"Carolina..." I tried to face him while acting like I was totally fine with what he said. 

"Hindi mo naman kailangang magpanggap, Noel. Alam ko naman na hindi mo na talaga ako mahal. Sinasabi mo lang 'to ngayon kasi hindi ako okay, right?" pagpaintindi ko sa kaniya. I saw the guilt on his face. He also tries to cover up what he really feels. 

"I know I've hurt you. Hindi ako naniwala sa ekplinasyon mo, and promise isa iyon sa pinagsisisihan ko. God knows how sorry I am for putting you in a situation that you didn't deserve. For breaking your heart, for breaking my promise, na hindi kita iiwan, at lagi kitang pakikinggan. I'm so sorry, Love," tuloy-tuloy niyang sabi na ikinakirot ng aking puso. 

Nakatingin na rin siya sa akin, imbis na magpatianod sa nakakalunod niyang mga titig ay naggawa kong balingan ang tattoong nasa kaniyang braso. 

"It suits you." I bit my lips. Napatingin naman siya sa aking tinutukoy. 

"Because of your name," he said sweetly, looking back at me. 

I took a deep breath to have the confidence to ask him. "Talaga bang nagsisi ka na minahal mo ako noon kaya pina-tattoo mo pangalan ko r'yan?" Napailing naman siya at ngumiti nang pilit. 

"It's just a lie. Nasabi ko lang 'yon kasi nasa kasagsagan ako ng galit ko at hindi ko pa nalaman mula kay Sammuel ang totoo."

"Kung hindi mo ba nalaman 'yon, galit ka pa rin sa akin?"

"Isa lang ang alam ko, hindi magtatagal ang galit ko sa'yo dahil sa pag-ibig na aking nararamdaman, Carolina."  

"N-noel," iyan lang ang salitang lumabas sa'king bibig. 

I admit that my heart skipped for awhile from what I heard. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magtanong at mabahala. What if...nasabi niya lang it ngayon kasi wala siyang choice? What if...pinapaikot niya lang ako  kasi isa ito sa way ng pag-revenge niya sa akin? Because of what happened to us, I can't help but think of those negative questions. 

"Alam mo ba kung ano ang itinanong ng artist nito nang napagdesisyunan kong magpa-tattoo?" Tanong na nagpabuhay ng aking dugo. Tiningnan ko siya ng diretso para malaman kung ano nga ba ito. He licked his lips first before starting to talk. "Wala akong ideya kung ano ang ipauukit ko rito noon, sad'yang pumunta lang ako sa shop niya without thinking. He said, isipin mo ang bagay na pinakamagandang nangyari sa buhay mo na hindi mo magawang kalimutan," panimula niyang pag-amin. May kung ano naman bagay ang naramdaman ko sa loob ng aking tiyan. Tila ito'y mga paru-paro na masayang nagsiliparan. "Kaya, hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad kong ipinasulat ang pangalan mo rito," dagdag niya pang k'wento habang may malaking ngiting nakaukit sa kaniyang mga labi. 

Napaawang naman ang aking bibig sa aking mga nalaman. "W-why? I t-thought you hate m-me?" 

"Yeah, I hate you..." pag-amin niya. Hindi ko naman kayang awatin ang mga mata kong sulyapan ang kulay gray niyang mata na para bang ako'y kinakausap. "I hate you, kasi sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot mo sa akin, mahal na mahal pa rin kita. I was drowned by your love, Carolina, and I don't know how to overcome it anymore."

"Noel," I murmured. Like how my ice cream melts, my heart does too. Hanggang ngayon, alam na alam niya pa rin kung paano tunawin ang puso ko. 

I forcefully closed my eyes when he intertwined his hands in mine. Since we broke up, ngayon niya lang ulit nahawakan ang kamay ko nang ganito. The volition that I felt before isn't the same anymore. Kasi ngayon mas naging matindi dahil sa sobrang pangugulila. 

"Alam kong nasaktan kita nang husto at hindi ito iyong tamang oras na itanong ko ito sa'yo, but I want to try my luck," he said while looking into my eyes. Pakiramdam ko naman ay namumula na ako dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. I also felt that my hands were shaking. I was about to stop him when he talked again, and that took my breath away. "Can we go back to what we started again?"

