"Yes po ma'am?"

Tipid na ngumiti sakin si ma'am bago nag sign na lumapit ako sa kanya. "halika iha, may sasabihin ako sayo" Utos nya sakin kaya mabilis na tumayo ako, dahilan para tumahimik ang mga kasama ko sa loob at tumingin sa amin.

Pagkalapit ko ay lumapit pa sya sakin bago Ngumiti, Ngumiti din naman ako bago bumaba nang konti para mag pantay kami, maliit kasi si ma'am, Matanda na kasi. "Gusto sana kitang iimbita sa isang Club iha, Sa buong Section na Tinuturuang ko, Ikaw ang pinaka mataas ang grado, at magaling sa Subject ko" panimula nya bago humawak sa braso ko. "TLE club iyun iha, kung saan mag luluto ka, Pero walang nasali dahil hindi sila interesado sa asignatura ko, inaasahan kong makasama ka doon iha, kahit tayong dalawa lamang, Napaka galing mo kasi"


Na touch naman ako sa sinabi ni ma'am kaya napahawak ako sa dibdib ko, Hindi ko akalain na may mag yaya sakin, Pero Naawa din ako dahil parang hopeful talaga si ma'am, siguro ay hindi lang section ko ang Ganun ang trato sa kanya pero tuloy tuloy pa din sya, Nakikinig ako sa lesson pero hindi naman talaga ako magaling mag luto, Pero parang may gusto ang puso kong samahan si ma'am.


"Sige po ma'am" walang alinlangang sagot ko agad. "Makakaasa po kayo ma'am sakin, magaling akong mag luto! Matutulungan ko po kayo" dagdag kopa bago malaking ngumiti sa kanya.

Bahagyang nagulat si ma'am bago ngumiti ulit sakin. "Maraming salamat iha, Dadalhin ko nalang sa next meeting natin ang papel para sa club at nakapag simula na tayo, Sana ay may makasama pa tayo para madagdagan"

Yun ang huling sinabi ni ma'am bago umalis sa section namin, kumaway pa ako bago bumalik sa pwesto namin ni Klayklay, Napatingin tuloy sila sakin lalo na si klayklay at Travis na nasa tabi ko lamang. Ako lang to! Matututo din akong magluto para maisampal sa inyo marunong ako mag luto nang itlog!.

"Anong meron south?Anong sinabi sayo ni tanda?" Curious na tanong sakin ni klayklay.

Masama ko naman syang tiningnan. "Tanda? ,Ayusin mo nga yang pananalita mo Klayklay, Hindi nakakatuwa" pag babanta ko sa kanya. Ngumuso naman sya kaya Napabuntong hininga ako. "Sumali ako sa TLE club, Inimbita ako ni ma'am, .....Gusto mo sumama?" Paliwanag ko sabay tanong kay klayklay, alam kong malakas to kumain eh, Kaya sasama to!.

"Talaga south? Pwede ako sumali?" Gulat na gulat na tanong nya kaya tumango ako. "Ay bet ko yan! Sige South sama ako!Kung nasaan ka doon din ako!Hehe!" Malakas na sabi nya sakin kaya napatingin pa samin ang iba. "masarap pa naman kumain, lalo na at kapag libre!Haha!" (^o^)

(-_-). Hay nako. Sabi kona eh.

"Can I join too?" Napatingin naman ako kay Travis nang mag taas sya nang kamay at tanungin yun. "I also want to learn to cook, Can i?".

Gusto kong magulat dahil ang dali nilang pakisamahan. Ngumiti naman ako bago inakbayan silang dalawa, nasa gitna kasi ako. "Sige sige!Sama kayong dalawa ha!Walang bawian yan Ha!Sasapakin ko kayo kapag umatras kayo!" Siningkitan ko silang dalawa nang mata kaya natawa silang dalawa sakin.

Humiwalay na akong dalawa sa kanila, pero napahinto ako nang pisilin ni travis ang pisngi ko bago ginulo ang buhok ko. "You look so cute south" mahinang natatawa pa sya sa sinabi nya bago bumalik sa pag ayos nang upo.

The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now