Special chapter

Zacznij od początku
                                    

Zavy's Outfit

hindi sila pinansin ng dalawa at dumerederetso sa pool, sumunod naman kaagad sila pero nagsilapitan sakanila ang kanilang mga anak at nagpabuhat kaya hindi na nila nagawang makalapit sa mga asawa nila, napansin naman sila ng mga kaibigan nila at nagsimulang asarin

hindi rin sila tumagal sa pagligo dahil sa sobrang lamig ng tubig pati na rin ng klima sa Switzerland, kaya mga minuto lang ay umahon na rin silang lahat at nagpalit, naisipan naman nila na magbbq party pinaayos din nila ang videoke system para magkantahan habang sila ay nag-iinom, ang mga bata naman nakatulog sa sobrang pagod sa paglalaro

nakabantay si Maxine at Reign sa mga anak nila at hindi nila namamalayan na pati sila ay nakatulog na rin, napansin naman sila nila Dale at Zavy na hindi mapigilan ang mapangiti ng makita ang mga puwesto nila. si Reign pinag-gigitnaan ng dalawa niyang anak sa sofa, si Maxine naman nasa solo seat nakatulog habang nasaibabaw niya si bonbon

"ang cute talaga ng magpinsan na to" biglang sabi ni Seng. nasa likuran siya nila Zavy at Dale "no wonder kung bakit patay na patay kayo sakanila"

napangiti naman ang dalawa bago nilapitan ang mga asawa nila para gisingin, si Reign ang unang nagising dahil tulog mantika si Maxine

"lipat na natin sila kwarto. magsisimula na yung party" malambing na sabi ni Dale at kinuha si Leo sa tabi ni Reign. binuhat naman ni Reign si Ella "guys wait lang ha, pasok lang namin tong dalawa sa kwarto, baka kasi magsing sa ingay. sintunado pa naman si Chris" nagtawanan lang sila kaya inakyat na ng dalawa ang mga bata

mediyo nahirapan naman si Zavy na gisingin ang mag-ina niya dahil sa sobrang heavy sleepers pero ilang tapik pa ay nagising na rin si Maxine. dahan-dahan siyang nagmulat ng mata "bakit?"

"lipat na natin sa kwarto si bon, magsisimula na yung party"

"wag na, dito na siya ang hirap patulugin nito"

"kaya nga ilalagay sa kwarto, para makapagenjoy ka naman" halata sa tono ni Zavy ang awa sa asawa. kanina pa kasi ito nagbabantay ng anak at hindi na nagawang makapagenjoy ng sila lang "dali na baby" iritableng bumangon si Maxine habang buhat si bonbon at tumaas papunta ng kwarto "wait lang guys ha, akyat lang din namin si bon" paalam ni Zavy sa mga kaibigan nila bago sundan si Maxine. pagpasok niya sa loob ng kwarto nadatnan niyang busy sa phone si Maxine habang nakapuwesto naman na si bon "o bakit hindi kana lumabas don?"

"baka magising si bon e"

napangiti si Zavy at nilapitan si Maxine saka ito tumabi "hindi yan magigising baby, trust me. napagod yan kakalaro kaya matutulog lang yan, tsaka hello, mana sayo yang matulog diba, kaya halika na" hindi parin tumayo si Maxine "baby" ngumuso lang si Maxine "tsk" nakanguso parin si Maxine kaya lumapit na si Zavy at hinalikan siya

"I love you baby" malambing na sabi ni Maxine "sorry for losing time on you and bon"

nahalata ni Zavy ang sincere at pagsisisi sa tono ng boses ni Maxine "stop thinking about it na, nakabawi kana oh nasa vacation trip na tayo"

