"You don't have to pretend Miss. Tayong dalawa lang dito."sagot naman sa kanya ni Gali. Nasaktan ng sobra si Alexa. Hindi lubos maintindihan nito kung bakit nasasaktan sya gayung alam naman nya sa simula't simula, she was just a fake girlfriend.
"Are you a do-this-do-that person?"naguluhan si Alexa sa naging tanong sa kanya ni Gali.
"Kasi, pag sinabing stop smiling, agad mo naman na ginawa."napabuntong hininga si Alexa sa sinabi ni Gali. She indeed realized that Gali understand nothing.
Ngunit parang nag aantay naman ng sagot itong si Gali.
"Bigla lang akong may naalala na hindi ko ikinatuwa."sagot na lamang ni Alexa. Nakarating din sila sa mismong attraction ng sand bar.
"Ako na."inis na sabi ni Gali at tinulungang tanggalin yung seatbelt.
"Sobra ka na! Kahit sa mga maliliit na bagay hindi ka marunong. Nasanay ka kasing may yaya at yayo."patuloy pang sermon ni Gali.
"Tutulong na nga lang dami pang sermon. "
"Nasanay ka naman yatang nanenermon ng mga tauhan mo."naging sagot naman ni Alexa. At bumaba na nga ng sasakyan. at nagpaiwan lang si Gali sa loob ng sasakyan habang nag pipicture ng sunset itong si Alexa.
Gusto sana nitong magpakuha ng picture kay Gali pero alam naman nitong wala sa mood yaong tao kaya nilagay nya na lang ang kanyang cellphone sa bumper ng sasakyan. Maganda naman yung kuha nito. Kahit sariling sikap.
"Aherrmm!" Gali, as he clears his throat. Agad naman itong ikinataranta ni Alexa. Baka na nga nainip na ito sa tagal nyang kumuha ng picture.
"Ahh--- Baka gusto mo itry yung parang magmomodel model. Tapos yung music killing me softly."
"Yung ganito?"
Na estatwa ng ilang seconds si Alexa sa sinabi ni Gali. Never in her mind na mag susuggest si Gali ng ganoon. Sabay pa nga pakita ng video na tinutukoy nito.
Parihong huminto yung mundo ng dalawa ng magka eye to eye contact sila. Habang yung ngiti ni Alexa abot hanggang tainga. Habang ito namang si Gali inosenteng nakatitig kay Alexa.
"That's nice!"masiglang sabi naman ni Alexa.
Chapter 10
Start from the beginning
