Fly away

564 14 7
                                    

Vhong's POV

Pag uwi ko sa bahay bigla namang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko si Tans pala.

"Hello mahal?"

"O mahal, ba't napatawag ka?" Tanong ko naman sa kanya.

"Punta ka naman dito sa bahay mamaya o, tulungan mo ko magligpit ng mga gamit ko" Tanya.

"Ba't ka magliligpit may pupuntahan ka ba?" Wala naman kasi siyang nababanggit sakin eh.

"Ah eh di ko pa pala nababanggit sa'yo no? Pinadala kasi ako ni Boss sa Amerika, kasi kailangan daw ng representative para sa Editor's Guild ng United Nations, ako yung napili kaya ayun. Di ko naman pwedeng tanggihan mahal. Papayagan mo ba'ko?"

Pag eexplain niya sakin. Paalis na pala siya? Tapos ngayon ko lang nalaman? Anong klaseng boyfriend bako? Ni hindi ko na alam kung anong ginagawa ng girlfriend ko.

Masyado kasi akong naka focus kay Anne eh. Masyado ko kasi siyang mahal. Kaya may nakalimutan ako, si Tanya. Nakalimutan ko yung mga obligasyon ko sakanya.

"Syempre naman mahal. Para sa ikabubuti mo yan. Proud na proud nga ako sa'yo eh ang galing galing mo talaga!"

"Thank you mahal!!!"

"Pupunta ako diyan mamayang gabi at icecelebrate natin ang achievement mo ha. Kailan pala ang flight mo at gaano ka katagal mag s-stay dun?"

"Ah, bukas na mahal, 2 months ako doon eh kasi magkatapos nung gathering may seminar naman akong gagawin dito din kaya matatagalan" sagot niya naman sakin. Buti na yun pupunta ako sa kanila mamaya para naman maka bawi ako sa kanya.

"Ah, ang tagal pala. Hintayin mo nalang ako diyan mamaya tutulungan kitang magligpit"

"Sige sige!! I love you Mahal"

Natahimik ako dun. *i love you mahal* ang mga katagang yan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, ang hirap magsinungaling sa taong tapat sa'yo, dahil alam ko sa sarili ko na ang mga katagang yan ay sa iisang tao ko lang iaalay ng buong-buo at para kay Anne lang yun, wala nang iba.

"Ah s-sige. Mag iingat ka:)" sagot ko kay Tanya.

At inend call ko na.

Sorry Tanya. Ikaw yung taong nagbigay sakin ng pangalawang pagkakataon nung nagkamali ako. Ikaw yung nagpatibay ng loob ko sa t'wing nasasaktan ako. Ikaw yung walang sawang nag-aalaga sakin kapag nagkakasakit ako. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko matutunang mahalin ka ng totoo tulad ng pagmamahal ko kay Anne. Pasensya na, sorry pero hindi ko kayang turuan ang puso ko.

Umakyat naman ako sa kwarto ko at nagpahinga muna. Nang biglang tumunog nanaman ulit yung phone ko. Pagtingin ko si Anne pala ang tumatawag.

Agad-agad naman akong napaupo mula sa pagkakahiga ko at dali dali kong pinindot yung 'accept' sa phone ko.

"Hello Anne?! Ba't napatawag ka? May problema ba? Anong ngayari sa'yo? Sinaktan ka ba ni Erwan? Nasan ka ngayon, pupuntahan kita. Anne? Ano?!" Alalang-alala kong tanong sa kanya, kasi naman eh kinakabahan ako baka kung ano nang nangyari sa kanya o kung kailangan niya ba yung tulong ko o kung ano man.

Narinig ko namang napatawa siya mula sa kabilang linya. Bakit ba? Eh sa concerned lang ako sakanya eh.

"O bakit ka tumatawa diyan? *chuckles*" tanong ko sakanya sabay napangiti ako. Kasi naman eh, ang cute cute niyang tumawa parang bata.

"Eh kasi ikaw naman Vhongskie ang dami mong tinatanong daig mo pa'ng NBI eh hahaha." Sagot niya naman sakin

"Concerned lang naman ako sa'yo eh. Baka napano ka na hindi kita nababantayan diyan." Pangatwiran ko naman sa kanya.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 14, 2015 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Concealed Love Affair (VhongAnne)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt