"Don't you touch it." Ramdam niya ang familiar na boses. Agad na nag angat siya ng tingin ng bigla itong dumistansya sa kanya. "Let's go, I'll take you home sa condo mo." Mag poprostista pa sana siya ng maramdamn niyang akay-akay na siya nito sa mga bisig nito. 

Napakagat na siya ng tuluyan sa ibabang labu. Bakit mas lalong pumupugi si Sam sa paningin niya? At bakit parang ang galing nitong mag Ingles nabingi lang ba siya?



Para kay Sam hindi ganon kadali ang buhay suntok sa buwan ikanga. Kaya lahat nang pagkakataon para kumita ng pera ay pinapatos niya para lang masuportahan ang sarili. Dahil alam niyang mahirap ang umasa lang sa mga magulang hanggang sa makilala niya si Chairman Rafael.

Isa pa naisipan niyang dalhin si Olivia sa isa mga kadakilaang nagawa ng Daddy nito noong nabubuhay pa sa giya narin ni Keith Revera. 

Isa pa kailangan niyang ituloy ang plano. Ayaw niyang mahuli ang lahat. Sa nakikita niyang reaksyon mula kay Olivia positibo siya , alam niyang kayang-kaya niya itong paamuhin. Hindi naman kaila sa kanya kung paano siya nito sitahin kung mensan. Alam niya sa sariling magagawa niya ng maayos at hindi na siya dapat mag aksaya ng panahon. 

Habang nagmamaneho nga ay nakahawak parin siya sa kaliwang kamay nito. Gusto niya tong patahanin sa pag iyak, kaso nasa daan naman ang mga mata niya. Kitang-kita niya ang reaksyon nito sa mula sa pagtangkang pagsaboy ng asido ng kung sino man rito. 

Ilang minuto ay narating din nila ang condo nito. Nang makapasok sa pamamahay nito saka lang niya ito binitiwan. Hinayaan niyang i-console nito ang sarili. 

"Hindi mo na kasi dapat pinilit na pumasok ngayong araw.'

"Ayaw ko ng tambak na trabaho. Isa pa gusto kong makumperma kay at manggaling mismo kay mommy ang mga kasinungalingan ni Sofie. "

Napatiim si Sam. Bago huminga ng malalim. Dahan-dahan niyang inalis ang leather jacket niyang pang raket. Ngayon ay nagka butas butas na gawa ng asidong pumunit doon. Nakaramdam siya ng kaunting kirot. "Ouch." 

Napailing si Sam mukhang inabutan ang likuran niya. 

Aalis na sana siya ng mahawakan siya ni Olivia. 

"Samonte, sandali." 

Lumapit si Olivia sa kanya. Ngayon nga ay nasa iisang sofa na lang sila. "Patingin ako , may sugat ka ba?" 

Umiling si Sam.. Pero hindi non kayang kumbinsihin ang Olivia Ramirez. Humarap ka dun ani ni Olivia at ginawa naman ni Sam. Lumantad sa harapan ni Olivia ang pagkakapunit ng damit ni Sam sa Likod. Hindi nga siya nagkamali may maliit na sugat nga doon hindi naman iyon malalim. Pero kung iisipin sa pangalawang pagkakataon ay iniligtas na naman nito ang buhay niya. Ganun nalang ang takot niya kanina ng buhusan siya ng asido. 

Wala sa loob na hinalikan niya ang natamong sugat ni Sam. Ewan ba niya pero yun ang gusto niyang gawin sa maliit na sugat na yon. Gusto niyang alisin ang hapdi nun sa ganuong paraan. Hanggang sa wala sa sariling yakapin niya mismo ang magarbong likod ni Sam. He has broad and bulk shoulders sa totoo lang.  Kaya naman kayang-kaya siyang ikulong gamit ang mga braso nito ng ganun-ganun lang. At ang seksi lang nitong tignan gawa ng V-line shape ng likuran nito. Likurang bahagi palang yan paano pa kaya ang pang harap nito? Napapailing-iling si Olivia. Bago dahan-dahang umalis sa pagkakayakap kay Sam. 

Ilang sandali ay humarap si Sam sa kanya. Kaagad nitong sinalubong ang mga mata niya. Ayaw niyang mamula sa harapan nito pero hindi niya rin kayang pigilan ang sariling salubingin ang titig nito. 

Tila napapasong nakurap si Olivia ng hawakan nito bigla ang mga kamay niya. She stayed. Hinayaan niya itong hawakan ang mga kamay niya. 

"Maam Olivia hindi ka na ata safe sa lugar na ito. Mas makabubuting sa mansyon kana lang muna mamalagi. Doon may mga security guards twenty four hours kaya hindi mamimiligroang buhay nyo. 

"Huh, bakit naman mamimiligro ang buhay ko andyan ka naman sa tabi ko?" Walang prenong sabi niya na ngayon ay nagpa tiim ng mga bagang ni Samonte. 

Napalunok si Sam. Hindi niya alam kong paano tatanggapin ang sinabi ni OLivia. 

"Tama hihingin ko ang pahintulot ni Mommy. I want you here Sam." 

Kunot ang noong lumipad ang tingin niya kay Olivia that is now beaming with a wild smile on her face. First time niya atang makita ang ganung klaseng pagmumkha na tila larawan ng isang maamong tupa. 

Napapailing si Sam. Hindi siya pabor sa plano ni Olivia. Tumikhim muna siya , magsasalita na sana siya ng biglang hawakan siya ni Olivia sa braso. 

"Halika ihahatid na kita sa magiging silid mo simula sa araw na'to." 

Hindi makapaniwalang nahila na siya na pala siya ng tuluyan ni Olivia at iginiya sa magiging silid niya. 















Itutuloy....................... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oh My PRIEST!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon