"Look." Binitiwan niya ang kamay ko para ituro ang isa pang painting.

My heart sank. Please, Jacob, hawakan mo ulit. Dininig niya ang hinaind ng utak ko. Pagkatapos niyang ituro ay hinawakan niya ulit ang kamay ko. May nasulyapan pa akong maid na nanonood nang nakanganga saming dalawa.

Yung painting niya naman ay nakakanganga din. Naisip ko tuloy kung ngumanganga ba ang mga maid nila pag dinadaanan itong painting niya. Hindi niya talaga pinalagpas ang pagkakataon na ipakita ang abs niya. Hindi siya nakangiti pero yung titig ng seryoso niyang mukha ay tagos sa puso ko.

Nilagay niya ang kamay niya sa baba ko at ngayon ko lang napansin na kanina pa ako nalaglagan ng panga.

Humalakhak siya at sinapak ko na, "Masyado ka namang proud sa abs mo." Umirap ako pero di ko mapigilang ngumiti.

Tapos yung hinahawakan niyang kamay ko ay nilagay niya sa abs niya. Naramdaman ko talaga ang tigas. I swear to God umusok yung tenga ko sa kilig! Hindi ko alam ba't kinikilig ako eh wala naman siyang sinabi. Nakangiti lang siya at pinagmasdan ang reaksyon ko.

"Pwede mo namang titigan sa personal eh."

Umiling ako pero ang sarap ng mag mura. Pati muscles ko tinatraydor na ako. Ngtumingisi na talaga ako sa pinagsasabi niya.

"Bwiset!" Sabi ko at kinaladkad siya palayo sa painting niya.

Tumawa lang siya at hinila ako papunta sa isang kwarto na may double doors. Ito na sigurop ang office ng papa niya.

"Relax ah..." Tinitigan niya ako bago niya kinatok ang pintuan.

Grabe... pagkapasok ko sa loob, naramdaman ko agad ang nanginginig na mga paa ko.

"Pa..."

Naaninaw ko agad ang malayong table ng papa ni Jacob. Nakadungaw siya sa papel at naka glasses pa nang dumating kami.

"Oh, Jacob." Tumayo siya.

Calm down, Rosie! Parang hindi na ako humihinga sa kaba eh. Hindi pa kasi ako ever naipapakilala sa parents ng isang lalaki. Well, wala yun sa vocabulary ni Callix.

Hindi ko naman alam kung bakit nalaglag ang panga ng papa ni Jacob nang nakalapit na kami sa table niya. Lumapit din siya samin... sakin... Hindi siya makapaniwala.

"Uh, pa... eto nga pala si Rosie-"

"Aranjuez?!"

Tumango ako. Napabuntong-hininga si Jacob.

"Rosie, pa..."

Niyakap ako bigla ng papa niya. Ang weird!

"Ugh! Pa." Sabay tulak ni Jacob sa papa niya.

Tumawa naman ang papa ni Jacob sa ginawa niya samantalang sobra naman akong na weirduhan at kinabahan.

"Si Precy Aranjuez kasi ang first love niya..." Nagkibit-balikat si Jacob.

"Huh?" Hindi ako makapaniwala.

"Sorry, Rosie. Ikaw pala yung pamangkin niya." Tumawa ulit yung papa ni Jacob.

Umirap si Jacob at umiling. "Pa, nandun si Precy Aranjuez sa bahay nila kung gusto mong yumakap. Di pwede si Rosie... di na available, sorry ka na lang."

Tumawa ulit ang papa niya habang umiiling, "Ano? kayo na ba?" Tumingin pa ang papa niya sakin habang nakataas ang kilay.

Halos carbon copy ni Jacob ang papa niya. Parehong-pareho sila except sa mga mata na nagmana naman sa sobrang ganda niyang nanay. Bakit si Auntie Precy ang first love ng papa niya? Anong nangyari sa kanilang dalawa at bakit hindi nag work?

Naglahad ng kamay ang papa ni Jacob sakin at, "Juan Antonio."

Nilagay ko naman ang kamay ko sa kamay niya pero agad binawi ni Jacob ang kamay ko.

Ngayon, pulang-pula at galit pa talaga siya sa ginawa ng papa niya. Tumawa na naman ang papa niya.

"Tito na lang nga! Juan Antonio? Ano ka? Binata? Yuck, pa. Anong kabaliwan yang ginagawa mo?" Umiling siya. "Sana di ko na lang pala pinakilala..." Tapos kinaladkad niya ako palabas ng opisina ng papa niya.

Tumatawa parin ang papa niya, "Nagmana ka talaga sakin..." Narinig ko yun pagkalabas namin ng opisina.

"Kainis! Yung matandang yun." Aniya.

"Di pa naman matanda ang papa mo ah." Sabi ko. At totoo yun, hindi pa matanda ang papa niya. Pwede pang mag-asawa ulit.

Nanlisik yung mga mata niya nang tinitigan niya ako.

"Ba't ka galit?"

"Baka gusto mo siya na lang yung boyfriend mo?" Aniya.

"Huy, abnormal ka ba? Anong pinagsasabi mo diyan!? My god!" Halos di ko kayang isipin ang sinabi niya.

"Ayaw nung magpakasal ulit. Kung si Precy Aranjuez ang first love niya, si Cielo Buenaventura ang last love niya. Tsaka, Kahit na alam ko yun ayaw ko ng hinahawakan ka niya kahit saan." Ginulo niya ang buhok niya at namula. Di pa makatingin sakin.

Hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti ko.

"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang." Sabay tawa ko.

"Ano naman ngayon? Ayaw ko eh. kahit sino pa yan. Kahit aso."

Sinapak ko na talaga. "Abnormal talaga!"

Kinaladkad niya ulit ako patungo sa isa pang double-door na kwarto.

"Saan 'to?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at ngumisi, "Kwarto ko."

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now