CHAPTER 10: D IS FOR?

Start from the beginning
                                    

Naramdaman kong humiga na si Wave sa tabi ko kaya humarap ako sa kanya pero tinalikuran ako nito! Bumangon ako at tinusok-tusok ang likod niya. “Wave, may problema ba? Bakit hindi mo ako pinapansin?” Walang emosyon ako nitong nilingon bago tumalikod ulit.

Ah gano’n? Ayaw mo akong pansinin? Edi, hindi rin kita papansinin.

Kinuha ko ang dalawang hotdog na unan at nilagay ‘yon sa gitna namin ni Wave. Pinatungan ko pa ng isa pang mahabang unan kaya nagmukha itong pader sa gitna namin. Kinuha ko rin ang extra kong kumot na nasa uluhan dahil ayaw kong maki-share ng kumot kay Wave. Tumalikod ako ng higa sa kanya at nagkumot na hanggang balikat. Para kaming magjowang nagkatampuhan sa lagay namin ngayon.

Narinig ko itong bumuntong-hininga bago ko naramdamang inaalis niya ang mga unan na nilagay ko sa gitna namin. Umusog ito palapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ibinaon din niya ang kaniyang mukha sa batok ko. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagyapos sa akin.

“I’m sorry,” he said in a soft voice. Humarap ako sa kaniya at ngumuso.

“Bakit ka ba kasi nagtatampo?” I asked.

“N-nothing,” sagot nito.

“What?” I chuckled. “Alright. So you mean, hindi mo ako pinapansin dahil trip mo lang or wala ka lang talaga sa mood?”

“Not in the mood.” Humikab ito. “And sleepy.”

SOMEONE’S POV

Kakalabas lang namin sa Jollibee at pauwi na. Hindi na ako sumabay sa kotse ni Sir dahil may dadaanan pa ako. Binilisan ko na ang lakad dahil parang may sumusunod sa akin. Wala pa namang tao sa paligid at madilim na.

Pagliko ko sa isang eskinita ay may pumalo sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay. Pagkagising ko ay nasa isang puting kwarto na ako, nakatali sa silya. Sinubukan kong kumawala pero sobrang higpit ng pagkakatali sa’kin.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki at babaeng naka-maskara. May dala silang container at may mga suot silang gloves. Lumapit sila sa’kin at tumigil sa harap ko.

“Sino kayo? Pakwalan niyo ako!”

“Tsk tsk, it’s your turn now,” wika ng babae at bumaling sa lalaki. “Simulan mo na, Kuya.”

“Wala ka bang sasabihin muna sa babaeng ‘yan?” tanong ‘nung lalaki. Kumunot ang noo ko at pinabalik-balik ang tingin ko sa kanila. Ano ba ang sinasabi nila? Bakit ako nandito? Kilala ba nila ako? Anong gagawin nila sa’kin?

“Wala na, Kuya. Nangangati na akong dispatyahin ‘to eh,” naiinip niyang sagot. Teka, dispatyahin ako? Papatayin nila ako? “Ilang linggo na rin akong hindi nakakakita ng dugo.”

“Sige, hindi ko na muna gagalawin ang isang ‘to,” wika ng lalaki. “Ang susunod na biktima nalang. Marami pa naman akong pwedeng magalaw sa school.”

Ano? B-biktima? Pumapatay sila? At nangre-rape?

Lumapit sa akin ang babae at nag-squat sa harap ko. “Kilala mo ba ako?” she asked. Umiling naman ako bilang tugon. “Ako… si kamatayan. At sinusundo na kita.”

Nagsimula na akong magwala nang makitang dumukot ito ng gunting sa kanyang bulsa. “A-anong gagawin mo? HUWAG MO AKONG PATAYIN!!” Nagmamakaawa ako sa kanya pero para lang itong bingi. “Maawa ka sa’kin!”

Pumunta ito sa likod ko at hinila ang buhok ko. Napadaing ako dahil parang mapuputol ang ulo ko sa lakas ng pagkakahatak niya. “Sorry but I show no mercy to my victims.” Napahiyaw ako sa sakit nang gupitin niya ang buhok ko. Nagugupit din ang anit ko kaya mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko.

AMONG US IWhere stories live. Discover now