"Ikaw naman kasi kung ano ano pinaggagawa mo kay Alexa!"paninisi sa kanya ng CEO.

"HELLO? ano bang alam ko dito?"sagot naman nya at inirapan ito. Nakalimutan pa yatang secretary lamang sya dito.

"At dahil masipag kang employee, tutulungan mo akong e reset si Alexa!"

"No!"tanggi naman nya. Na ikinakunot ng noo ng CEO.

"I mean, wouldn't it be nice if Alexa has emotions? Para kahit naman papano sir, maituring natin syang kaibigan o kaya  pamilya. She's very sweet and kind. If you'll reset her, she'll not be the same Alexa we know."pakiusap pa nito. Bakas sa mga mata ni Portian na ikalulungkot nya talaga pag ipagpapatuloy pa nito anf pag reset kay Alexa.

"Fine!" Bilang pagsuko ng CEO.

"But first, we need to examine her data. Kung bakit nagka ganyan sya or kung baka may naghack sa system nya to make her like that. " Insist naman ng CEO. Iniisip ni Siri di na masama iyun.

"Alright!"masiglang sabi naman ni Siri. As she stretch her arms para ngang matulungan ang CEO.

"But first sir, just to get a background, paano o bakit merong Alexa?" tanong ni Siri. Gustuhin man sanang mainis ng CEO eh wala na itong magawa kailangan nyang mag explain lalo pa't para maintindihan ito ng secretary nya.


"Bago ko ikukuwento sayo yung history ni Alexa, tatanungin kita, sure ka na ba? Once mag kukwento na ako, you have to oath not to betray the organization, inlucding me. Even if it costs your life or your family."



Namilog ang mga mata ni Siri. She's thinking bakit naman ganoon na lamang ka higpit ito sa mga impormasyong ibibigay.

At dahil may dugong Marites itong si Siri, tumango sya. And  took an oath to serve and never betray the organization especially the CEO. 

"Ginusto mo ito."naging banta na lamang mg CEO. Sa isip kasi nya sino naman ang kanyang pag mamaritesan ng tungkol kay Alexa wala naman syang kaibigan at tinakbuhan nya pa pamilya nya. So tingin nya safe ang information ng CEO sa kanya.

"Many years ago,i was betrayed by my closest friend. College pa kami nun. Kasama kami sa pag gawa ng thesis sa programming. Dahil sa kanya hindi ako naka graduate. I was expelled in our school and even got a failing grade. At muntik ng makulong." Bakas sa mukha ng CEO yung gitgit at galit nito.

"Anong nangyari?"

" Because of illegal hacking ng student's information."

"Alexa, the girl inside Alexa's memory. Well it's very obvious i named her after Alexa, my first love."

Hindi na pigilan ni Siri na matawa na syang ikina inis ng CEO. Agad naman syang nag sorry.

" She's just so popular kaya hindi nya ako nakilala. I  just had this otaku vibes that time. Yung parang tingin sakin wierd at creepy. "

"Hanggang ngayon pa rin naman."puna ni Siri.

"Ikaw ha pag di ka pa tumigil dyan."banta ng CEO na syang ikinatahimik ni Siri and signed a zip lock in her mouth.

" Ako, bilang nag aaral sa pinaka mahal na university ng bansa ay kailangan kong magsumikap para matustusan ang aking mga hilig sa buhay. Tuition at allowances lang naman ang binibigay ng pamilya ko. So, nag side line ako. Gumawa ako ng grupo na kung tawagin ay "Stalking Stage" napaka jejemon pa ng pangalan." Puna nya sa sariling ka jejomonan nya. Nagpigil lang ng tawa si Siri baka kasi magalit muli ito sa kanya.


"Ito yung grupo kung saan kunwari may gusto ka sa isang babae o lalaki, anong information na gusto mo sa kanya ay ibibigay namin na para bang stalker. Nalalaman namin location ng studyante dahil may sarili akong gawang tracker."

The Secret Hacker CodeWhere stories live. Discover now