Chapter 6

18 0 0
                                    

||||||

-agustin point of view-
"tama na, tila my hindi magandang nangyayari sa dyos ng kalikasan" saad ng reyna na kakalabas lang ngayon sa silid,
"paano nangyari iyon? hindi ba't nawawala ang dyos ng Kalikasan? ang anak ng Dyos ng himig sa isang mortal?" naguguluhan tanong ng isa nilang kasamahan,
"nandito na sya, sa mundo natin, at nanganganib, sila, kailangan nila ng tulong mula saatin," saad muli ng reyna, at lahat sila ay nakaramdam ng pag bago sa kalikasan, bumabagsak lahat ng dahon sa mga puno "mag didilim na kailangan na muli natin silang hanapin!" sigaw ng reyna, si agustin ay hindi alam ang gagawin, hindi pwedeng iwan nya lamang sa isang silid ang katawan ng kanyang kapatid,

"Agustin, mauna kana balitaan mo nalamang ako, susunod ako pangako" saad ni felipe at pumasok sa silid ng kapatid ni agustin, pag labas ay dala dala ang katawan ng kanyang kapatid "Felipe! saan mo dadalhin ang aking kapatid?!"
"sa buwan, sa kaharian ko, ligtas sya doon kasama ni kuya" agad nawala si felipe hindi pa nakakapagsalita muli si agustin

"Agustin ihanda mo na ang iyong sarili, susugod tayo" natauhan si agustin sa sinabe ng isang dyosa at agad pumasok sa kanyang silid upang kuhain ang kanyang mga sandata, bukod sa kapangyarihan, lumabas na sya muli at doon sya sinalubong ng dyosa ng kapayapaan at katahimikan, "mas malakas sana tayo kung naririto pa si athena" saad ni agustin, tama sya mas malakas ang dalawa kung nanjaan ang dyosa ng kagandahan, laging magkasama ang tatlo kapayapaan, katahimikan, kagandahan, kaya't maganda ang takbo ng kanilang mundo, nag bago ang lahat ng mawala parang bula si athena at nakita ang kanyang katawan sa kanyang silid mismo.

"Hindi ngayon ang oras para pag usapan iyan" saad ni ja, dyosa ng kapayapaan, ngumiti lamang si Agustin dahil alam niyang basang basa na sya ng dalawa, sumunod na ang tatlo,

nakarating sila sa itim na tila kaharian, kay laki,  nakipag laban pa sila sa mga bantay upang makapasok, "kailangang may tao sa likod, agustin, Kayong dalawa ni Felipe sa likod ng kahariang ito ang papasok, isama nyo ang ibang kawal" tumango lamang ang dalawang dyos at sumunod na, "hindi ako tumatangap ng utos pero para kay Kuya to" bulong ni felipe ngunit rinig ni Agustin, oo nga pala parehas silang puro gusto nila ang nasusunod, parehas isa ang kapatid, at nasa kasamaan pa.

"si stell" bulong ni Agustin pinahinto muna nya ang mga kawal, sumilip ng kunti upang tignan mabuti "ang sandata na ninakaw kay haliya" sa salitang lumabas sa bibig ng dyos ay mas malala pa ang nararamdaman ni agustin ngayon, tila gustong sumabog ng dyos ng buwan sa galit  at saktong bilog ang buwan kaya't makapangyarihan sya subra pa sa normal, paminsan minsan ang kapatid nya lang ang nakakacontroll sa kanya ngunit ngayon- wala ang kapatid nya, hindi nya alam ang kaya nyang gawin ng marinig ang sinabi ng dyosa  ay napahinto sila

"baka nahihinaan ka sa sandata ko, ipapakilala ko sya sa iyo, ito ang sandatang ipinang patay ko sa tatay mo, sandatang nakakapatay ng dyos, dahil hindi naman tumatalab saatin ang normal na ganto, ninakaw ko lang kay haliya to eh, at saksi ang kaharian nila, ayun ang buwan kung paano ko muli gagamitin ang sandatang ito upang pumaslang ng katulad mo! HAHAHAHA" Hindi, tumingin muli si agustin sa sandata, tama kaya pala galit na ang dyos ng buwan, "sumugod na tayo" saad ni felipe at nauna pang mag lakad patungo sa dyosa, agad naman sumenyas si Agustin sa mga kawal na sumugod na, sumunod sila kay Felipe

"dyosa kay tagal narin mula ng huli tayong magkita" tila hindi alam ng dyosa ang kanyang gagawin ng maramdaman ang enerhiya, galit, galit ng dyos ng buwan, at ng kamatayan,
humarap ang dyosa at ngumiti ng makitang mag kasama ang noo'y nag bibintangang dyos

"Tila nag kakasundo ang dalawang dyos? HAHAHA nakalimutan mo na ba agustin? sya ang pumatay kay athena!" lalong nagalit ang dyos ng kamatayan, ng sinusubukan syang linlangin ng isang dyosa, kita nila ang pag saksak ng normal na sandata sa dyos ng kalikasan, si stell, bumagsak ito, hindi malabo, puno ng pasa ang mukha, ang katawan,

The God of Death and MoonWhere stories live. Discover now