Chapter 2 - Oplan Ganti

68 7 1
                                    

Tumayo ako at naglakad palapit sakanya. Sya naman e halatang na-star struck sa GODDESS na nasa harap nya. Nakakatawa ung itsura nya.

"Mr. Rosales." Nilahad ko ung kamay nya para makipag-hand shake. Mejo matagal bago nya napansin ung kamay ko. "Ehem!"

"Oh I'm sorry." Then after nun ay nilahad na din nya ung kamay nya. Lumapit naman at nakipaghand shake din sya.

"Oh anak, I have to go. Just call me if you need anything ok?"

"Yes dad. Ingat po kayo." Then he hug and kiss me sa noo tapos lumabas na sya ng office ko.

Naglakad ako papunta sa upuan ko at sumunod sya. Umupo ako at umupo din sya kaya magkaharap kami.

"What do you need Mr. Rosales?"

"Kanina pa ako nagtataka. How'd you now my name?"

I smirked.

"Nakalimutan mo na talaga noh? Sabagay, many years have passed. Madami ng nagbago."

"What do you mean?"

"Malamang alam ko dahil business partner namin kayo. Ano ba kasing kailangan mo? You're wasting my time!"

"Pinapabisita sakin ng parents ko ung bagong ginagawang building na magiging kadugtong nitong building."

"Ahhh, okay! Come with me!" I have a bright idea. Since nasa loob ng isang kwarto ang mga sinusuot kapag pumupunta sa site, papasok kaming dalawa at kunwari aakatin ko sya at papahiyain. "We're here."

"What are we doing here? This is a room and not a site."

"I know but kailangan muna natin pumunta dito. Close the door Mr. Rosales." Mapang-akit ung salita ko. Dali-dali naman nyang sinara. Halatang nag-iinit sya. "Come closer." Lumapit sya dali-dali sakin na akala mo hayok na hayok. Natatawa ako sa loob loob ko dahil akala nya inaakit ko sya. Naglean ako sakanya na kunwari hahalikan pero ang totoo inaabot ko ung isusuot namin na cap dahil nga pupunta site. Hinawakan nya ako bigla sa bewang kaya napalapit ako sakanya. "Tsk. Tsk. Tsk. Your aggressive Mr. Rosales." Humiwalay ako sakanya. "Do you really think that I'm gonna kiss you?" Tumawa ako ng mahina, ung pang-asar at tinaas ko ung cap. "I'm leaning because of this. Inaabot ko."

"Bakit mo pinapasara ung pinto?"

"Alam mo naman cguron magbasa? Basahin mo ung sign dun sa labas ng pinto." At lumabas nga ang assuming at binasa. "See?" Sabay tawa ko at hinagis ko sakanya ung cap tapos umalis na kami dahil pupunta nga kami ng site.

Habang naglalakad ako kinakausap nya ako, tanong sya ng tanong. Ako naman sumasagot lang pero hindi ako nagtatanong sakanya. I'm not interested anymore.

"We're here." Sabi ko nung pagdating namin.

Naglakad na kami at nag-ikot ikot sa site. Kasama namin ung isang engineer para mapaliwanag samin. Makalat, maalikabok, madumi at mabato. At dahil dun natapilok ako, naka-heels pa man din ako.

"Aaaahhh!!!" Natapilok ako, naka-heels kasi ako. Kaso hindi ko inaasahan ung sumunod na nangyari. Sinalo nya ako. Nasa likod ko kasi sya.

*dugdug dugdug*

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari dito? Yung position kasi namin e ung parang mga pinapanood sa tv. Nagkatitigan lang kami. Parehas kaming gulat.

"Ma'am?! Ok lang po ba kayo?" Si engineer napansin na kami.

Tumayo slash tinayo na nya ako at inayos ko ung sarili ko.

"Yes engineer! Naka-heels kasi ako. Wala kasing nagsasabi na may dadalaw at magpapatour sa site." Pagpaparinig ko kay Max.

"Ok fine. I'm sorry." Tsaka ulit sya naglakad. Iniwan ba naman ako?! Walang kwenta talaga. Buti na lang si engineer andito umaalalay. Syempre subukan nyang wag akong alalayan, bukas na bukas wala syang trabaho. JOKE! ^_^v

"Ikaw na lang Mr. Rosales ang magtour. I'm going to my office now. Baka kailangan na ako dun.

"Ok." Yun lang sagot nya. Asar talo. Hahaha.

Umalis na ako sa site at bumalik sa nasa building kung nasaan ang office ko. Tama lang na bumalik ako dahil may mga papapirmahan ung secretary ko sakin. Syempre bago ko pinirmahan e binasa ko muna. About sa mga contract lang naman kaya pagtapos ko basahin e pinirmahan ko na.

At ngayon wala na akong magawa. Andito lang ako sa office, naka-upo. Wala pa naman kasi akong gagawin talaga ngayon. Eh ano naman gagawin ko ngayon? Hmmmmmmmmmmm...

"Alam ko na! Ngayong nagkita na kami ulit, paplanuhin ko na kung paano ko sya gagantahin. Wahahahahaha!" Bigla akong napahawak sa bibig ko. "Ooopppsss! Nagmukha akong witch naman dun. Hahaha. Well, muka akong baliw dahil kinakausap ko sarili ko." Binuksan ko na lang ung laptop ko at dun tinype ung mga pinaplano ko.

"Oplan Ganti!

Syempre una kong gagawin e papa-inlove in ko sya sakin. Papaasahin ko. Magiging mabait ako sakanya, icloclose ko, basta paplastikin ko sya. At kapag inlove na sya sakin, dun ko sya sasaktan. Doon ako gaganti. Sabi nga ni Amor sa Pangako Sa'yo, 'Matitikman nyo ang batas ng isang api'. Oo, gaganti talaga ako sakanya. Papahiyain, papaasahin at sasaktan ko din sya. He deserves that. He doesn't know me naman kaya hindi nya alam na gagantihan ko sya. Ako ng bahala kung paano ko sya uunti-untiin. Tuwing magkikita kami, lagi akong may ganti. Kahit simpleng ganti lang. At syempre sa una lang simple pero pagtagal malala na.

GOOD LUCK MISTER MAX JASPER ROSALES!!!"

*************************

Ohmyyyyy, puno na ng galit si Jessica. Talagang plano na nyang gumantin. :|

Abangan na lang sa mga susunod na UD kung ano nga ba kakalabasan ng paghihiganti ng ating GODDESS. :)

Vote, comment& share lang if nagustuhan nyo. :))

Kapag ako naging chix, Who you ka sakin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon