Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na muna akong dumaan sa library para manghiram ng libro. Meron kasi kaming quiz mamaya sa mathematics. I need to review for the sake of my grades. Hindi ako pwedeng bumagsak lalo na't 2 moths na lang at graduation na namin.


Saglit akong napatigil sa paglalakad ng matanaw ko ang gymnasium. Madadaan kasi ’yon bago makarating sa library. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang ang mga paa kong naglalakad na palapit sa gym.

Nasa entrance pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang malalakas na tawanan nila Dimitri. Ang aga pa nagpapractice na sila. Tuluyan akong pumasok at pumwesto sa medyo tago na lugar para hindi nila ako mapansin. It's been weeks na rin simula ng huling pumunta ako rito para manood ng practice nila. Dati, ako ang number one supportive fan nila. Kahit hindi ako makapasok sa klase basta makanuod lang ako ng practice nila ay kumpleto na ang araw ko. Aaminin kong head over heels talaga ako kay Deron. Kaya nga tumagal ng apat na taon-I mean almost five years na pala. Pero simula ng may mangyari sa amin noong gabing 'yon. Doon ko na-realized lahat. Na-realized ko na ang t*nga ko pala talaga para sayangin ang apat na taong sa lalaking wala namang pakialam sa akin.

“Mukhang seryoso na talaga si Aca sa pag-mo-move on niya sa'yo, bro” I heard Naru's voice kaya nabalik ako mula sa malalim na pag-iisip. Tumingin ako sa gawi nila. Deron's dribbling the ball with force pagkatapos ay marahas niya 'yong inihagis sa ring. It didn't shoot in

“Well, that's a good news then. Ang sakit kaya sa ulo kapag laging naka-buntot sa'yo ang babaeng 'yon” si Dimitri. Napairap na lang ako. Ayaw ko talaga sa kapatid niyang 'yan. Sarap ipalapa sa mga balyena or ipa-ch*pa sa mga bakla doon sa kanto namin para magtanda. Akala mo naman siya 'yung binu-buntotan ko noon kung makapag-react

“Stop talking about her and mentioning her name. It pisses me off” malamig na Saad ni Deron saka nito inihagis kung saan ang bolang hawak. Tumungo ito sa bench para kunin ang tumbler at bimpo nito

Hindi ko alam pero, bigla akong nakaramdam ng pagkairita ng mapatingin ako sa Mukha niya. It feels like, I don't wanna see his face.

Mabilis kong ibinaba ang mga mata ko sa aking tiyan. Hinaplos ko 'yon. Naglilihi na ba ako? Siya ba ang pinaglilihian ko? Pero bakit negative sign?

“Ayaw mo ba sa Daddy mo, baby? Bakit parang nairita ako bigla ng natitigan ko ang Mukha niya?” Pagkausap ko sa flat kong tiyan

“Daddy? Baby?” mabilis akong napaharap sa taong bigla na lang nagsalita sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Dashwen na magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa kamay kong nasa ibabaw pa rin ng aking tiyan

“What Daddy and baby are you talking about? And why are you rubbing your tummy like that?” curiosity was written all over his face. My eyes rolled at him

“Chismoso” I whispered under my breath. Tinaasan niya naman ako ng kilay

“What did you say?”

“Wala. Alis na ako!” sagot ko sabay irap sa kaniya. Ganito talaga ako makitungo sa kanila kahit noon pa. Maldita ako at hindi ako mabait. Sa close friends at kay Deron lang ako nakikitungo ng maayos

Akmang aalis na ako ng bigla siyang sumigawkaya napatigil ako

“BRO! SI ACA PINAPANUOD KA NG PALIHIM. GUSTO KA PA RIN YATA!”

Naningkit ang mga mata ko dahil sa isinigaw niya. Tumingin ako sa gawi nila Deron at lahat sila ay nakatingin na sa amin

“Epal! Hindi naman ako nanunuod. Kapal ng Mukha!” mataray kong saad kay Dash ng balingan ko siya. Tumaas naman ang sulok ng labi niya at base sa ekspresyon ng mukha niyang nakakairita kahit pogi ay nang-aasar ang gago

Ignoring The Father Of My BabyWhere stories live. Discover now