tuwing sinusumpong ang anak sa paninikip ng dibdib ay gusto na niya ring mamatay, dahil sa nakita niyang paghihirap ng anak.
Mabuti nalang at sa tuwing sinusumpong ito ay nandoon siya. Paano kapag wala siya, iyon lang pinapanalangin niya. Pero kahit ganon na may sakit si Myrrh ay napakabibo nito, para bang iisipin mo na kinuntsaba nito ang doktor na sabihing may sakit siya upang makuha ang gusto nito.

Dahil lumalaki itong masigla, at hanggang pumasok na ito ng school ay hindi na ito sinusumpong maliban nalang kapag sobrang pagod ito sa paglalaro.

Hindi kasi pinipigilan ang anak na maglaro, kasi ang sabi ng doktor, kailangan din ma exercise ang puso ng bata na makapag pump ang puso nito pero kailangang i-monitor para kung ano man ay maagapan kaagad.

Noong minsan na nagtanong ito mga 3 years old ito at napakatatas na niyang magsalita ay hinanap ang ama, at halos 'di makahinga si Almira dahil hindi niya napaghandaan ang araw na iyon.

Pero hindi niya pinahalata sa anak nanagulat siya ang sinagot niya

nasa malayo ito nagtatrabaho kaya hindi nila kasama. Magmula noon ay hindi na nagtanong ang anak. Pero ngayon kung kailan nakita niya ang ama nito ay saka naman humiling din na sana makasama na ang ama niya.

"Bakit James? Bakit wala man lang akong nakita na kilala mo ako." ang naiinis na si Almira. Naalala niya ang pagtatagpo ng kanilang mga paningin kanina lang sa EDSA.

Hanggang najatulogan na ng mag ina ang paglalambingan.

"James...?! Ano ka ba? Mula ng dumating tayo dito sa Pilipinas ay hindi ka na mapakali ha? Siguro gusto mo balikan o hanapin ang babae mo no?" ang sigaw ni Jho.

Mula kasi ng iwan nila sa motel si Almira ay hindi na nia nakausap ito at hindi narin nakita kasi hindi na siya nakadalo sa graduation rights nila.

Dahil kailangan niyang lumipad agad papuntang America dahil ang kanyang ina ay ooperahan sa puso at mula noon after 7years ay ngayon lang siya bumalik. Sila pala bumalik.

Gusto niyang makausap si Almira na hintayin siya pero wala siyang numero nito at lahat ng kaibigan ay

hinanap niya sa mga common friends nila. Nakuha niya ang numero ni Jho Espiritu at tinawagan niya at nagkataong nasa America din pero magkaiba sila ng state nagkasundo na magkita sila at excited siyang makausapa ang babae dahil marami siyang gustong itaning tungkol kaya Almira.

Pero nagkamali siya dahil sa mismong araw ng pagkikita nila ay hindi na siya nilubayan ng babae at dahil lalaki lang siya ay nahulog siya sa patibong ng babae at sa tuwing magtatanong tungkol kay Almira ang sinasabi lang niya ay may asawa at anak na ito at pinakita pa sa kanyang ang larawan nito na may kalong na sanggol at may nakaakbay na lalaki. At mula noon at pinilit niyang kinalimutan ang babae.

Pero ng makita niya ito kanina sa EDSA ay hindi niya maintindihan parang gusto niyang bumaba ng kotse, upang puntahan ito. At ano iyong nakita niya sa mata nito galit?

Mabuti nalang at nagbago siya ng expression ng mukha na parang hindi niya kilala ito, lalo pa at kasama niya sa kotse ang kasintahan. Malaking away na naman sana.

Dahil pagod na siyang makikipagtalo sa babae. Sa loob kasi halos ng 6 na taon ng pagsasama nila ay napaka possessive ni Jho, masyadong selosa kahit sa opisina ni James sa America ay lagi siyang nakaabang, may pagkakataon pa nga na sinabunutan nito ang sekritarya niya dahil ang akala'y nilalandi nito ang lalaki.

Hihiwalayan na sana ni James ang babae dahil sakal na sakal na pero natakot naman siya dahil nagbanta itong magpakamatay at nangako na magbabago na.

Noong una ay kakikitaan mo nga ng pagbabago, pero hindi rin nagtagal ay bumalik din sa dating ugali.

Pero wala ng magagawa ang binata dahil kahit papaano ay natutunan na rin niya itong mahalin.

DAHIL SA'YO written by: Sheng (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon