Huling narinig ko bago ako tuluyang makapasok sa banyo.

Pagkatapos kong magsuka ng hangin-err may gano'n ba? E Wala naman kasing lumabas sa bibig ko e. Dumuwal lang ako ng dumuwal gad! Naghilamos ako ng mukha ko at nagmumog na rin.

Hinaplos ko ang flat ko pa ring tiyan “Napaka sensitive mo naman anak, bakit ayaw mo sa Amoy ng Jerk mong Daddy” pag-kausap ko rito “Mukhang hate mo rin siya ano? Tama 'yan baby,  Hindi natin kailangan ang Daddy mo. Mabuhay tayo ng masaya” Saad ko bago ko inayos ang pagkakatali ng buhok ko na medyo nagulo

Nag-stay pa ako ng ilang segundo sa loob ng banyo bago ako lumabas. Tinakpan ko na rin ng panyo ang ilong ko in-case na maamoy ko na naman ang amoy ni Deron, but to my surprise walang Deron akong naabutan. Lumabas siguro. Nagkibit balikat na lamang ako at itinuloy na lang ang paglilinis.

Maya-maya ay narinig ko na naman ang pag-unlock ng pintuan. Hindi na ako nag-abala pang lingunin dahil alam kong siya lang din 'yon.

“Ehem!”

Itinigil ko ang pag-aayos ng kama niya at taas kilay ko siyang hinarap. Saglit na kumunot ang noo ko ng mapansin kong iba na ang suot niyang damit.

“I will just take a bath. Linisin mo lahat bawat sulok, maliwanag?” Saad nito na tinanguan ko na lang. Mabuti naman at maliligo na siya.

Naglakad na siya patungong banyo, ngunit bago pa ito makapasok ay narinig ko pa itong bumulong

“Nakaka-ilang ligo na ako tangina!”

Kumunot ang noo ko. Ano kayang ibinulong ng jerk na 'yon. Hay bahala na nga siya.

Pagkatapos kong ayusin ang kama niya ay saglit akong umupo sa sofa dahil hindi na ako makahinga. Inalis ko ang panyong nakatakip sa ilong ko. Sakto rin ang pag-ring ng cellphone ko na nasa bulsa ko. Agad ko 'yong kinuha at tinignan ang tumatawag. Si Asi lang pala. Tumayo ako at lumapit sa pinto

I pressed the answer button bago ko itinapat sa tainga ko ang cellphone

“Hi myloves” bati ko sa kabilang linya sabay halakhak ng tawa. Gusto ko lang mang-asar hehe. Rinig ko naman ang pag 'tsk' niya

( “Where are you? Galing akong apartment mo pero wala ka doon” )

Sure akong nakakunot ang noo niyan

“Nasa trabaho ako. Dito sa hotel. Bakit may kailangan ka?”

( “Wala. I just want to know where you are” ) he said in a low tone. Napangiti naman ako

“Nagiging sweet ka na ah haha” puna ko. He 'tsked' again

( “Bakit? Ayaw mo?” )

“Hindi naman. Naninibago lang hehe”

( “Sige na at baka naiistorbo na kita. Take care and don't forget to eat and rest, okay?” ) he said. I smiled again. Napaka-sweet talaga ng lalaking 'to

“I will myloves. Bye bye I love–” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko

“Did I tell you to use your phone while cleaning, huh?”

Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa bulsa ko bago siya hinarap. Walang emosyon ang Mukha nitong nakatingin sa akin

Akala ko ba maliligo siya?

“Pwede akong gumamit ng cellphone” Irap kong sagot sa kaniya. Tumaas naman ang isang kilay niya

“And who told you that?” he frowned

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now