Kabanata 15

10 1 0
                                    

Kabanata 15


TWO days had passed since I accepted him back into my life. Pero ang dalawang araw na iyon ay tila taon na'ng nagdaan para sa akin dahil miss na miss ko talaga siya. 

Dahil sa nangyari sa amin ni Noel, napagtanto ko na kahit anong sakit at paghihirap ang naramdaman mo noon kapag pagmamahal na ang pinag-usapan ay rurupok talaga ang puso mo. It looks like, though you are fond of rain and miss it for not showing for long, you still open your umbrella when it starts pouring.

We argue. We misinterpret things. We split. We talked. We understand each other. We fix. And now we're back together. 

Pero ang cycle na 'yan ay para lang sa mga bagay na tingin mo maaayos pa at hindi ang sarili mo ang masisira pagdating sa huli. 

I was happily cutting out the pictures of the animals that I'd printed for my upcoming demonstration when someone spoke up. 

"Kaya pala ganadong tinapos ang tatlong banghay aralin, kasi may balikang naganap," aniya. Napalingon naman kaming lahat sa kaniya. 

"Balikan? Sino'ng nagbabalikan?" Samboy asked. 

Hindi ako gumawa ni kunting ingay, hinayaan ko lang silang pakinggan ang sasabihin ni Monique. 

"Malamang, sino pa ba ang marupok sa atin dito maliban sa inyong dalawa ni Jeddah?" she murmured, laughing a bit. Pero parang napamali yata ang banat niyang iyon nang siya naman ngayon ang binanatan ni Samboy. 

"Aba, nagsalita ang umiibig na sa pinsan ko," ganti ng binata. 

My eyes grew bigger. "What? Ang bilis naman yata no'n, Monique?"

She swallowed hard, even thinking about how she was supposed to defend herself to me. 

"What the freak—Bakit sa akin nabaling ang tanong, sila ni Farah naman ang nais kong puntuhin dito," tuloy-tuloy niyang paliwanag. But I felt the nervousness she was trying to hide. 

Narinig ko naman ang mahinang halinghing ni Samboy, na tila nagustuhan niya ang plano ng kaniyang nobya. 

"Okay, let's talk about Farah's relation to Noel first, saka tayo dadako sa inyo ni Moses," sambat ni Jeddah na ikinaawang ng bibig ni Monique. 

Napailing naman ako sa bangayan ng dalawa. Ibabalik ko na sana ang aking atensyon sa mga ginupit ko nang magsalita si Samboy na hindi ko inasahan sa lahat. 

"Akala ko ba, ayaw mo na? So, what happened at napa-oo ka ulit? Pinangakuan ka na naman ba ng kasal sa Cebu?" Ramdam ko ang diin sa bawat salitang kaniyang binitawan. Ilang ulit naman akong lumunok gawa ng kaniyang tanong. 

Jeddah and Monique were in shock as well. I know, nakikiramdam lang si Samboy sa lahat ng nangyayari sa buhay naming magbabarkada lalo na sa mga ganito. He always includes himself in a situation like this, kasi ayaw niyang naiipit at masasaktan na naman kami sa huli.

Yes, he's right... Pinangakuan nga ako ni Noel ng kasal noon sa Cebu, sa dream destination ko. Pero ang lahat ng iyon ay nauwi sa matinding bangungot nang maghiwalay kami. At ewan kung ngayong kami na ba ulit ay tutuparin niya pa rin ba ito o masisira rin lalo. 

"I'm sorry for the questions, ayaw ko lang na...makita kang babaliw ulit dahil iiwan ka na naman niya," he added. I bit my lips. 

Kung may mas nasaktan man sa mga kaibigan ko no'ng maghiwalay kami ni Noel ay si Sammuel iyon, sobra. 

"Guilty ka kasi," sambat ni Monique. Napalaki naman ang mata kong tumingin sa kaniya. "Ikaw ang rason kung ba't nila nakilala ang isa't-isa, right? Hanggang sa naging mag-on sila, tapos...hindi ka pa nakontento at inamin mo pa talaga ang tunay na nangyari sa Noel na 'yon," she continued. "Asus, kapag ito umiyak ulit, si Jeddah ang ipanggaganti ko sa'yo." Tinuro niya kami isa-isa ni Jeddah, habang sinasabi niya iyon. 

At Least We've Met (At least Series #1)Where stories live. Discover now