Chapter 47: The Longest Word in the World

Start from the beginning
                                    

Napakaingay ng buong canteen. Siguro simula nang matutong makarinig ang tenga ko--ito na, ito na ang noisiest place na napuntahan ko. Ang sarap paglalaslasin isa-isa ang mga lalamunan ng lahat ng mga maiingay dito. Ano ang kaguluhang nangyayari? Ito na lang, ano nga ba naman kasi ang usual na ginagawa ng mga estudyante pagkatapos ng exam? Edi, syempre, comparing answers, at ang walang kamatayang pagalingan sa one liner nilang, "Ang hirap ng test, hindi ako nakapag-aral," kahit ang totoo, eh, nakapag-aral naman talaga ang mga gago. But not me. Honestly, hindi talaga ako nakapag-aral. And I've already accepted the fact na babagsak ako ngayong periodic--and that aggravates my headache.

Ang titindi ng mga tanong kanina. Pakiramdam ko bawat questions, bullet, at ang test paper ang baril. Kada basa ko ng tanong, parang binabaril ang utak ko. Hindi ako nakapag-aral, eh. Paano--sa kalagayan kong 'to, makakapag-aral pa ako?

Ang ingay pa rin. Ayaw magsitahimik ng mga bwisit na 'to. Isa-isa kong tinignan nang masama ang mga maiingay hanggang sa may nakita akong hindi ko inaasahan. Dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng canteen--iniingatan ang dala niyang pagkain para hindi matapon. Si... Si Maggie 'yun.

I won't give up, 'di ba? Since that night nang makapag-usap na kami dun sa bench, wala na--there's totally nothing between us. But not this time. I'll start again. How? Lalapitan ko? Tapos ano?

Dave, tayo. Stand up man! Breathe. Okay, inom muna ng coke. Go! Wait. Ano? Tatayo na ako?

Maggie

Concentrate. Focus. Hindi dapat matapon ang toyo. Hindi mo nakita sina Chloe at Lani na magkausap. Erase. Erase. Erase. Hindi ka affected. Hindi ka dapat matalisod. Malapit ka nang makalabas ng canteen. Doon ako kakain sa may park. Makakarating ako ng maayos dun with my siomai and juice. Walang matatapon sa mga dala ko--and then shit! May biglang humarang sa daan ko.

Kapag natapon 'tong siomai ko, I'll make sure to siomai anger to him. Oh, siomai pa rin 'yun. Tinignan ko kung sino...

Dave

May nakasingit pang notebook sa kili-kili niya habang naglalakad palabas ng canteen. Nang makita kong nalaglag iyon ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumayo na ako at pinulot ang notebook niya.

Phyics. Physics notebook niya 'to. Ito 'yung sinulatan ko ng letter. Nabasa na kaya niya? Hindi man lang napansin ni Maggie na nalaglag na ang notebook niya. Ibang klaseng babae, mas iningatan niya pa 'yung pagkain niya.

Nakalabas na siya kaya hinabol ko siya at hinarangan.

Maggie

Tinignan ko ang lalakeng nakaharang sa daan ko... Si... Si Dave? Nakangiti siya na parang hindi na parang... Ah, basta, ewan! Ano 'yang inaabot niya sa akin? Ay, shit! Notebook ko! Paanong? Nalaglag? At siya talaga ang nakapulot? Ano 'to? Destiny? O scripted? Pwede namang ibang tao na lang ang nakapulot, ah?

Kalma, Maggie. Hindi ka affected. Hindi ka kinakabahan. Hindi ka nagulat. Relax. I am happy. Naka-move on na ako. Wala na sa akin ang mga nangyari, kaya kunyari normal lang--ordinary lang. Ordinaryong tao lang si Dave.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Where stories live. Discover now