Huminga siya ng malalim. Bago humarap kay Samonte napraning siya sandali ng maramdamn ang mahinang pagpisil nito sa mga kamay niya. Aagawin sana niya ang mga kamay kaso ayaw nitong bitawan iyon. Wala siyang nagawa kundi ang samaan ito ng tingin. Nauna ng naglakad si Samonte papasok sa loob ng park.

Nagdadalawang isip si Olivia sa paghakbang gawa ng masyadong foggy ngayon. Saka baka ma slide lang siya.

Naging makabuluhan naman ang pamamasyal nila sa mga pasyalan. Naalala niya tuloy yung panahong pinamamasyal siya ng dad niya sa buong Baguio.

Tahimik na tinatahak nilang ang isang maliit na pasilyo. Marahil ay isa ito sa mga kilalang shortcut. May pupuntahan pa ata silang lugar na gustong puntahan ni Sam. Napapikit siya ng maramdaman ang magaang palad nito sa kamay niya. She can feel his warmth. Aminin man niya o hindi its feels so safe and secured. Parang walang kasamaang mangyayari sa kanya kapag kasama ito. 

Ilang saglit rin at narating nila ang isang Village. Napatingin siya buong palibot ng lugar. May mga old kubo house ang naroon. Isa pala itong tribu na hindi niya inaasahang kilang-kilala pala si Doctor Keith. Ang sabi ito daw ang nagbigay ng malawak na lupain na siyang tinutuluyan ng tribu na ito dito.

Ewan ba niya pero napapangiti siya sa nalaman knowing na malaki ang ambag nito kagaya niya sa lipunan.

Naitikom niya ang bibig ng mapansing kanina pa pala siya pinapanood ni Sam.

Tumikhim siya. "Ah naku maraming salamat sa warm welcome. "aniya sa leader ng tribu Mawe.

" Wala po yun Ms Olivia kami ho ang dapat magpasalamat dahil narito kayo kasama ang ginoong ito. " Pointing Sam

"Ah oo nga po, driver ko po siya at mabuting kaibigan narin ni Doc Revera. " Lumunok siya bago sinalubong ng tingin ang mga titig ni Samonte.

Kapansin-pansin ang malawak na ngiti sa labi ni Samonte ng lapitan ang mga nakababatang tribu Mawe na ngayon ay nagkukumpulan sa gilid.

"Kamusta na kayo? " at isa-isang kinamayan ang bawat isa. Napapailing si Olivia lupit talaga nitong driver niya talo ang pulitikong na kumandito sa ngiti at paraan nito ng pakikiusap sa mga tribu. Tila ba ay personal nga niyang kilala ang bawat isa sa mga tribu. 

"Sir ikaw pala yan, salamat sa inyong pagbisita. Matagal tagal na rin ang huli. "

Tumango-tango si Samonte kay Ka Peter na siyang tumatayong tagapangalaga ng tribu. "Oo nga naging busy lang sa buhay. " Ani nito bago kumamot sa ulo.

'Tse, nahiya pa kamu siya, ' ani ni Olivia sa isip,habang inismiran si Sam na pakamot-kamot sa may batok.

"Ah , kayo lang pala mag-isa nasan ang assistant-"

"Oo ako lang muna mag isa Ka Peter alam mo na , busy yung doktor na yun." Sansala ni Sam sa iba pang sasabihin ni ka Peter.

Naging mabilis lang din ang oras at nakabalik na sila sa kaMaynilaan. Iikot sana papuntang entrada ng Ramirez Building ng biglaang makaramdam si Olivia ng panlalamig. Nagulantang siya ng biglang umikot sa harap niya ang isang motor naka helmet ng black ang rider at walang pasabing sabuyan siya ng tubig na ikinalaki ng mata niya. 

Tulala si Olivia ng maramdaman niya ang mainit na yakap nagmumula sa lalaking ngayon ay yakap-yakap siya. Nakaakap ito sa kanya ng mahigpit. Saka lang niya naramdaman ang pagsirit ng paalis na motor. 

Napakurap-kurap si Olivia sa bilis ng pangyayari. Napatigil siya ng makita ang likurang parte ng lalaking nagligtas sa kanya punit-punit iyon. Parang nawalan siya ng lakas sa mga tuhod niya. Asido ba yon ang dapat sana ay sa kanya papunta? Hahawakan niya sana ang jacket ng Ginoong tumulong sa kanya. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My PRIEST!Where stories live. Discover now