“Sandali lang po tita” Lumingon naman ito sa akin. Bumangon ako at dahan-dahan na umupo.


Tita Denice and Tito Waze are like my second parents. Bukod kay Mamila na Mama ni Papa at kay Tita Anissa na Mommy ni Asi ay isa din si Tita Denice sa itinuturing kong Mama. Sa kanila ni Tito ko naranasan magkaroon ng kompletong magulang. Ni minsan ay hindi nila ako itinuring na iba, kaya nage-guilty ako ngayon dahil nagawa kong maglihim sa kanilang mag-asawa.

No secrets. Iyon ang pangako namin sa isa't isa


“Why Hija? Is there anything you need?” Mahinahon nitong tanong bago bumalik at umupo sa side ng kama. Umiling naman ako


“I just want to tell you something po. But promise me Tita na you won't tell it kahit kanino” Saad ko. Kumunot naman ang noo niya

“Is it too confidential?”


“Parang gano'n na rin po”

“Okay. I promise” She said then flashes a smile

“Ang totoo po niyan...Hindi po talaga kami mag-fiance ni Asi. Pinsan ko po siya” Diretsong sabi ko. Gulat naman ang naging reaksiyon niya

“Really?.....Then bakit nagpapanggap kayong mag-fiance?” Kumunot ang noo niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sumagot “Dahil po kay Deron”

“Kay Deron? Why?”

“Alam niyo naman po kung gaano ko siya kamahal, hindi ba? Pero pagod na po ako Tita. Pagod na po akong maghabol at manlimos ng atensiyon niya. I started to ignore him, kaya lang ayaw po nilang maniwala na nagmo-move on na ako. Kaya po nakiusap po ako kay Asi na tulungan niya ako sa pag-papanggap ng sa gano'n ay maniwala talaga si Deron na hindi ko na siya gusto” paliwanag ko. Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata niya

“Maglilimang taon na po akong parang aso na laging naka-buntot sa kaniya. Masiyado ko na pong ibinaba ang sarili ko dahil lang sa paghahangad na mahalin niya rin ako pabalik. Hanggang sa isang araw, na-realized ko na lang na hindi siya worth it sa paghahabol ko, hindi niya ako deserve lalo na ang pagmamahal ko. Siguro hindi lang po talaga kami ang para sa isa't isa” Dagdag ko pa. Tipid naman itong ngumiti saka hinawakan ang Mukha ko at marahan 'yong hinaplos


“I understand you, Hija. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo ay baka ganiyan din ang gagawin ko. Hindi ko nga maintindihan ang batang 'yon kung bakit binabalewala ka niya. Ang ganda ganda mo kaya, tapos ang bait bait mo pa. Pero don't worry, kahit ano pa man ang maging desisyon mo, always remember na nandito lang ako. I will support you sa lahat ng gagawin mo. I'm your second Mom remember” Saad nito na puno ng sensiridad. Napangiti ako. Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik “Thank you, Tita”


“I want you for my Son. Ikaw lang 'yung nakikita kong babae na fit para sa kaniya, pero kung ayaw mo na at sumusuko ka na, I understand. I want you to be happy, at gusto ko rin na mahanap mo yung lalaking tatanggap at magmahal sa'yo ng totoo at buo” dagdag pa nito na siyang ikinangiti ko. The reason why I love her more than my real Mom is because of this. She's too kind and caring. She's the real defeni

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi

“Napaka-swerte ng susunod na lalaking mamahalin mo, 'cause you have a pure and genuine heart. Napaka-gago lang ng anak ko dahil pinalampas ka pa. Tsk!” Aniya. Natawa naman ako dahil sa huli nitong sinabi. Mas kinakampihan niya kasi ako kaysa sa anak niyang jerk

“Siya nga pala, kung pinsan mo 'yung lalaking kasama mo last time then.... Who is the fa—”

“Si Deron po” Pagputol ko sa sasabihin niya. Saglit naman siyang natigilan

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Where stories live. Discover now