Sa Huling Hiling

11 0 0
                                    


Tuwing Mayo lahat ay abala sa pinakahihintay nilang bakasyon. Para nga sa karamihan Summer feels waving! Kaya pati ang magkasintahan na si Diego at Lea ay handa na rin sa kanilang kaabang-abang at mainit na bakasyon.

Si Lea at Diego ay halos apat na taon ng magkarelasyon, walang kupas— tunay na matatag. Bawat sandali ay kanilang pinapahalagahan. Dumating man ang unos, sabay nila itong hinaharap at inaayos. Gaya ng kanilang paboritong pahinga; maglakbay at pumunta sa bukod tanging lugar— ang dagat.

Kinabukasan, nakahanda na ang dalawa at may surpresang inihanda si Diego. Mahilig sa bulaklak si Lea kaya’t bago sila pumuntang Subic ay dumaan muna sila sa Dangwa, binilhan niya ito ng sariwang rosas. 

Masaya at matamis na ngiti ang sinukli ng dalaga ng makita ito. Hanggang sa nagpasya na silang bumiyahe, upang bago mag-gabi ay naroon na sila sa kanilang destinasyon.

Subalit hindi na nawala ang traffic kahit saan ka mapadpad. Minabuti munang magpahinga ni Lea habang si Diego naman ay seryosong nagmamaneho.

Halos pitong oras ang kanilang biyahe ngunit para sa dalawa, magandang alaala ang kanilang babaunin. Sulit ang pagod, ang mahalaga maimarka nila ang panibagong kabanata ng kanilang pagsasama.

Iba’t-ibang aktibidad ang kanilang ginawa, walang sinayang, tuloy-tuloy ang pagsasayaw. Sila ay mamamalagi ng dalawang araw rito sa Subic; pagkatapos nito ay sasampal sa kanila ang hirap at sakit ng reyalidad.

Kumuha rin sila ng maraming litrato sa bawat madadaanan, tila mapupuno na ang storage ng kanilang dalang camera. Hanggang sa napagod silang dalawa at umupo sa gitna ng karagatan, pinagmasdan ang ingay ng alon at ang pagtatago ni haring araw.

Hanggang sa nagpasya sila na maghabulan sa dagat. 

Lambingan at takbuhan ang naging aksyon ng dalawa, ngunit sa bawat saya may kalakip na sakit at lungkot.

Sa paboritong tagpuan natagpuan ang pangakong pagpapaalam.

Sa Huling HilingWhere stories live. Discover now