"but still, thank you kasi di mo ko sinukuan nung mga panahon na sobrang tigang kana saki-hdgdjwnveh"

biglang tinakpan ni Zavy ang bibig ni Maxine bago pa niya maituloy "words mo naman baby"

tinanggal ni Maxine ang kamay ni Zavy sa bibig niya saka ito hinalikan "I'm serious baby, alam kong sumagi sa isip mo na iwan ako kasi puro ako work at nawalan ng time sainyo" hindi nanga napigilan ni Maxine ang umiyak. pinunasan naman kaagad ni Zavy ang mga luha niya "thank you kasi nagtyaga ka sakin"

"ssssh enough crying na, yes I admit na naisipan kong iwan ka nalang muna nang marealize mo kung ano yung pagkukulang mo samin ng anak mo" lalo pang naiyak si Maxine at bigla siyang niyakap "but that doesn't mean na iiwan ka na talaga namin for real, gusto ko lang ipamukha sayo na kaya naming layasan ka anytime pag hindi ka pa bumalik sa dati, masyado mo narin binubugbog yung sarili mo sa work, minsan nakakalimutan mo pang kumain akala mo hindi ko alam ah" biglang kalas ni Maxine sa pagkakayakap sakanya "sinabi sakin ng secretary mo, puro ka lang daw kulong sa office. kaya ngayon bumangon kana diyan at ienjoy naman natin tong vacation trip"

hinawakan ni Maxine ang mukha ni Zavy saka ito hinaplos haplos "what did I do to deserve you?"

namula naman ang mukha ni Zavy dahil sa kilig "tama na nga baby, halika na don baka hinihintay na nila tayo" hindi na umimik pa si Maxine at nagpahatak na palabas ng kwarto

"finally natapos din kayo!" salubong sakanila ni Christopher whith matching palakpak pa

"nakailan rounds kayo? ang tagal niyo ah" pang-aaasar ni Kiefer. nakurot tuloy siya ni Heidi sa tagiliran

"sira, nag-usap lang kami" sabay bato ni Maxine ng unan kay Christopher. tinawanan lang siya nito saka inabutan ng alak "baby puwede?" biglang tanong niya kay Zavy na busy sa pagpapak ng inihaw na isda

"huh?" nginusuan ni Maxine yung bote na hawak parin ni Christopher "uminom ka, bakit ka pa nagpapalam?"

"loyal naman masyado! para ka rin si Rei e" pang-aasar ni Christopher saka nilapag ang bote sa harap ni Maxine

"malamang magpinsan kami" biglang sabat ni Reign saka tinungga ang inumin

"oo magpinsang under" sabay tawa ni Christopher

"lol wala ka lang lovelife" sabay na pang-aasar ng magpinsan na ikinatahimik ni Christopher

"oh wala ka pala e" pang-aasar naman ni Seng kay Christopher na ginatungan pa nila Roseanne, Irin at Erilya at sinundan pa ng iba pa nilang mga kaibigan

"tang ina niyo! akala niyo lang wala akong lovelife" sabay labas ni Christopher ng phone at pinakita ang wallpaper niya "lowkey lang kami"

laking gulat naman ni Zavy nang makita kung sino ang kasama ni Christopher sa picture "oi! si Kade yan ah!" sabay bato niya ng unan kay Christopher "kelan pa kayo"

"nito lang, nagkikita kami palagi sa bar"

"ayun drinking buddies naman pala gusto"

nagtawanan silang lahat, si Christopher naman napailing nalang ng ulo

"e bakit hindi mo sinama rito?" biglang tanong ni Zavy

"sinong may sabing hindi? susunod siya rito may inaayos lang"

nagsimula na silang magparty at magkantahan, habang si Maxine at Zavy pinili na magstay sa pwesto nila habang magkayakap. nakabackhug si Maxine kay Zavy habang pinanunuod lang ang mga kaibigan nila na magkantahan with matching asaran pa, at narealize nila kung gaano sila ka thankful sa mga kaibigan nila, dahil kung hindi sa mga panggagatong nila malamang hindi sila nagkatuluyan....

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz