Chapter 02

35 5 2
                                    

Note: Pumili po ako ng mga usernames sa mga readers ko noon para ilagay sa chapter na ito. If mayroon po kayong concern regarding sa mga random mentions, please drop it in the comment section or message me privately. Thank you. *⁠\⁠ 0⁠ /⁠*


* * *


NILINGON kami ni Farrah pagkarating namin sa tapat ng supermarket. Nakangiti na siya ngayon nang matamis ngunit hindi ko na siya muling matignan pa bilang Friendly Farrah. Nang dahil sa nakita kong ngiti niya noong tinanong siya ni Stephanie sa sasakyan, feeling ko pinaplastik niya lang 'yong mga ngiti na ipinapakita niya sa amin.


"Magla-live tayo ngayon sa Facebook Group ng Eastwood High," nakangiting pahayag niya kaya nagkatinginan ang lahat. "Introduction lang naman 'yong gagawin natin. We will tell our schoolmates na matutuloy ang pagpunta natin sa Rock Hill. For thrill, gano'n."


Tumango naman kami bilang sagot. Nagpasama siya kay Cyril na humingi ng permission sa guard na nagbabantay sa supermarket kaya naiwan kaming apat na nakatayo lang at hindi gumagalaw. Napalunok naman ako bago ako huminga nang malalim upang bumuwelo sa pagsimula ng conversation.


"U-Uh.."


Naiilang na tumawa si Troy—na parang napagtanto niya ang pinaplano kong gawin. "Excited na rin ba kayo? Ha-Hahaha!"


Tumango-tango ako. "O-Oo!"


Napalunok ako nang makita na nakatingin sina Blue at Paige sa amin, na parang gusto nila kaming tumahimik o lumayas na lang sa harapan nila kung mag-iingay pa kami o mag-i-initiate ulit sa pagsimula ng conversation. Palihim ko na lang na siniko si Troy bago ko siya inilingan. Tinanguan niya lang din ako bago niya itinaas at ipinakita sa akin ang dala niyang bag.


"Gusto mo ba akong tulungan sa pag-set up ng camera, Cel?" tanong niya sa akin at hindi na lang pinansin ang dalawang kasama namin. "Mukhang pumayag din kasi 'yong guard na mag-film tayo rito. Nakita ko siyang tinanguan 'yong dalawa."


"Sige, sige."


Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na sina Farrah at Cyril sa pwesto namin. May matamis na ngiti sa mga labi ni Farrah at patalon-talon naman na naglalakad si Cyril na parang isang bata na pinayagan sa kagustuhan niya. Pumayag nga 'yong guard na mag-film kami sa labas ng supermarket, dahil wala rin naman daw masyadong tao.


"Ready na?" tanong ni Farrah sa amin ni Troy. "Dalhin mo 'yong name ng supermarket, Troy, para malaman nila kung nasa'n tayo. Cel, mag-ready ka rin diyan kasi ipakikilala kita."


Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. "Pero—"

Rock Hill (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon