Merong malaking puno ng mangga malapit sa bahay na pansamantalang tinutuluyan nina Jeno ngayon at doon sya dinala ni Jaemin. Meron din naman kasing mga upuan doon para magsilbing pahingahan na din siguro dahil bukod sa ang ganda ng tanawin eh ang sarap pa ng simoy ng hangin.

Pagkaupong pagkaupo ni Jaemin sa tabi ni Jeno ay kinuha kaagad nya ang isang binti nito. May kinuha syang bote mula sa bag na kanyang dala, binuksan nya iyon at pinahid sa binti ni Jeno at marahan iyong hinihilot.

"Does this always happen everytime you work?"

"Hindi-"

"Be honest, Jeno."

"O-Oo. Pero hindi naman malala eh. Of course I'm working kaya hindi ko maiwasan lalo kapag hassle."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Jaemin. "I know na you always hear this but I'll say it again. Mag-iingat ka palagi. It's not good for me to hear na always palang nangyayari yan. Hindi maganda yun! What if matuluyan kang ma-injured ha? Okay lang yun sayo?" Jaemin said pero malumanay na ang pagkakasabi nya nun unlike kanina na parang sinesermunan nya si Jeno.

"S-Syempre hindi." Jeno pouted at napakapit ng kanyang batok. Pigil na pigil din syang ngumiti dahil pakiramdam nya ay concern si Jaemin sa kanya.

"Right. Sakin din hindi ayos."

"Concern ka ba?"

"Stupid ka ba? Of course I am because I'm worried! Hindi ko yun sasabihin kung wala akong pakialam sayo." Napapailing pang sagot ni Jaemin.

Napatikom ng bibig si Jeno matapos nun at hindi na inalis ang tingin sa binatang kasama nya. Nilagay din nya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib upang damahin ang bumibilis ng pagtibok ng puso nya na ang tanging dahilan ay walang iba kundi itong kasama nya.

Grabe, iba talaga ang tama nito kay Jaemin.

The younger had no idea how much he affects Jeno at this moment lalo na nang sabihin nya yun.

"Sorry na po."

"Promise me na mag-iingat ka na next time."

"I promise!"

"Good."

"Anyway, nakita mo ba yung pinadala kong food sayo?"

Jaemin nodded. "Thank you pala doon. You don't have to do that."

"Hindi pwedeng hindi. Ang layo-layo ng dinayo mo tapos papabayaan lang kita? Di pwede."

"About that, uuwi na ako dapat eh. Pero mukhang wala na akong sasakyan since wala na si manong." Napakagat ng labi si Jaemin.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang umuwi. Ipapahatid kita doon. As you can see, walang signal dito-"

"Hindi. Ayoko. I came here kasi may gusto din akong i-ask sayo." Jaemin hushed him.

Umayos ng upo si Jeno at humarap sya ng mas maayos kay Jaemin. He leaned closer as well na para bang pinapahiwatig ng body language nito na ready na syang makinig.

"Ano yun?"

"Promise me na you won't laugh ha." Jaemin pursed his lips, making the older in front of him smile dahil sa ginawa nyang iyon.

Kinakabahan kasi si Jaemin dahil naisip nya lang, medyo ang nonsense kasi ng reason for him para lang puntahan si Jeno dito at itanong ang bagay na iyon. Kung tutuusin pwede naman kasi nyang hintayin na makauwi eh bago sya magtanong.

Pero dahil hindi matahimik ang isip nya, ayan nagmadali tuloy sya.

On the other hand, si Jeno yan. Hindi nya iisiping nakakahiya yung ginawa ni Jaemin.

ENCHANTED | Nomin Where stories live. Discover now