Teasing a Sensetive Man (Dangerous Man series#1)

3 0 0
                                    

"he's straight" napatingin kaming pareho ni Riguel sa nag salitang si Elliesa, nandito kami sa condo ko ngayon habang pinag uusapan ang sikat na sikat na CEO ng isang mataas na kumpanya. hindi ako makapaniwala nuong una na siya lahat nag tayo ng kumpanya ng ama niya, as in pinalago niya iyon ng mag isa

nabaling ang attention nilang dalawa saakin, napayuko ako at umiling. alam ko ang iniisip ng dalawang ito at iyon ang hindi ko gagawin.

mukhang matalino ang lalaking ito, hindi siya basta basta mag papa interview kung kanino kanino lang, mukhang mangkikilatis muna siya ng tao bago niya payagan mag pa interview, or kaya naman m*mamatay muna ako bago ko pa siya ma interview.

"ayoko" ani ko.

nagulat ako sa ginawang pag hampas ni Riguel sa mesa niya "ano ba naman yan Djiem, mag iinterview ka lang naman trabaho natin yon bilang--"

tumayo naman ako kaya natigilan siya sa pag sasalita "e sa ayoko nga, ikaw nalang gumawa n'yan"

alam kong kahibangan ang pag tangi sa trabaho, pero hindi ko naman kayang mag interview ng taong katulad nitong lalaking nasa picture, kung tititigan mo ito parang mawawalan ka kaagad ng hininga e

kung makatayo akala mo s'ya ang pinaka maatas ang antas sa mundo, kung maka titig sayo parang nasusuya. dagdag mo pa sa takot points ko ang black suit na suot n'ya
ang makapal na kilay nitong mag ka salubong, ang kunot noo nitong nakakatakot, ang labing mapupula at asul na mata. ang matipuno nitong pangangatawan. nag ggym kaya ito? oo siguro dahil napaka matipuno ng katawan kahit naka suit.

"anong ayaw? alangan naman ako ang gumawa ng trabaho mo" napailing nalang ako. bakit kase ako pa

rinig ko naman ang buntong hininga niya na sinasabayan ng mabilis na tibok ng puso ko dahil sa takot "Djiem, kapag na interview mo ang lalaking yan" sinundan ng tingin ko ang kamay niyang umangat at bumagsak ito sa lamesa kung nasaan ang picture. tinuro ng hintuturo n'ya ang lalaking nasa picture "pangako ko sayo, ipo-promote kita, hindi na mga tao ang iinterview mo. hahayaan kitang mag sulat ng article na gusto mo, about foods or about life, basta katotohanan"

napangiti ako, ito ang gusto ko. yung ako na mismo ang mag susulat about sa foods, mahilig ako sa sweet's kaya ito lagi ang target ko kapag ma promote ako

"okay" masayang saad ko.

hinawakan naman n'ya ang kamay ko saka nilagay doon ang picture "kilala mo naman siguro s'ya hindi ba?"

napangii ako, "hindi"

"ehh!!!" napatingin naman kaming dalawa ni Riguel sa mga katrabaho naming nakikinig pala saamin. tch chismosa't chismoso

"hindi mo kilala ang hot CEO of the year?"

"how dare you, hindi mo kilala si daddy Lexus?"

"b*tch, sino ka para hindi makilala si daddy Lexus?"

iilan lang yan sa mga narinig ko, ano naman ngayon kung hindi ko kilala ang lalaking iyon e hindi ako interesado sakanya.

"ano ba kayo guys" naramdaman kong inakbayan ako ni Reguel "si Djiem kase hindi siya nag babasa ng article about Business and CEO's life. actually nga article about foods ang binasaba siya" pag tatangol naman sakin ni Reguel

"oh, dapat mga pagkain ang ininterview n'ya" sabat naman ng isang babaeng hindi ko kilala. galing siya sa ibang department nalipat lang saamin.

"ikaw kaya ang ipakausap ko sa mga pagkain" tumayo naman si Elliesa at tinitigan ng masama ang mga taong nakatingin saakin "mag si balikan na kayo sa mga gawain nyo, mga walang magawa chismosa!" sigaw niya

nag sialisan naman ang iba at ang iba naman ang nag sasalita pa ng masama pero hindi na namin iyon pinansin.
kasalanan ba kaseng hindi makilala ang lalaking iyon? at ano namang mapapala ko kung makilala ko s'ya at malalaman ang buhau n'ya?

"wag kang makinig sa kanila, just do it okay, interview him" tumango naman ako

"do your best, Djiem" cheer sakin ni Elliese, tumango lang ako at ginaya ang kamay niyang nag '𝘧𝘪𝘨𝘩𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘨𝘯'

"tumatakbo ang oras, makaka alis kana" nasamid naman ako sa pag inom ng tubig, ngayon na?

"ngayon na talaga?" mapang asar namang tumango si Riguel

"yes, at bibigyan kita ng dalawang linggo para ma interview s'ya, wish you luck" nasapo ko ang noo kong umupo, bakit kailangang ngayon pa? tapos dalawang linggo? ganon katagal
gaano ba ka importante itong taong to para mabigyan ako ng dalawang linggo para mapapayag na ma interview itong lalaking to.

"wish me luck"

Teasing a Sensetive Man (Dangerous Man series#1)Where stories live. Discover now