Panimula

18 2 1
                                    

UNANG PAGKIKITA

"Pumasa ako!" Masayang sigaw ni Tasia.

Simula pa lang nung elementary ako, si Tasia lang ang tanging kaibigan na sumuporta sa akin at hindi ako iniwan. Hanggang sa mag high-school kami ay lagi kaming magkasama, hanggang ngayon na magk-kolehiyo na kami ay gusto naming magkasama pa rin kami.

"Talaga?! Ang akin, tinignan mo ba?" Kinakabahan kong tanong.

Tumingin siya sa akin habang nakasimangot. Parang alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Ayos lang yan, mag e-enroll nalang ako sa ibang school. Marami pa namang ibang Universities jan na pwedeng pasukan."  Bigla akong nanghina at nadismaya sa sarili ko.

Lumapit si Tasia sa akin at niyakap ako.

"Paano ba yan, sabay tayong magc-college?" Tanong niya na ikinataka ko naman.

"Huh? Anong sabay eh di ako nakapasa diba?" Nagtataka kong tanong.

"Paano ba yan, eh nakapasa ka"

Nang tinignan ko siya ay unti unti siyang ngumiti nang malawak.

"Talaga?! Binibiro mo nanaman ako eh" Napangiti ako.

"Totoo nga! Eto oh" Pinakita niya sa akin ang papel.

"Nakapasa ako! Sabay tayong magc-college!"

Tumatalon talon kami na parang bata habang nakataas ang kamay namin sa ere na para bang nanalo kami sa lotto. Niyakap ko siya.

"Teka naman Rie! Hindi ako makahinga, papatayin mo ba ako?"

"Sorry naman, sobrang saya ko lang talaga para sa atin. Dahil jan, ililibre mo ako" Ngingiti ngiti kong saad.

"Ano ba yan, akala ko pa naman ako yung ililibre mo. Sige na nga, wear our matchy dress ha" Halatang excited talaga siya sa araw na 'to. Ilang araw din kasi namin 'tong hinintay.

"Oo na!" Sigaw ko pabalik.

Umuwi ako ng bahay. As usual, wala nanaman dito si Mama. Ang daddy ko kasi ay may ibang pamilya na, naghiwalay sila noong limang taong gulang pa lang ako.

Pagkapasok ko ng kwarto ko na puno ng larawan ni Jake ay humiga agad ako sa kama ko.

"Totoo ba ito? Baka naman ay nananaginip lang ako" Hindi pa rin ako makapaniwala.

Biglang may narinig ako sa labas.

"Ano ba iyon? Matignan nga"
Pagtataka ko.

Pagkabukas ko ng gate ay may nakita akong lalaki. Sa harap mismo ng gate namin at parang may inaantay na lumabas.

Matangkad siya. Naka sweater ito na kulay puti at itim ang pants na suot niya. Hindi ko nga lang makita masyado ang mukha niya. Malabo.

"Hi, para sa'yo oh"
Binigay niya sa akin ang bulaklak na dala niya.

"H-huh?"
Gulat na sagot ko sa kaniya.

Tulala pa rin ako. Sino 'tong lalaking 'to? Wala akong matandaan na may kilala pala akong ganito ka guwapong lalake? Hoi kimmy.

Patuloy lang  ako sa pagtitig sa kaniya at iniisip kung sino itong lalaking nasa harapan ko nang nararamdaman ko na parang may tumatapik sa akin.

"VALERIE! GUMISING KA NA AT AALIS NA TAYO"

Bigla akong nagising dahil sa sigaw na narinig ko. Nakaidlip pala ako.

Pero, sino yung lalaki sa panaginip ko? Bakit lagi ko nalang siyang nakikita sa panaginip ko? Noong nakaraan lang ay parang siya rin yung napanaginipan ko ah.

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon