Present ako, absent siya

458 4 0
                                    

Vhong's POV

Katatapos lang ng Showtime. Grabe kotang-kota ang mga VhongAnne's today ah! Magkakagulo nanaman ang notifs ko mamaya sa twitter world sa kakatag ng mga babies namin ni Anne hahaha yieee VhongAnne babies!!!

Nandito kami ngayon sa backstage nagpapahinga muna bago umuwi. Konti nalang kaming naiwan dito, Ako, si Vice, Ryan, at Anne.

Tahimik kami nang biglang nagsalita si Vice.

" Uy uy uy, kayong dalawa ah, Anne at Vhong ano yung Babe Babe niyo kanina? Meron ba 'kong dapat melemen tungkol dun? Ha? "

Tanong naman ni Vice samin, umiling iling nalang ako sakanya

"Wala noh. Ano kaba may girlfriend na yang si Vhong may Erwan na 'ko"

"Oo nga, ito talaga si Vice oh! Syempre ginagawa namin yun para sa mga fans"

"Eh para sa mga fans lang ba talaga kuya Vhong? " si Ryan

"Syempre naman noh! Ano ba kayo?! Hahaha kung ano anong iniisip niyo jan"

" Oo nga! Si Vhong, boyfriend ko dito sa Showtime, pero hindi in real life"

Ouch! Sakit nun ah! Hindi pa pwedeng totohanin nalang natin Anne?

"Okay sabi niyo eh, basta ikaw ngangabu wag kang iiyak sakin pagnahulog ka na talaga diyan kay Vhong ah" biro naman ni Vice.

"Wag kang mag-alala Anne, pag nahulog ka, sasaluin kita"

"Hahahahaha eh kuya Vhong parang totoo na yan ah" sabi naman ni Ryan sabay tawa niya

" Eh ako Vhong? Sasaluin mo den beke peg neheleg ake? "

" Gg ka Vice! Syempre hindi! Ang bigat mo kaya, tsaka ang hirap saluin ng kabayo naninipa eh hahaha"

"Ganyan kayo eh noh? Pag si Anne isasalo mo, pag ako hayaan nalang? Ano klaseng mga kaibigan to?! Hahaha"

"Ah guys, alis na'ko" si Anne sabay tayo niya

"Ah, teka Anne, hatid na kita" tumayo na rin ako at inalalayan siya palabas

"Susunduin kasi ako ni Erwan Vhong eh, mag d-dinner pa kami mamaya;(:) next time nalang? Bye guys "

At lumabas na si Anne ako naman napayuko nalang.

" Eh na-HOPIA ka naman Vhong hahaha!!! Sabi sa'yo eh, taken na yan!"

"Eh nanjan kasi yung asungot eh"

"Ano kamo Vhong?"

"Wala wala, sige alis na'ko"

" Umalis lang si Anne aalis din siya? Edi Wow"

Dinig ko naman sabi ni Vice hindi ko na siya nasagot at lumabas nalang ako agad.

Habang naglalakad ako sa hallway ng ABS nakita kong nakabukas pa yung pinto ng DR ni Anne pumasok ako para tingnan kung may tao pa ba sa loob, nang papalapit na'ko narinig ko naman na parang may uniiyak. Pagpasok ko nakita ko si Anne na umiiyak, bat naman kaya?

Hindi na'ko nagpa tumpik tumpik pa at nilapitan ko na siya agad.

"Anne? Oh, ba't ka umiiyak diyan? Akala ko ba umuwi kana? Diba susunduin ka ni Erwan?"

Tumango naman siya at sinabing

"Yun nga eh, *sniff sniff* sabi niya susunduin niya 'ko tapos hindi naman pala, eh pano kasi may inaasikaso pa raw siya, mas importante kaysa sa araw na to!"

Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Naku pano ba to? Hindi ko alam ang gagawin ko pag umiiyak ang mga babae!! Ano ba gagawin ko?

"Ah Anne, tahan na. Ok lang yan" pano ba to???

" Hindi ok Vhong eh! Anniversary namin ngayon at mag d-dinner sana kami, kaso hindi raw siya matutuloy kasi may taping siya for The fat kid inside huhuhu"

Ano? Anniversary nila? Tapos hindi siya makakapunta? Ano ba namang klaseng boyfriend yan? Kung sinagot mo lang sana ako noon Anne, hinding hindi ka iiyak ng ganito.

"Eh walang kwentang boyfriend naman pala yan eh! Mas inuuna panyung sarili kaysa sa girlfriend niya? "

Patuloy parin sa pag iyak si Anne.

"Hayaan mo Anne, mag d-date nalang tayo ngayon" proud na proud ko namang pagkasabi kay Anne

"D...date? Tayo? "

Nagtatakang tanong niya naman sakin.

"Ah eh, date. Oo. Date ng.....magkaibigan para naman mabawasan yang lungkot mo:)"

Nagsmile naman siya sakin, kumuha naman ako ng panyo para punasan yung mga luha niya.

"O ayan! Nag smile kana. Wag kana umiyak Babe, nandito naman ako eh"

Kung maka-asta parang ako yung boyfriend eh noh? Ok lang yan, lubus-lubusin na ang pagkakataon, sabi nga nila, basta nandito sa showtime, boyfriend niya 'ko at girlfriend ko siya. Hahaha

"Thank you Vhongskie ah. Nandito ka lagi para sakin"

"Hindi magbabago yun Anne. Halika ka na"

At nag holding hands naman kami palabas ng ABS building.

"San mo pala gustong kumain Anne?"

"Ikaw na bahala Babe hahaha"

Tama ba yung narinig ko? Babe raw? Yieeeh!

"Ok Babe" hahaha at napa smile nalang ako habang nagmamaneho

*drive * drive *drive

"Nandito na tayo! :)"

Dinala ko naman siya sa isang private restaurant sa Taguig. Favorite kasi niya dito, lalo na yung seafoods. Hahaha oh! Alam ko noh? Stalker yata ako ni Anne Curtis hahaha jk!

"Uy! Dito talaga? Ang mahal dito Vhong ah"

"Mas mahal naman kita "

"Ano yun Vhong may sinasabi ka?"

"Wala noh, ano kaba? Hahaha lika na pasok na tayo"

Pagkatapos kumain...

"Vhong, thank you talaga ah. Kasi kahit anniversary namin ngayon ni Erwan ikaw yung nandito para punan yung absence niya"

Basta't para sa'yo kahit ano gagawin ko, mapasaya lang kita.

At bigla namang nag flashback sakin yung pangyayari sa showtime noon.

* flashback *

"Alam mo Vhong ikaw talaga, you're so funny"

Sabi sakin ni anne habang tumatawa, sabay hampas niya nang slight lang sa balikat ko. Kinilig naman ako agad dun hahaha

Tinitigan ko nalang siya ng nakakakilig at sinabi kong...

"Yun naman ang gusto ko Anne eh, ang MAPASAYA ka" sincere kong pagkasabi sa kanya

Nag smile lang siya sakin habang todo naman ang hiyawan ng Madlang people.

"Ah, sige na Babe ikaw na mag intro" yun yung una kong pagkakataon na tawaging 'Babe' si Anne nakakailang pa nga noon eh.

Nang bigla namang nakisingit si Vice

"Ano yung sinabi mo Vhong? "

"Ha ano? Yung babe? *laughs*"

"Hindi, yung una mong sinabi, anong gusto mong gawin kay Anne?"

"Ang mapasaya siya" sagot ko naman kay Vice. Kahit anong pagdaanan ko, whatever it takes just to make you smile. :)

"Yun din naman ang gusto niyang gawin sa'yo eh, and MAPA-ASA ka"

Aasa nalang ba'ko lagi Anne?

Sana lang umaasa ako, dahil alam kong may pag-asa talaga. Pero ang masakit, yung umaasa ako sa wala.

********************************************

Hi guys! Please vote and support po!!! 😀😀

>>>Present ako, absent siya,2015<<<

Concealed Love Affair (VhongAnne)Where stories live. Discover now