It took me a minute to respond to his question. "I d-don't know. Hindi ko pa alam," wala sa sarili kong sagot. 

"Just say it, Carolina," pagpupumilit niya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ang kamay ko ang nanginginig kundi ang kaniya. He's afraid that I may reject him like he rejected me way back then. 

I get a chance to let go of his hands. Mabilis na rin ang aking paghinga, parang hindi ko alam kung papaano ko ipapaintindi sa kaniya ang tunay na nilalaman ng aking puso. 

"Takot na ako, Noel, baka kasi masaksaktan mo na naman ulit ako. Masasaktan na naman ulit natin ang isa't isa." Hindi ko lubos akalain na masabi ko iyon ng diretso at walang pagkautal. Napayuko naman siya saglit sa sinabi ko. 

"Normal lang naman sa relasyon 'yan, Love," kaswal niyang sabi saka ako tiningnang muli. 

"Please, stop calling me that one," awat ko rito. Nagkunot siya ng noo sa aking komento. 

"Why? You really hate me that much, kaya ayaw mo nang tinatawag kitang mahal?" he asked. Pansin ko naman ang pag-iba sa tono ng kaniyang boses. Tila ba may bahid ito ng sakit at konsensya. Subalit nagwala ako agad nang marinig ko ulit ang nakasanayan niyang itawag sa akin. "Mm, Love?"

"Kasi mahal pa rin kita!" I exclaimed. Nagulat naman ako dahil sa nagawa kong tumayo mula sa aking pagkaupo. Mabuti na lang at kami na lang ang naririto ngayon. Naging seryoso naman ang pagtingin niya sa akin habang nakatingala. "And every time you call me that one, mas lalo akong nalulunod sa'yo. Nagiging tanga at marupok na ako masyado pagdating sa'yo, Noel!" sabi ko pa na ikinatawa niya. 

"W-wait—what?" gulat na gulat niyang ani. 

Kinagat-kagat ko ang aking labi dahil sa kaniyang reaksyon. Feeling ko naman ay dudugo na ito. I can even taste my blood on it. "Ba't ka tumatawa?"

"Mahal mo ako? Tama ba ang narinig ko, mahal mo pa rin ako?" sunod-sunod niyang tanong at tumayo na rin ito para mapantayan ako. 

"Vergara, naman, eh," naiinis kong wika. He starts walking in my direction. Napaigtad naman ako nang bigla niyang hagitin ako ng marahan papunta sa kaniya. Naramdaman ko naman ang kakaibang boltaheng nanalaytay mula sa aking beywang gawa sa paghagit niyang iyon. 

"You still love me, ha," he teased when I locked up in his arms. Napalunok naman ako nang ilang ulit dahil sa aming posisyon. I can even feel his breath on my face, which gives me a different kind of sensation. 

"Oo n-na, m-mahal p-pa rin kita." Para akong suspek na sumuko dahil ako'y tuluyan nang nahuli. Ngumiti naman siya na parang nakakaloka dahil sa narinig niya mula sa akin. Para bang nanalo siya ng lotto sa inamin ko. 

He slowly slid his hand behind my back, playfully. Ibang kiliti naman ang naramdaman ko sa kaniyang ginagawa. Mayamaya pa ay bigla niyang inilapit ang mukha niya sa aking tainga na mas lalong nagpatindig ng aking mga balahibo. Napapikit naman ako sa sensasyon hatid ng hininga niya na tumatama ngayon sa aking leeg. 

"So...it means?" He slowly whispered in my ear. I sighed and started breathing heavily. 

"Yes, l-let's try a-again," nababaliw kong tugon dahil sa kakaibang dulot sa akin ng bulong niyang iyon. Pero agad naman iyong napalitan ng kakaibang kaba sa dibdib ko nang walang pasabi siyang sumigaw. 

"Woah! Thanks, God!" he exclaimed with happiness in his voice. Mas lalo naman akong nagulat nang bigla niya akong buhatin at isinayaw-sayaw. "I love you, baby," masaya niyang pag-amin sa akin na tuluyang ikinatuwa ng aking puso. 

This night brings me so much joy, and I hope it will not turn blue. Lord, please be with us and guide us. 

Mahal na mahal pa rin kita, Noel Brynan L.  Vergara. From yesterday, today, I will always be...in love with you.

At Least We've Met (At least Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon