Chapter 35

58.1K 3.1K 2.3K
                                    

NORMAL DELIVERY.


Iyak ako nang iyak nang makita ko na ang aking anak. Lahat ng paghihirap ko ay naglaho lahat nang ihiga na sa aking tabi ang sanggol. Isang malusog na baby boy.


Pabalandrang bumukas ang pinto ng ward. Kasabay ko napalingon doon ang aking ibang kasamang pasyente. Napatanga ako nang makita si Isaiah. Magulo pa ang buhok niya halatang kababangon lang. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang sanggol na karga-karga ko.


Nginitian ko siya at kinawayan. "Kanina ka pa niya hinahanap, daddy..."


"Boo..." garalgal ang boses niya nang makalapit. Ang mga mata niya na nanlalaki ay ngayo'y naiiyak na habang nakatingin kay baby. "Boo, 'yan na ba ang baby natin? 'Yan na ba?"


Nakangiti na tumango ako. "Sorry, hindi ka namin nahintay pa na magising. Ipinangalan ko na sa kanya ang pangalan na pinag-usapan natin."


Kinuha niya sa akin si baby at tumutulo ang luha na kinarga ito. "Vien Kernell del Valle..."


Vien ay kinuha ko sa pangalan ni Kuya Vien at ang Kernell ay 'colonel' talaga dapat, na ang pronounciation ay kernel, iyon ang first name ng aso namin ni Kuya Vien sa Buenavista na si Colonel General. 


Katulad ni Kuya Vien ay wala na rin si General. Noong umalis kasi sina Daddy papuntang Australia ay ibinenta pala nito ang aso sa mga lasenggo sa amin para pulutanin. Nang malaman ko iyon ay ilang gabi akong umiyak. Doon kami nakaisip ni Isaiah ng pangalan para sa baby namin.


Pinunasan ko ang mga luha ni Isaiah. "Oo, boo, siya si Baby Vien Kernell. Ang baby natin..."


Hindi pa rin tumitigil sa pagluha si Isaiah. "Boo, salamat. Salamat..." tangis niya na balewala kahit ang ibang mga pasyente sa ward ay pinagtitinginan siya.


Pero sino ba ang may pakialam? Wala na rin akong pakialam sa iba. Lumuluha na rin ako habang nakatingin sa aking mag-ama, dahil nakakatiyak ako, ito ang pinakamasayang tagpo sa buhay ko.



NAKARAOS. Nakauwi na kami matapos bayaran ang bill sa ospital. Kahit normal delivery ay umabot ang bayarin ng twenty thousand pesos dahil private hospital. Nine hundred pesos naman ang per day sa ward. Sina Mama Anya at Papa Gideon ang nagbayad.


May naipon kami ni Isaiah na anim na libo, pero hindi kami pinag-ambag ng mga magulang. Nagamit naman namin ang pera sa pagbili ng dagdag na pangangailangan ni Baby Vien.


Kalagitnaan ng gabi nang umiyak ang mag-iisang buwan na sanggol. Antok na antok pa ako at gusto ko pa sanang matulog pero kailangang asikasuhin si Baby Vien. 


Pupungas-punga ako na bumangon para lang makita na karga-karga na pala ni Isaiah si Baby Vien. Pikit pa ang isang mata ni Isaiah sa antok habang hinehele niya ang anak namin.


Malambing na kinakausap niya ito, "Shhh, tahan na, baby. Magigising si mommy mo, pagod 'yan sa pag-aalaga sa 'yo sa maghapon..."

South Boys #3: Serial CharmerWhere stories live. Discover now