Chapter 4

35 3 0
                                        

A/N: Un-edited. Please do vote if you like it. :) Comment and share. Thank you.

Biglang lumamig ang buo kong katawan. I am not prepared for this moment! Oh M! Ano itsura ko? Baka ang haggard haggard ko na! I'm freakin out!!!

Nag smile ang prinsepe ko. Nginitian nya ako!! Ako!! Parang sasabog na sa kilig ang buong katawan ko.

Pero hindi! Dapat pigilan ang kilig. Compose lang dapat.

"Thank you miss, pero okay lang. May hinintay ako"

Parang nabawasan ng konti ang kilig ko. Sayaaaang!! Akala ko pa naman mag mo-moment na kami under the rain!!!

"A-ah, s-sige po! Bye po", nag bow ako slight ng ulo. At ngumiti lang sya.

Shemaaaay! Pa-fall pa-fall pa-fall!!!!!

Tumalikod na ako dahil hindi ko na tagala mapigilan ang kilig ko. Ngiting ngiti akong sumakay ng jeep.

Para sa mga girls out there, halatang kilig na kilig ang pagmumukha ko habang nakaupo sa jeep. Buti nalang at nasa malapit ako ng pintuan ng jeep, wala masyado nakakapansin sakin.

"Aiissht!" sabi ng lalaking umupo sa harapan ko. Bale pareho na kaming malapit sa pintuan ng jeep.
Medyo nabasa siya ng ulan at....
At mukhang pamilyar... -_-

"Oh! Stalker girl", turo niya sakin ng umayos na siya ng upo.

Tinampal ko ang kamay niya. Walang ya to baka anong isipin ng makarinig. I'm not a freakin stalker! -_-

"Tsk, hindi stalker girl ang pangalan ko at hindi rin ako stalker -_-"

Nag shrug lang ulit sya. -_-+

Umaandar na ang jeep at maya maya pa...

"Para po!" Sabay pa kaming sumigaw.

Dito rin sya sa street na toh?

Nauna na syang bumaba at tumakbo sa malapit na silungan. Binuksan ko naman ang payong ko at nagsimula ng maglakad. Mukhang mamabasa sya pag tumakbo na naman sya sa ulan. Tch.

"Gusto sumabay?" tanong ko sa kanya.

Nagsmile sya, "Naks, bait natin ah"

"HmM, ayaw? Edi wag.. Bye"

"Sandali!" sigaw nya at napansin ko nalang na nakasilong na rin sya sa payong ko.

"Ako na", sabay kuha ng payong at sya na ang humawak.

"Naks gentleman natin ah", I smirked.

"Naah, mas mataas lang talaga ako sayo", sya naman ang nag smirk.

Tch. Yeah. Mas mataas talaga sya sakin. Pero hindi ako mababa, actually mataas din naman ako. Hindi lang nga pageantera tall.

" San ka banda?" tanong ko at baka dalhin ako nito kung saan.

"Dun sa malaking kainan sa kanan", tinuro naman niya gamit ang nguso niya.

"Ah yung malapit kila Tita Jes ?"

"Well actually dun mismo. Tita ko yun"

"Ahy oo?" Ang tagal ko nang kumakain doon pero hindi ko man lang napansin na may pamangkin si Tita Jes. Hmm, sabagay, wala naman akong pakialam sa mga tao sa paligid.

"Oo. Madalas ka kumain dun di ba?"

"Yeah. Pano mo alam? Stalker kita no? Haha" pa joke kong sabi. Kaya naman siguro feeling close siya sakin nung sinabihan niya akong "stalker". Baka namukhaan nya ako.

Forever and AlwaysWhere stories live. Discover now