meet the J.E.R.K. :P

Start from the beginning
                                    

Ching,

Maganda?! Ayyyyyyyyyyyyy.

Meron nga ba?!

Isip.

Isip.

Ay oo! madami daming maganda sa Einstein, Naks! ayos toooooo. Panigurado mabibihag na naman sila ni klein raffly! Nahyper ako bigla nung sinabi ni ate yun kaya dali dali ko ng inayos yung isusuot kong uniform, ayy malamang!

“Ano! hyper na naman nakarinig lang ng maganda, ano ba yan, still the same old jerk!” 

Bahala ka dyan! Kanya kanyang trippings yan. dbbbb?! :P

“Oo na! labas na labass maliligo na ko, mag papagwapo pa ko eh kahit gwapo na!”

“Sana may sumuntok sayo mamaya sa school para mabangasan yang mukha mo!” Sabay irap niya.

Sorry chi, Malabo yun!

“Asa pa! eh di kinuyog yun ng fans club ko. pasalamat ka nagkaroon ka ng gwapo at popular na kapatid ay teka kulang dancer singer pa!” Loko ko. Loko lang yun ha! pero maniwala kayo. Hahahha :P

 “Isa pa! ako na susuntok sayo.”

“Sabi ko nga panget ako eh. ikaw na maganda,” Isasara ko na yung pinto pero may naisip akong idagdag.

“Sayang chi! Maganda ka nga NBSB naman. Wahhahaha!” sabay takbo na sa cr.

Kasi bibigyan ako nung ng isang napakalakas na Kleira’s super kick. Tsk! Naligo na ako, syempre nagpagwapo pa. Kahit di na kailangan. Hindi ko nilagyan ng gel yung buhok ko kasi bagong rebond eh, Oi! Di ako bakla ha. pwede namang magparebond lalaki ah. bakit ba! Idol ko ata si zac efron at bieber. JOKE! Isang malaking JOKE! Bakla naman yung mga yun! yikes. pero ayos yung hairstyles nila kaya ginaya ko.

Ayoss ba?!

Sila lang bakla di ako included. Mas gwapo pa ko don sa mga yun eh. LOL!

“Ma!!!!” Sigaw ko habang pababa na sa kwarto ko.

“Hoy alsus! Yung aircon ng kwarto mo patayin mo aba!” sigaw ni mama. Nakakalimutan ko laging patayin yun, lintek!

"Ayos na ma! MA!!!!!!!!” Mahinahong pasigaw style!

“Naninigaw ka alsus?”

Sabi na hindi talaga effective.

“Hindi po MA!! ma!!!! aaah. Yung bag ko?!”

“Kinuha saglit ng ate mo! bumaba ka na nga dyan!”

Step.

Step.

Step.

“Ma bakit po kinuha ni ate?!” Tanong ko sabay upo na sa lamesa.

“Hindi ko alam eh!” Nice talking mama!

“Xiongdi! Oh.” Inabot na ni ate yung bag ko.

“Anong nilagay mo dito ha chi?! May nilagay ka dito noh!”

“Malamang! kaya ko nga kinuha eh, andyan na yung sign up sheets para sa HOPSTERS DANCE CREW.”

Sabi ko nga may nilagay siya kaya niya kinuha. Ayos  to wala nakong aasikasuhin para dun sa dance crew namin.

“ayos ka talagang secretary chi!” 

At kumain na kami. after 12456232156 years. Busog! Larga na. Sumakay na kami sa kotse ni mama. Malamang na ang punta namin ay sa school. 

“Baba na alsus!” Sabi ni mama.

“Pero ma! Tingnan niyo naman po oh.”

Turo ko doon sa mga babaeng ayaw umalis sa gilid ng pintuan ng kotse ni mama. Sipain ko kaya? wag. Bawas pogi points yun. Supladuhan? Well di ako suplado eh.

Single By Heart But Doubled For LoveWhere stories live. Discover now