33

115 4 0
                                    

33.

Four years ago...
(After what happened between Dash and Drystan...)

Hindi na 'ko virgin.

'Yon kaagad ang nasabi ko sa 'king isipan nang magising akong may katabing babae at pareho kaming hubo't hubad.

'Tanga, hindi lang ikaw! Pati 'yong babaeng nagalaw mo!' Anang isang boses sa isipan ko.

Mariin akong napapikit at napamura na lamang ng ilang beses sa 'king isipan bago napagdesisyunang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama kasama ang babaeng nagngangalang Drystan o Kaye.

Ewan, hindi ko alam kung saan doon ang totoo niyang pangalan. Mukhang pareho niya namang pangalan ang dalawa eh.

Matapos magbihis ay akmang aalis na 'ko ng biglang umungol ang babaeng nakat4lik ko.

"Hmmm..."

Nang makita ang postura nito ay walang pag-aalinlangang nilapitan ko ito at inayos sa pagkakahiga. Inayos ko rin kumot na tanging nakatakip sa kanyang katawan.

Pinagmasdan ko muna siya ng ilang segundo bago umalis.

'Sa pagiging ma-angas mo manamit at maglakad, hindi ko inaasahang may tinatago ka palang magandang katawan...'

The Quadruplets Father [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora