Kalauna'y napangiti na lamang ito dahil sa kaniyang pinsan. Kahit kailan talaga ay napaka-sweet ng kaniyang pinsan sa kaniya. Napaka-swerte niya dahil naging pinsan niya ang lalaking maalaga at mapagmahal na si Asiai

Sa kabilang banda ay napakuyom naman ang mga kamao ni Deron habang nakatingin ng masama sa pwesto nila Acacia. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng matinding inis sa tuwing magkasama ang dalawa. Mas lalo lamang nadagdagan ang inis nito ng makita nito kung paano ngumiti ng matamis si Acacia sa lalaking kasama. Matamis na mga ngiti na sa kaniya lamang ipinapakita ng dalaga noon, ngunit hindi na ngayon dahil may iba na itong gusto at aminin man nito o hindi sa kaniyang sarili ay hindi nito gusto ang tuluyan siyang deadmahin at makalimutan ni Acacia.

Mabilis itong tumayo at walang paalam na nilisan ang mga kasamahan. Tinawag pa siya ng ilang mga kabarkada at guro nito ngunit hindi niya ito pinansin at dire-diretsong tinungo ang madilim na parte ng gubat. Ng tuluyan na itong makalayo ay inis nitong ginulo ang kaniyang buhok

“P*TANGINA MO DERON! WHAT'S WRONG WITH YOU? WHAT IS YOUR F*CKING PROBLEM ARGHH!” Sigaw nito at bahagya pang sinapak ang sarili. Bakit nga ba siya sobrang naapektuhan ng mga nakikita at naririnig niya. Ano ba talaga para sa kaniya si Acacia? Why is he always upset whenever he sees her with him?

“Because you like her” Ani ng isang tinig na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Pagharap ni Deron sa pinanggalingan ng boses ay nagulat ito ng makita ang kapatid nitong si Dashwen. Sinundan pala siya nito. Nakapamulsa itong humakbang palapit sa kaniya. Mabuti na lamang at medyo may kaunting liwanang sa kinaroroonan nila na nagmumula sa buwan kaya naaaninaw pa rin nila ang Mukha ng isa't isa

“What?”

“You like Acacia kaya ka nagkaka-ganyan. You're jealous” seryosong sagot ni Dashwen sa kaniya

“No. I'm not” mabilis nitong pag-tanggi bago tinalikuran ang kapatid

“Yes you are. Dahil kung hindi, what are you always acting like a jealous boyfriend whenever you see her with him” Ani Dash na nakapag-patigil sa kaniya

Acacia's POV

Naghahanda na kami ngayon para sa pagbalik namin sa Maynila. Tapos na Ang 3 days at 2 nights camping namin dito sa Baguio. About naman doon sa games na nangyari noong gabing 'yon ay okay naman, although hindi ko na nagawa yung sa akin dahil nga umalis si Deron, pero sabi ni Sir Piolo ay magiging slave ko daw si Deron, iyon daw Kasi ang consequence ng mga nag-back out, ang maging alipin ng mga naka-bunot sa kanila. Pero wala naman akong balak na alipinin si Deron. Iniiwasan ko nga siya 'di ba?

Narito na kami ngayon sa mga buses namin. Nasa pinaka-likod na naman kami ni Asi dahil medyo na-late kami sa pag-sakay dahil nahilo ako kanina at medyo nagsuka rin.

“Parang gusto ko ng strawberry. Ibili mo naman ako Asi doon sa nadaanan natin”

“Sure. Anything you want” sagot nito saka bahagyang ngumiti

“Salamat. Yung medyo green pa ha para maasim pa. Naglalaway ako sa maasim e” kanina pa talaga ako naglalaway sa maasim. Noong dumaan nga kami kanina doon sa farm ng strawberries ay dumukwit ako ng ilang piraso na medyo green pa tapos kinain ko. Parang ang sarap sa feeling kapag nakakakain ako ng maasim. Hindi naman ako mahilig noon, siguro ay dala lang ng pagbubuntis ko.

Ng makaalis si Asi ay naisipan ko munang umidlip sandali. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan at ipinikit ang mga mata ko. Pinipilit kong matulog kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa maiingay na mah*harot kong kaklaseng babae. Maging sina Broccoli at Macarine ay nakikisabay din sa ingay nila. Tsk!

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko na hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Asi lang din 'yon. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya at nanatiling nakapikit. Humikab ako ng tatlong beses bago ako tuluyang nakatulog.

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now