Naiintindihan ko naman totoo man o hindi. What I didn't want to happen was for me to resent him, or for me even to feel a little bit of hatred towards him.


Ayaw kong madungisan iyong alaala ng Isaiah na iniwan ko noon. Ayaw ko makalimutan iyong Isaiah na nagparamdam sa akin na maganda pa rin ang mundo, na may magmamahal pa rin sa akin, at higit sa lahat, iyong Isaiah na dahilan kung bakit meron akong Vien. Umaasa ako na nandito pa rin siya kahit pa alam kong ibang Isaiah na ngayon ang kaharap ko.


I reached for his cheek and caressed it. I still wanted him despite everything, but I was done being selfish. Iba na rin kami kaysa noon. Sobrang layo na ng agwat namin sa isa't isa at tanggap ko na iyon.


Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "Vi, sorry." Nabasag na ang boses niya. "Sorry na..."


"Mag-uusap na ba tayo?"


"A-ayoko." Pumiyok siya. Kahit madilim ay alam ko na puno ngayon ng sakit ang mga mata niya. "Ayoko makipag-usap kasi baka sabihin mo na naman tapos na tayo."


"Sige kung ayaw mong makipag-usap. Iba na lang ang gagawin natin."


Suminghot siya bago nagsalita ulit, "Anong gagawin?"


Hinila ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya. Pinadausdos ko iyon pababa sa laylayan ng suot niyang t-shirt. Napahingal siya nang maramdaman ang aking palad sa kanyang katawan.


Umungol siya, "Vi, hindi pa tayo bati, e."


"Ayaw mo ba?"


"'Di naman sa ganoon."


Ngayong gabi ay nasa kuwarto ko si Isaiah, ngayong gabi kami lang dalawa, at kahit ngayong gabi lang sana, gusto kong pagbigyan ang aking sarili na makasama siya. Ngayon lang. Pangako, ngayon lang talaga.


Hindi ko binigyan si Isaiah ng pagkakataon na mag-isip pa. Nang makapa ko ang garter ng shorts niya ay ipinasok ko roon ang aking mga daliri. Kasama ang briefs niya ay hinila ko iyon pababa. Napadaing siya dahil sumabit sa garter ang naninigas na bagay sa ibaba ng puson niya.


Napasandal siya sa pader ng kuwarto at napahawak sa ulo ko. "Vi, ah shit..." hirap na sambit niya. Para siyang mauubusan ng paghinga.


Tumayo lang ako nang hinang-hina na si Isaiah. Hindi pa ako tuluyang nakakaayos sa pagtayo nang higitin niya ako sa bewang. Pinunasan niya ng laylayan ng kanyang suot na t-shirt ang aking mga labi pagkuwan ay walang habas na siniil niya ako ng halik.


Mainit, malalim, sabik na sabik. Ganito rin ang halik niya noon sa akin nang galawin niya ako sa kuwarto niya. Pero gusto ko nang kalimutan iyon, ang gusto kong maalala ay ang ngayon. Gusto kong matabunan iyong alaala na iyon, at pagkatapos ang alaala na lang na ito ang babaunin ko.


I would savor this night, but I would never forget about the reality. Hindi ko kakalimutan ang malayong agwat namin sa isa't isa. At tuloy pa rin ako pagtatayo sa aking sarili kahit hindi na siya kasama. Pero ngayong gabi, hahayaan ko muna ang mga damdamin namin ang siyang mangibabaw. 

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now