ilang minuto pa ay naka-recieve ng message si Reign na malapit na si Zavy sa restaurant na sinasabi nila, at ganun din si Roseanne nakatanggap rin siya ng message galing kay Yvonne na mag-papark na rin sila

on the other hand...

nai-park na ni Yvonne ang kotse nila pero hindi pa sila lumalabas gawa ng nag-retouch na muna siya para walang masabi sakanya si Roseanne

"grabe naman sa retouch bhe" natatawang asar ni Maxine sakanya

"siyempre noh, ayokong magmukhang panget sa paningin ni Chae"

"ewan ko sayo Yvonne, bakit kasi ayaw mo nalang aminin yung feelings mo sakanya, malay mo naman diba"

sinarado ni Yvonne ang foundation na hawak niya at nilingon si Maxine "sana kasi madali mag-confess noh? kung ikaw nga nahirapan bago umamin kay Zavy kahit obvious na gusto niyo ang isa't-isa...ako pa kaya na never nagpakita ng motibo sa kaibigan mo"

biglang iwas ng tingin ni Maxine nang marinig ang pangalan ni Zavy. bigla niya itong na-miss

napansin naman ni Yvonne ang ang pagbuntong hinga niya "speaking of? bakit hindi ko na pala kayo napapansin na magkasama ni Pres?" wala siyang alam tungkol sa away ng dalawa

"busy siya"

"kung sabagay, President ba naman siya sa campus"

"bilisan mo nanga lang diyan, baka ma-inip na yung mga yon" ayaw ni Maxine ng pag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Zavy, kaya hanggat kaya niyang mag-dahilan para maka-iwas magdadahilan siya o kaya gagawa ng way

habang busy sila sa loob ng sasakyan na mag-retouch, hindi nila napansin ang kaka-park lang din na sasakyan sa bandang gilid nila, kotse ito ni Zavy na dali-daling bumaba at lumapit sa sasakyan nila

nagulat naman si Yvonne nang makita si Zavy na palapit sa kanila "uy bhe, jowa mo" sabay turo sa may bintana

kaagad naman na nilingon ni Maxine ang tinuturo ni Yvonne at nakita na nasa tapat na si Zavy na bakas ang galit sa mukha, nagdadalawang isip siya ngayon kung lalabasin niya ba ito dahil sa malamang nakita nito ang ginawa niya kay Yvonne, at na misunderstood niya yon

"baba ka na bhe, ayoko ng issue" walang ka-alam alam si Yvonne na issue na kay Zavy yung nakita niya

sunod-sunod naman ang ginawang paghinga ni Maxine bago niya buksan ang pinto ng sasakyan, at paglabas na paglabas palang niya nakatanggap na siya ng mura at kung ano-anong salita galing kay Zavy

nalingat naman si Christopher sa parking lot kung nasan ang tatlo ngayon, at napansin niyang nagtatalo ang mga ito kaya dali-dali niyang sinipa si Reign sa ilalim ng table

umangat naman ng tingin si Reign sakanya "bakit?"

napalakas ang sabi ni Reign kaya nilingon ni Christopher kung narinig ba siya ng dalawa, at nang makita niyang busy ang mga ito sa phone kaagad niyang tinuro kay Reign kung nasan ang tatlo

nanlaki naman ang mata ni Reign nang makita ang tatlo na nagtatalo sa labas "uhm....g-guys sandali lang ha? mag-ccr lang ako" hindi niya na hinintay ang sagot nila at dali-daling umalis

"ah wait ako rin, tawagan ko lang saglit si Mommy" paalam naman ni Christopher at kaagad na sumunod kay Reign

nag tinginan naman si Dale at Roseanne, naweirdohan sila sa kinikilos ng dalawa, pero hinayaan nalang nila ito at nagpatuloy sa mga ginagawa nila

sakto naman ang pagdating nila Reign at Christopher, dahil balak na sanang sumakay ni Zavy sa sasakyan niya. bakas parin sa mukha niya ang galit at halata rin ang pamamaga ng mata nito

"what happen Max?" tanong ni Reign sa pinsan, at kaagad itong niyakap ng mapansing umiiyak ito

"s-she misunderstood everything" nasabi nalang ni Maxine habang humihikbi

"e bakit ka umiiyak? dapat nag-explain ka"

"sinubukan kong mag-explain, pero sarado yung utak niya"

kaagad naman na tumakbo si Christopher para pigilan si Zavy na umalis "Zavy makinig ka naman muna kay Maxine" paki-usap niya sa kaibigan habang sinusubukan na harangin ang sasakyan nito

pero mukhang sarado talaga ang isip ni Zavy ngayon at pinaandar parin ang sasakyan kahit na alam niyang pwedeng makaladkad si Christopher sa ginawa niya, mabuti nalang at kaagad ito nakabitaw bago pa man niya mapaandar ang sasakyan

napahagod nalang ng buhok si Christopher sa ginawa ni Zavy, saka nilingon sila Maxine, yakap parin ito ni Reign habang humahagugol ng iyak "tara sa loob" aya niya sa tatlo at kaagad naman na sumunod ang mga ito

samantalang pagkarating ni Zavy sa bahay nila ay dali-dali siyang pumasok sa loob, at dumeretso sa kwarto nang hindi man lang binabati si Nanny Tes at ang Mommy niya

"anong nangyari don?" tanong ni Ms.Nam kay Nanny Tes

"hindi ko po alam ma'am, pagpasok niya nagpupunas ng mukha, parang umiiyak"

nag-aalala man sila ngayon ay alam nilang wala silang ibang magagawa kung hindi ang hintayin na si Zavy mismo ang lalapit at mag-sasabi sakanila ng problema niya, dahil alam nila na ayaw nito nang pipilitin siya na magsabi ng dahilan

"paki dalhan nalang siya ng pagkain sa kwarto Nay" paki-usap na utos ni Ms.Nam bago pumasok ng study room

Give Me your FOREVER | BECKFREEN Where stories live. Discover now