chapter 9

23 1 0
                                    

note:honestly nag cricringe ako rito nung binasa ko ulit HAHAHAHA😫, sorry nasira yung phone na ginagamit ko kaya now lang nakapag update

part 9

ilang buwan na pinag iisipan ng dalawang dyos ang sinabi ni athena sa kanila, dapat ba nila sundin ang puso nila? o dapat manguna ang isip?

.

..

….

Felip pov

nag padala ako ng message gamit yung kapangyarihan ko kay Agustin, ang sabi ko ay-

Agustin pov

nakatulala lamang ako at nag iisip isip nang may pumasok bigla sa isip ko at my tila papel na gawa sa hangin ang nasa harapan ko, hinawakan ko ito at kusang bumukas may mga letra ang lumabas at umayos ang mga salita sa hangin

"tin ako ito si felip nais sana kitang makita mamayang gabe pagsapit ng 11pm sa orasan ng mortal, nais kitang makita sa likod ng aking tahanan sa hardin may malaking puno doon at tanaw ang buwan may bahay akong ginawa sa puno nais ko sana na ito'y iyong makita

-Felip" *Chuckles*

"May pag ka magulo tong si ken ha" natatawang sambit ko pag katapos ko basahin ay tila  tinangay na sila ng hangin

11pm

felip/ken pov

Nag aayos ako ng mga pagkain dahil nais kong ipatikim sa kanya to, sa buong buhay ko ngayon lamang ako hindi na boring sa pag aaral kung paano mag luto syempre ang aking guro dito ay si stell sino pa nga ba hindi ba?, sabi naman nya ay maayos na at halos ma peperfect ko na to kunting practice nalang kaya heto ako, gusto kong matikman man lang ni agustin ang mga niluto ko, para kung hindi ako yung gusto nya gagayumahin ko na lamang sya joke HAHAHAHA

"napaka dami namang pag kain Felip.." napatayo ako sa pag kakaupo ng may mag salita sa gilid ko, si Tin

"ah ano kase, ano ah- *lumunok* n-nag luto ako tin gusto ko sana na tikman mo kung okay lang naman…"

"Oo naman okay lang, kay ganda dito sa lugar mo Felip" syempre pinili ko talaga yung kasing ganda mo na part ng bahay ko

"hmm gusto mong mag umpisa nang kumain?"

"sige *umupo sa tabi ni Felip* Felip, ito ba yung mga pagkain ng mortal dito?" *umupo sa tabi ni Tin*

"oo diba't ka mangha mangha sapagkat sating mundo puro prutas lamang ang ating kinakain *chuckles*"

Agustin pov

Nag ayos na ako ng sarili habang pinapanood sa mahika ko kung paano mag handa ng mga pagkain si Felip nang matapos na sya mag ayos ay doon na ako lumitaw sa tabi nya

…..

"Felip?" hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin, hinahayaan ko na lamang na mag salita ang bibig ko, 

"hmm?"

"mahal mo ren ba ako?" pabulong na saad ko, "Ha?"

"w-wala ang ano ang sarap ng mga pagkain Felip sino ang nag luto nito?"

"syempre ako!"

"kamangha mangha dyos ng buwan natuto kang mag luto"

"syempre *chuckles*"

Lumipas ang oras ay nasa taas na kame ng puno may parang maliit na bahay rito, ang tawag raw rito ay 'treehouse' kay ganda, naka upo kame, magkatabi nagpa-pakiramdaman habang nakatingin sa kaharian nya, hindi ko alam pero pero may mainit akong kamay na naramdaman sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa gilid ko, nilingon ko ito-

Si felip, hawak nya ang kamay ko, bakit- bakit ba ako kinakabahan? Bakit nag bibigay ka ng motibo? Gusto ko rin ba ako felip? Huh? O sadyang ginagantihan mo lang ako sa lahat ng bagay na nagawa ki sayo

"ayoko munang bumalik sa kaharian ko" mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko

"ayokong bumalik na hindi ko nasasabi ang mga bagay na gusto kong sabihin sayo Tin" bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang mag tagpo ang mata naming dalawa, hindi ako makaiwas tila may sinasabi ang mga mata nya na hindi- hindi ko mawari

"Tin mahal kita- hindi ko alam kung masyado bang mabilis to para sayo, dahil dati lamang ay nag bibintangan tayong dalawa pero naramdaman ko ito, naiintindihan ko kung hindi ako yung gusto mo, kung si athena parin. Wag kang mag alala hindi ko naman agad hinihingi ang sagot mo, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako-"

Felip pov

Eto na eto na ang pagkakataon para masabi ko tong nararamdaman ko, pero eto nga ba?

"Tin mahal kita- hindi ko alam kung masyado bang mabilis to para sayo, dahil dati lamang ay nag bibintangan tayong dalawa pero naramdaman ko ito, naiintindihan ko kung hindi ako yung gusto mo, kung si athena parin. Wag kang mag alala hindi ko naman agad hinihingi ang sagot mo, hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako-" napatigil ako at pinikit ang mata ko, nang maramdaman kong nag dikit ang labi naming dalawa, panaginip ba ito? Kung panaginip man to ay wag nyo na muli akong gigisingin, pakiusap.

Nang maramdaman ko na hihiwalay na sya hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinawakan ang likod ng ulo nya upang mas lalong lumalim ang halikan naming dalawa-

Ilang minuto ang lumipas parehas na kaming bumitaw dahil nawawalan naren kame ng hininga, napangiti lamang ako nung nakita ko syang nakangiti pag katapos ng nangyari, 

"ang dami mong satsat ni hindi mo muna tinanong kung mahal ren ba kita" natatawang sabi nya at muling lumapit sakin,

"katulad ng ginagawa ng mga mortal, Tin maari ba kitang ligawan?"

"ligawan? Hinalikan na nga kita *chuckles* gusto mo bang mas higit pa doon ang mangyari? Upang malaman mo na sayo na ako? At akin kalang huh?" saan nya ba natutunan ang mga salita na yan- ramdam kong muli nya akong hinalikan ngunit mabilisan na lamang "Akin kalang naiintindihan mo?" "opo" boom tiklop HAHAHA😭

"Edi naging kayo wat dapak nakakastress kayo hindi nyo ba alam yun" sabay kaming napatingin sa boses babaeng nag salita si ashly HAHAHA "pano bayan nakaamin na ako, ikaw ly kailan mo balak umamin?" natatawang tanong ko, at tumingin sa katabi ko pero nag iba yung pinta ng mukha nya, tila may gustong sabihin at malaman

"sa susunod sa susunod kwento naman naming dalawa ang ibibida ko sa inyo no, sulitin nyo ang mga araw na ito, dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala hmm?"

"yes po ma ikakasal po kame ni tin-" at ayun nabatukan nanaman ako "masyado kang mabilis kasal agad-"

"ikaw tong nanghahalik wala naman tayo sa harapan ng reyn- aray! Ako'y nag bibiro lamang Mahal!"

"wow may callsign sge away well bye *naglaho*"

"mahal?" takang tanong nya

"hindi mo alam yun?-"

"alam ko, pero bakit kailangan paba ng tawagan pwede namang Felip at Tin na lamang"

"nasa sayo parin naman yun gusto ko lang malaman ng mundo ng mortal at mundo natin na akin kana"

"okay"

"huh anong 'okay'?"

"Dito ako matutulog mahal! Sapagkat ako'y mapapagalitan lamang ni Ate hong kung ako'y babalik pa saatin" huh? Did he just- tinawag nya akong mahal?! So pumapayag sya?
_______

Agustin pov

Mahimbing ang tulog ko ngayon, well lagi naman pero ngayon katabi ko ang dyos na mahal ko- *smile* pwede pala pwede pala akong makaramdam muli ng pag mamahal, pwede pala akong mag mahal muli….

End

(Author: HAHAHA joke lang naniwala naman kayo, anong ending agad isa pang chapter!)

The God of Death and MoonWhere stories live. Discover now