Chapter 10

9 1 0
                                        

"Oh my. Seriously?!" Sabi ni Jade at nagcollapse siya sa kama ko.

"Sinabi niya talaga yon?" Mahinahong tanong ni Jane. Bakit ba ang layo ng ugali nilang dalawa? Si Jade, madaldal at may pagka amazona while Jane is the opposite of Jade. Mahinhin siya at hindi din masyadong maimik.

"Oo nga." Sabi ko at humiga sa tabi ni Jade habang si Jane ay nakaupo lang sa paanan namin.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kasalukuyan kong kinukwento sa kanila yung nangyari sa hallway kanina which is yung pagkompronta sa akin ni Mia at biglang paglitaw ni Darius at sinabing boyfriend ko siya.

After he said those words, hinatak niya ako palayo doon at dinala ako sa kotse niya. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko kung bakit ako sumama sa kanya pabalik sa condo. Parang hindi ako naiilang sa kanya, yung parang matagal na kami magkakilala though hindi kami nag uusap sa loob ng kotse.

"Pero ang weird niya sapp. Bakit niya kailangan sabihin yun?" Sabi ni Jade.

"Ewan?" Kasi maski ako naguguluhan sa eksenang yun. Hindi naman nga kasi kami magkakilala nung Darius na yun. Co-incidence lang naman siguro yung pagsabay ko sa kanya sa kotse dahil late na ako at minalas na wala akong gas. Pati yung pagtambay ko sa garden dahil sa pagiwas ko kay Ardrich at bigla namang paglitaw ni Darius sa tabi ko, --at natulog. At nakatulog din ako nun.

"Aish!" Nagtakip ako ng unan sa mukha dahil naalala kong may pictures kami nung lalaking yun at kalat na kalat na sa buong seniors (except sa classmates ko dahil hindi sila pinalabas ng president namin) na boyfriend ko siya. Grrr! What's with that guy?

"So, anong plano mo?" Napabangon ako sa tanong ni Jane.

"Ewan, di ko alam." poker face kong sabi.

"HAHA your face! Fffft! Alam ko na!" Nagpipigil tawang sabi ni Jade.

"Shattap! Spill it."

"Hmm.." tumayo si Jade at naglakad ng pabalik balik sa harap namin habang nakahawak pa yung isang kamay sa baba niya na parang nag iisip.

"Sakyan mo na lang si Darius." Nakangiting sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tutal kalat na, might as well na sakyan mo na lang. Tutal iniiwasan mo si Drich diba?" Pagtutuloy niya. Nagulat ako sa huling sinabi niya. Teka! Panong?

"Huh?" Kunot noong tanong ko.

"It's obvious sapp." Napatingin ako kay Jane na biglang nagsalita.
"Halata namang iniiwasan mo siya. Tell us, bakit mo sya iniiwasan?" Seryoso niyang tanong.

Hindi agad ako nakasagot at pakiramdam ko namumula ako dahil sa pag init ng mga pisngi ko.

"Aminin mo.. gusto mo na din siya ano?!" Sa isang idlap nasa harapan ko na si Jade at magka face to face na kami. Narinig ko naman ang pag-sigh ni Jane sa tabi ko.

"Tss, fine!" Pag amin ko. E ano pa nga ba at mga kaibigan ko sila kung hindi ko sasabihin?

Kinuwento ko sa kanila yung weird na feeling na naramdaman ko nung nireject ako ni Drich although inaasar lang naman ako nung Kambal at yung naramdaman kong kirot sa puso nang malaman ko yung sa kanila ni Amber. Inamin ko din sa kanila na nafall na din ako kay Drich kaya umiiwas ako. Pati na din yung tungkol kay Darius, mula sa Kotse hanggang sa incident kanina.

Nung una seryoso pa sila na parang mga estudyanteng seryosong nag aaral. Pero nung nabanggit ko na yung kay Darius, eh para silang estudyanteng masayang masayang narinig ang bell na hudyat ng uwian.

The DareWhere stories live. Discover now