Deron

Kanina ko pa napapansin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Dashwen. I stopped browsing my Twitter account and faced him  with irritation.

“Why do you keep on glancing at me?” I asked raising my left eye brow.


“Nothing...I'm just curious 'bout something” he shrugged his shoulders.

Kumunot ang noo ko “What is it?” I asked curiously

Mula sa pagkakasandal sa sandalan ng upuan niya ay umayos siya ng pag-kakaupo


“I have a question....what if malaman mo na may nabuntis ka, papanagutan mo ba?” Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong klaseng tanong 'yon?


“Don't tell me na nakabuntis ka?” I asked. Tumitig naman siya ng seryoso sa mga mata ko.


“What if I say....yes” sagot nito na saglit kong ikinatigil. He has a lot of girls in his side. But he only plays with them. Wala siyang sine-seryoso kaya paano siyang makakabuntis?



“Then be responsible. Panagutan mo... But really? Did you?” I just can't believe


“Paano kung sabihin ko sa'yong si Acacia nabuntis ko...what will you do?”


I don't know why, but the moment he uttered those words and mentioned her name, my fist immediately formed into balls. Parang gusto ko siyang sapakin sa pagmumukha niya ngayon mismo.



“Ulitin mo nga ang sinabi mo” my jaw tightened as my fist clenched harder.

“Kidding. Masiyado kang seryoso. Wala akong planong agawin sa'yo ang mahal mo” he said then smirked. I glared at him

“Anyway, mauna na ako. Hahagilapin ko pa siya. May pag-uusapan pa kaming napaka-importante” sagot nito bago siya tumayo. Heck! At anong pag-uusapan nila? At bakit siya makikipag-usap sa babaeng 'yon?


“Bro hinahanap mo 'diba kanina si Acacia? Nakita ko siya kanina sa Library” biglang sulpot ni Austin na galing sa labas.


“Thanks bro” Dash tapped his shoulder before he left the room.


Hindi ko alam kung bakit pero mabilis akong napatayo. Kinuha ko sa bag ang librong hiniram ko sa library kahapon. I am not done with this yet, pero isusuli ko na. Mabilis akong lumabas ng classroom para sumunod kay Dash. Fuck that dumbass!



Third Person

“Anong totoo ang dapat kong malaman?”


Mabilis na tumalikod si Dashwen para harapin ang taong nasa likuran nito. Kahit hindi makita ni Acacia ang Mukha nito ay kilalang-kilala nito ang nagma-may-ari ng boses na iyon. Si Deron.


“Sinundan mo ako? ” gulat na tanong ni Dash sa kapatid. Pasimple namang sinilip ni Deron si Acacia bago niya ito sinagot.


“No. Just need to return this” sagot nito sabay pakita ng librong hawak. Muli itong sumulyap kay Acacia at nahuli siya nito. Inirapan siya nito na siyang ikina-kunot ng noo niya. Bakit ba sa tuwing nakikita siya nito ay panay na ang pag-irap nito sa kaniya, Hindi kagaya noon na sa tuwing nakikita siya ay ngingiti ito na umaabot hanggang sa mga mata niya. Balewala na nga ba talaga siya para dito? At sa isipin na iyon ay tila may kung anong matulis na bagay ang bumabaon sa dibdib niya.



Binalingan nitong muli ng tingin ang kapatid “So, anong totoo ang dapat kong malaman?” Bakas ang kuryosidad sa boses nito. Saglit namang nilingon ni Dashwen si Acacia saka bumuntong hininga. Wala sa plano niyang makialam, ngunit hindi niya naman sinasadyang marinig ang mga nalaman niya. Ayaw nitong maglihim sa kapatid subalit nagdadalawang isip ito kung tama bang sabihin nito ang kaniyang mga nalaman.


Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt