"Ha.. bahala ka.. Just don't easily go with people even if it means free food", para naman siyang nang sesermon. Parang si Papa lang... noong nabubuhay pa.
Pinaupo na ako ni Tita Jes sa kusina at linapag ang platitong puno ng pansit.
"Salamat po", sabi ko kay tita at nagsimula na akong kumain.
"Kaizen, gawan mo ng shake tong si Scarlet pagkatapos mong magbihis", utos nya naman kay Kaizen.
"Tch, Hassle", sabi naman ni kaizen at pumunta na sa taas ng hagdan.
Umupo na si Tita Jes sa harap ko at nagsimula na ang chikahan namin.
"So, ano? Cute di ba?" biglang tanong ni Tita.
"Huh? Po?" ang pansit ba ang tinutukoy nya?
"Si Kaizen! Cute no? Bagay kayo!" Mahina pero parang teenager na kinikilig si Tita.
"Ahy, sus. Si Tita Jes naman. Hindi po kami ganun ni Kaizen. Kakakilala ko lang nga po kanina sa kanya"
"Eh pero cute nga?" Pang uusisa pa niya.
Nagkatinginan kami ni Tita.
"Mmm", nag isip isip muna ako.
Nginitian ko si Tita Jes at nag nod. Sabay naman kaming napatawa.
"Haha, syempre mana sakin. Mabait at matalino din yan", pagmamalaki ni Tita.
"Sus Tita Jes, wag mo na akong itry ireto dun", ginagalaw galaw ko yung pansit gamit ang tinidor ko.
"Ahy, bakit? Taken kana?" mukhang disappointed naman si Tita.
"Di naman po, pero may gusto na po akong iba", paliwanag ko kay Tita.
"Ahy. Sayang naman", ani na ni Tita.
Iba na ang aming pinagusapan. Maya maya pa ay bumaba na si Kaizen. Nakapambahay na. Naka black shorts at white shirt sya na may fairytail logo. (Sa mga hindi po nakakaalam, Anime po ang Fairytail).
"Fan ka din ng fairytail?" tanong ko sa kanya.
"Yeah? Ikaw?" tanong din nya.
Linabas ko ang phone ko at pinush ang power button sa side. Lumabas naman ang lockscreen wallpaper ko na Fairytail ang design.
"Super", sabi ko naman sa kanya.
"Hmm.. otaku?" tanong niya pa.
"A proud one", sagot ko naman sabay ngiti.
"Same", nag smile siya at tumungo na towards the blender.
"Oh, I forgot. I need to make a call. Excuse me muna ha. Kaizen, asikasuhin mo muna ang maganda nating bisita", sabi ni Tita Jes sabay alis papunta sa taas.
"Ehem, maganda raw?" Komento naman ni Kaizen.
"Eh bakit, hindi ba?" Tumingin ako sa kanya.
Tumingin din sya sakin saglit.
"Hahaha", tumawa lang sya. Humarap na sya sa blender at gumawa ng shake kagaya ng utos ni Tita Jes.
"Heh! Tawa tawa ka dyan. Baka maya maya may crush ka lang pala sakin eh", haha.. biro lang naman. Hindi po ako feelingera.
Napaubo naman sya, yung parang exaggerated na nabubulunan.
"Diyos ko po! Ako mag kaka crush sa yo? Hah! No offense dude but, you're not my type", sabi naman with full confidence.
" Eh ano ba type mo?" Ewan ko ba't bigla ko nalang natanong. For no apparent reason I guess.
"Hmm", isinalin na nya juice na galing sa blender sa isang malaking baso.
"Actually, wala naman akong standards eh. Kung napapasaya niya ako, then that's good enough for me. Hindi naman kailangan na maganda, mayaman or kung ano pa. As long as she brings me happiness then I'll give her all the love I could give", sabi niya habang nag lalakad papunta sakin dala ang dalawang baso ng shake.
Hmm. Ang simple naman ng gusto nya.
"Edi wow!" sagot ko naman. At parehas kaming napatawa.
"Ikaw? Ano type mo?" Err, well, kung papasimplehin ko ang answer ... Luke Allano. Yan ang type ko. Pero alangan naman yan yung sabihin ko.
"Mm, secret"
"Sus, pa-secret secret pa. Hulaan ko, yung gusto mo, maputi, singkit", nagsmile sya sakin, "parehas kay Daniel Padilla ang hairstyle, matangos ang ilong, magaling sumayaw, hmmm, ano pa ba...", nag pause sya na tila may iniisip.
"Ah right, ang course ay architecture, nagsisimula sa letter L ang pangalan, one syllable at ..."
"I get it. Tinutukoy mo si Luke", nag poker face naman ako sa kanya.
"Haha, bakit sya lang ba ang may ganoong identification?" tanong naman niya na tila nang-aasar.
"Hindi. Pero sya ang sa tingin mong gusto ko, di ba?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Eh, sa araw araw ba naman na pang s-stalk mo, hindi pa ba kahina-hinala yun? Haha"
"Sandali nga, pano mo nalamang everyday andun ako? Which if I may correct, hindi ko siya pinapanoon everyday", I'm actually quite curious about it.
"Well, before pa siya nag p-practice doon maaga na talaga akong pumapasok. Alam mo na, para makaiwas trabaho sa bahay", tinaas baba pa niya ang kilay nya, "tapos yun, soon enough nalaman mong nandoon sya every morning, pinapanood mo sya and I just happened to notice you were doing it almost everyday. Kaya kita natawag na stalker dati", paliwanag nya sabay inom ng shake pagkatapos.
"Pambihira, hindi ko man lang napansin na from the start huli na pala ako", naku, buti nalang at hindi kabarkada ni Luke ang nakakita sakin. Actually, ang lugar na pinag p-practisan ni Luke ay in between ng college nila Luke at Kaizen (College of Engeneering) at ng college namin (College of Education).
"Don't worry, I don't plan on yelling anyone ", sabi ni Kaizen habang kumakain ng pansit.
"Really?" nag nod siya, "Why?"
"Sus, sino ba naman ang pagsasabihan ko? Pakealam ba ng mga tao sa buhay mo. No offense"
"None taken", sabagay, may punto naman talaga siya. Sino ba naman ang mag kakainterest sa babaeng hindi naman nila kakilala?
"And besides..." dugtong nya pa.
"We're friends now right?" nagkatinginan naman kami.
Friends kami? Talaga?
"Hmm, I'll think about it", sinabi ko naman na parang maarte ang dating. Na gets naman nya.
"Arte!" sigaw nya at pareho kaming natawa.
"Oh, what so funny?" tanong ni Tita Jes na kakabalik lang sa kusina.
"Wala naman po", sabay pa kami ni Kaizen sa pagsalita.
Bignigyan naman kami ni Tita Jes ng meaningful look. Nagtinginan naman kami ni Kaizen dahil kay Tita Jes. At parehas nalang kaming natawa sa kung anuman ang maaaring iniisip ni Tita Jes. :)
End of Chapter 3
YOU ARE READING
Forever and Always
RomancePuppy love. Ever experience one? Well I have. I thought it was the most wonderful feeling. But there was something way better. The kind of love that makes you believe in happily ever after. The kind of love you feel when you say, "forever and alway...
Chapter 4
Start from the beginning
