"Wag naman, moya Iyubov." Reklamo ko habang tinatanggal ang kamay niya na nasa teynga ko. Tiklop talaga ako pagdating kay August.

Masama niya akong tinignan saka niya binitawan ang teynga ko. "Hindi ko pa nakakalimutan ang babae do'n sa bahay mo, Atticus!" Sabi niya at pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Huh? Babae? Wala naman ahh. Wag mo nga akong gawan ng kasalanan, moya Iyubov. Alam mo namang ikaw lang ang sasambahin at didilaan ng dila ko." Seryoso kong sabi. Ngunit, mabilis akong sinuntok ni August sa mata. Tangina talaga! Wala naman akong kasalanan eh.

"Neknek mo! At ito pa.. nakita din kita sa isang open area na restaurant. Kaya wag ka ng mag maang-maangan pa!" Galit niyang sabi.

Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko ang sinabi sa 'kin ni Xanth dati. "Nagkakamali ka, moya Iyubov." Sabi ko kaya inambahan na naman niya ako ng kamao.

"Yung nakita mo sa bahay ko na babae ay asawa ng kaibigan kong si Isaac. Pansamantala kasi silang tumira do'n dahil ni re-renovate ang bahay nila. Sakto namang nasa ibang bansa ako kaya pumayag ako. At yung nakita mo sa open area ay si Irish yun, asawa ni Isaac. Nandoon din naman ang kaibigan kong si Isaac. Gusto kasi nilang magpasalamat
sa 'kin ng personal kaya nakipagkita ako." Mahaba kong paliwanag.

Natahimik siya kaya mahina akong natawa dahil wala na siyang ibibintang sa 'kin. "May ibibintang ka pa ba sa 'kin, mahal kong asawa?" Nakangiti kong tanong kay August.

Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay saka 'to nag iwas ng tingin. "Nagugutom na ako," saad niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Kiss mo muna ako." Sabi ko saka ngumuso sa harap niya.

"Gusto mo pitikin ko yan?" Mataray niyang tanong sa 'kin.

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko saka ako tumayo sa stool at naglakad sa maliit na table. Hinila ko ang table papunta sa kama ni August saka ko binuksan ang tupperware para pakainin siya.

"Sino nag luto n'yan?" Tanong niya sa 'kin.

"Syempre ako," sagot ko sakanya.

"Hindi ka naman marunong magluto." Pambabasag niya kaya napa-ngiwi ako.

"Marunong na ako, moya Iyubov. Itanong mo pa sa anak natin." Sagot ko.

Bumuntong hininga naman si August saka 'to tumingin sa 'kin. "Miss ko na ang anak ko," malungkot niyang sabi.

"Anak natin. Pawis na pawis kong ginawa si Xanth no'n tapos sasabihin mong anak mo lang." Sabi ko kaya inirapan ako ni August.

"Kumain ka na para mabilis bumalik ang lakas mo." Sabi ko sakanya. Sinubuan ko siya na agad naman niyang tinanggap. Mabilis kong pinatakan ng halik ang labi niya kaya sumimangot si August.

"Miss ko na ang mga labi mo, ang mga yakap mo, at lalong-lalo na ang ka malditahan mo." Nakangiti kong sabi.

"Wag kang mag-alala, araw-araw kitang aawayin para hindi ko ma-miss ang ka malditahan ko." Sabi niya.

"Wag naman, moya Iyubov." Sagit ko saka ko siya sinubuan ulit.

"May tanong pala ako," seryoso niyang sabi.

"Ano yun?" Tanong ko saka pinunasan ang labi niya dahil tumulo kunti ang sabaw.

"Paano ako nakaligtas n'ong araw na yun? Sino ang nagdala samin sa hospital?" Tanong niya sa 'kin.

"Ako. Halos manghina ako ng makita ko kayong dalawa ni Xanth na naliligo sa sarili niyong dugo." Malungkot kong sabi habang inaalala ang nakaraan.

"Si ate Minerva? Kamusta na siya?" Tanong niya
sa 'kin.

Assassin Series 7: Atticus RomeroМесто, где живут истории. Откройте их для себя