Kayaman

211 2 0
                                    

Simula ng ipinanganak tayo at magsimulang magkaroon ng muwang sa mundo ng ating ginagalawan ay mayroon na tayong karapatan na katulad ng mga natatamasa ng isang mamamayan sa lipunan. Isa sa mga karapatang ito ay ang edukasyon. Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating kinabukasan? Marahil marami pa sa atin ang hindi pa lubos nakakaunawa kung ano nga ba ang edukasyon bilang aspeto sa ating buhay.

Madalas namumutawi sa ating bibig na "ang edukasyon ang daan patungo sa kaunlaran". Tama! Maituturing ginto ang edukasyon sapagkat ito ay napakahalaga sa ating buhay. Malaking impluwensiya ang pagpasok sa paaralan upang mas magkaroon tayo ng sapat na kaalaman at lumawak pa ang ating isipan. Paaralan na nagsisilbing pangalawa nating tahanan, kapwa natin mag-aaral na nagsisilbi nating kapatid at ang guro naman ang siyang tinatawag na pangalawang magulang.

Sa panahon natin ngayon hindi madali ang mabuhay kung wala kang sapat na kaalaman. Kaya kailangan mong maging matiyaga at magtiwala sa sarili mong abilidad upang magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Bukod sa edukasyon, ang Panginoon ang higit nating magiging sandata sa lahat ng laban sa buhay. Kung kaya't, kinakailangan mo ring magtiwala sa Panginoon dahil siya ang gagabay at tutulong sa bawat hakbang na ating tatahakin. Sa madaling salita, siya ang ating kasama patungo sa tagumpay na ating inaasam sa buhay.

Hindi maitatanggi na ang edukasyon ay mayroong malaking papel na ginagampanan sa ating buhay. Kung ikaw ay may pagkakataong makapag-aral, huwag mong hahayaan na masayang ang pagkakataong ito dahil maraming oportunidad ang magbubukas. Isipin mo ang sakripisyo na ginagawa ng iyong magulang para lang maibigay ang inyong mga pangangailangan. Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam ng ating mga magulang kapag natunghayan nila ang pagtatapos natin sa pag-aaral dahil para sa kanila ang edukasyon ang tanging kayamanan na maipapamana nila sa atin.

Ito lang ang nais kong iabot sa inyo, huwag mong tinggan ang negatibong pamumuhay, imulat mo ang iyong mata sa positibong takbo ng buhay. Ika nga nila, "kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan". Imulat ang mga mata dahil ito ay para rin sa ating ikauunlad. Magpatuloy lang! Tandaan, Edukasyon: daan patungo sa kaunlaran.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Edukasyon: daan patungo sa kaunlaranWhere stories live. Discover now