Chapter 47: The Longest Word in the World

Magsimula sa umpisa
                                    

"Excuse me," sabi ko sa kanya.

"N-notebook mo,"  sabay abot niya sa akin.

Hawak ko ang siomai ko sa kanan, sa kaliwa naman ang juice, kaya nahirapan akong abutin ang notebook ko.

"Sige, ako na lang ang magdadala. Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

"Sa lamay mo. Gusto kong pumunta sa lamay mo. Doon ko kakainin 'tong siomai ko, tapos makiki-tong-its na rin ako--baka sakaling palarin ako. At least, hindi man ako pinalad sa'yo, kahit man lang sana sa sugal sa burol mo, palarin ako," sigaw ng utak ko, pero hindi nabigkas ng bibig ko.

"Maggie, saan? Saan ka ba pupunta?" Inulit niya pa, pero hindi ko pa rin siya sinagot o kahit tignan man lang. Inipit ko sa kili-kili ko ang bottled-juice drink ko, saka ko hinablot sa kanya ang notebook ko, pagkatapos ay umalis na ako. Mabuti naman at hindi niya ako sinundan.

Dave

Epic fail! Shit! Wala! Eto na, oh! Chance na sana. Pero ano? Nga-nga! Nautal-utal ako. Nangatog ang tuhod. Walang naisip. Tanga. Nakakainis. Ugh! Ba't ganun? Ang tindi niya. Ang tindi ng effect niya sa'kin.

Pero teka, tama ba 'yung narinig ko? Sumagot siya. Sabi niya excuse daw. Okay na ba 'yun? Sa ngayon, sige na nga lang, okay na muna 'yun.

Maggie

Dali-dali kong binasa sa kwarto ko ang letter ni Dave pagkauwi ko sa bahay.

 

Dear Physics,

 

Hi! I have something to tell you. First, sorry. Sorry for holding you captive for a long time. Sorry for the nonconsensual reading of Ms. Physic's letter to you about Mr. Physics. And sorry for having this unusual feeling of 'kilig' when I read it--sorry but I like it.

 

At talagang in english ang letter niya? Puro sorry pa! Diyan siya magaling--sa kaka-sorry!

At... Ano?! WHAT? Binasa niya 'yung 'Dear Physics' ko? Huhluh! Eh, punong-puno 'yun ng kaartehan. Shit! Pero teka, kinilig siya dahil dun? Ah, eh...

 

You know what, Physics? I like to confide in you my worries. Can you help me? I wish.

 

Physics, Ms. Physics and I are not in speaking terms, so it makes my daily living so heavy. I don't know what happened. It's just one day, I woke up, then found out we're not talking to each other anymore. Hence, I miss her.

 

I don't know what happened??? Bakit, kasi masyadong madami kaya hindi niya alam kung alin dun? Neck-neck niya! May I-miss-her-I-miss-her pang nalalaman.

 

I miss her voice. The way it sings put my world into a halt. The way it laughs put my worries into oblivion. And the way it speaks put myself into her world.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon