CHAPTER VI

516 14 7
                                    

“Fetch me here!” Hindi pa man nakakapagsalita si Damon ay agad ko nang ibinaba ang tawag.

Gusto ko ng umuwi.

This school is just getting into my nerves. Baka hindi ko matansya ang mga estudyante dito at ipasunog ko sila kasama ang University na ’to.

This is not what I expected. Hindi ito ang klase ng first day of school na gusto ko!

Marahas kong hinablot ang bag sa tabi ko at tumayo. Nagsilingunan naman sa gawi ko ang iilang stupidyante na naiwan dito.

We are just 21 in this class, but I guess after the incident a while ago ay 20 nalang kami dito. I'm sure, the bitch will live longer in the hospital after that ‘thing’; if she can be able to survive.

Isang hakbang nalang ay palabas na ako nang may malaking bulto ng katawan ang humarang sa daraanan ko. “Sorry I'm late.”

My left eye brow raised as I heard a familiar cold baritone voice. Ang bilis n'ya naman ata?

“Ang bil—” my sentence cut as I lifted my head and face Damon. Ang pagtataka na nasa mukha ko ay napalitan ng pagkalito nang mapansin ang suot nito.

He’s not in his uniform as my bodyguard. Nakaitim na long sleeves polo ito na nakatupi hanggang siko at black fitted slack. Hot!

Mataray ko itong tiningnan. “Ano na namang klase ng trip ang tumakbo d'yan sa utak mo.” Pinasadahan ko pa ulit ang kabuohan nito. “At gan'yan ang suot mo?”

Ibang klase talaga ang takbo ng kokote ng isang ’to, hindi maintindihan.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay malamig lang ako nitong tinapunan ng tingin.

“Where are you going? Go back to your seat.” Nahigit ko ang aking hininga ng arogante ako nitong utusan. Aba’t?!

“Are you out of your mind?!” Kapag ang lalaking ’to talaga ang kaharap at kausap ko ay hindi talaga maiwasang kumulo ang dugo ko. Such a jerk!

Hindi ito sumagot at tinapunan lang ulit ako ng malamig na tingin t’yaka humakbang. Dahil halos magkadikit na kami sa sobrang lapit ay nasamyo ko pa ang mabango nitong Amoy na galing sa mamahalin nitong pabango. His favorite men’s perfume.

Pero ang pabango nito ay mas nagiging mabango pa dahil sa natural na body scent nito na humahalo sa kanyang gamit na pabango. Napakabango ny—

Marahas akong napailing iling sa naisip. Nababaliw na ata ako. I need to visit some doctor and have a check up.

Susugurin ko na sana si Damon dahil sa paraan ng pakikitungo n'ya nang mauna itong magsalita. “I am not your bodyguard here, Ms.

Huh? What the fvck is he talking?!

“Good morning, class!” Bati nito na sinagot naman ng mga stupidyanteng naririto sa loob.

Class?

Then an idea popped up in my head as his gaze turn to me.

Wala sa sariling nabalik ako sa upuan ko habang nakakunot ang noo. So, is he going to be our Professor?

Usapan ba nila ito ni Dad? Para ano? Bantayan ako? Huh?!

Seriously? I am not a kid anymore! Kaya ko ang sarili ko. Sila lang naman ang gustong bantayan ako. Specially si Dad.

Lalagpasan ko na sana ito nang marahan n'yang higitin ang braso ko.

“Don’t be stubborn,” he said.

Hinigit ko naman pabalik ang braso kong hawak pa rin nito saka s'ya tinalikuran. Bumalik at naupo na lang ulit ako.

This time, pagbibigyan kita but this will never happen again.

NATAPOS ang klase ni Damon na wala akong imik sa harapan nito.

Nasa harapan nito nakapwesto ang upuan ko kaya alam kong kitang kita nito ang iretasyon sa mukha ko habang nasa lecture s'ya.

Damhin n'ya! B'wesit s'ya!

Nauna na akong lumabas at walang lingon-likod akong naglakad. Narinig ko pa itong makailang ulit na tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na ito nilingon.

I walked as fast as I can dahil kilala ko ang lalaki. Alam kong susundan ako nito.

My foot brought me to a place that I don't fvcking know. Natagpuan ko nalang ang sariling nakaupo sa isang kahoy na duyan.
Hindi ko ito nadaanan kanina kaya hindi ito pamilyar sa mga mata ko. Although, hindi naman nakakatakot ang lugar dahil malinis at presko naman.

Wala naman atang ahas na nakatira sa bahaging ito ng University.

Marahan kong iniapak ang mga paa ko sa lupa at dahan-dahang idinuyan ang sarili. Hindi naman gaano kainit dito dahil sa laki ng punk ng mangga kung saan nakakabit ang duyan. Kaya sa bawat duyan ko ay s'ya ring pagdampi ng preskong hangin sa balat ko.

Sa simpleng pagduyan ay tila nawala ang bigat at pagkainis na dala-dala ko sa pagpunta dito. The cold breeze helps me forget the reason kung bakit ako nandito.

Ilang minuto pang pagduyan ay biglang tumunog ang sikmura ko. My left brow lifted nang muling kumulo ang t’yan ko.

I roamed around the place where I am right now to check if there is someone who can help me out of here pero kahit ano ay wala akong makita.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa duyan and tried to walk. May tatlong daan sa harapan ko at hindi ko alam kung saan ako dumaan sa tatlong yan.

OMG! Am I lost?!

Nagsisimula na rin akong mairita dahil nagugutom na rin ako. I still haven't eat my dinner last night and even my  breakfast because of excitement kaya doble ang pagkagutom ko ngayon.

Am I going to die here? OMG I cannot imagine myself die because of starvation.

I tried to walked again but my sight is getting blurry na so I stopped. I looked around just to notice that my surroundings are started to get blurry more.

Muli akong humakbang pero mas lalong lumalala lang ang pagkahilo at pandidilim ng paningin ko. Medyo mainit na rin dahil wala ng kahit na anong puno ang humaharang sa sikat ng araw. At sa ikatlong pagkakataon ay muli akong humakbang but to my surprise, my vision suddenly darkened and I passed out.

“WHAT THE FVCK, BABY?!”

****

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE. MUAHH! ♡♡♡

My Possessive Bodyguard Место, где живут истории. Откройте их для себя