27 2 1
                                    

Under the sun and a cloudy sky, I'm sitting on the beautiful sand at the beach. Ramdam ko ang simoy ng hangin at may mga segundo na nakakarinig ako ng tunog ng ibon. Ako lang ang mag-isa sa kinaroroonan at walang kahit na sinong nasa kinaroroonan ko ngayon, kahit mga suso pa iyan.

Hanggang sa isang babae ang dumating at tumabi sa akin para umupo at samahan niya akong pagmasdan ang kalangitan. "Mabuti at napapunta dito sa tagpuan natin." Ito ang kanyang bungad sa akin dahil may pag-uusapan kaming dalawa ngayon.

"Ito, bulaklak para sa iyo." Kaagad kong binigay sa kanya ang bulaklak na kanyang paborito, ang rosas.

"Salamat dito." Kanya namang tinanggap ang bulaklak na alay ko sa kanya at tinabi niya muna iyon.

"Walang anuman iyon." I quoted and suddenly smirk while stares at her. Tumahimik muna kami ng ilang segundo habang nakatingin ako sa kalangitan.

"Musta naman ang Summer mo?" Kinamusta niya ako sa pamamagitan ng ganitong salita.

"Maayos naman." Sagot ko naman at ako'y lumingon sa kanya, nakita kong nakatingin talaga siya sa akin na may kasamang ngiti. "Ikaw ba, kamusta ka?"

"Maayos naman ako." Sagot naman niya na may kasamang ngiti habang patingin ulit ako sa kalangitan. "Ikakasal kana ngayon bukas, uh!? Huwag mo kakalimutan ang turo ko sa iyo sa magiging asawa mo."

Tumingin ako sa kanya at ako'y nagsabi ng isang salita. "Salamat pala dahil ikaw ang nagturo sa aking magmahal."

"I'm your first love and I'm your first student who teach you how to love." Ito naman ang kanyang sinabi at ako'y ngumiti nalang.

"Happy mother's day, Mom." Ito naman ang aking pagbati sa kanya at siya'y ngumiti sa harapan ko.

Well, sa nanay ko lang natutong magmahal ng isang babae. Nagpapasalamat ako sa kanya talaga ng lubos.

-

@Stunn3r

My First LoveWhere stories live. Discover now