05.

1 2 0
                                    

siguro bukas 'mas magaan na'
gaya kahapon, natapos ang araw
na maayos lang 'ulit'

walang ibang nasa isip
limot pati bigat sa dibdib
'pansamantala' nga lang,

uuwing pagod
pero 'di bale nalang
dahil naging 'masaya'

kahit takot minsan
pinapangunahan ng
nararamdamang alam
'na may kapalit agad'

ngunit magpapatuloy dahil
kailangan’t nasanay sa
'ayos lang palagi'
kaya kakayanin,

hindi dahil sa walang
ibang magawa kundi dahil
'nakasanayan' ito ng damdamin

walang halong pagpapanggap
walang bahid ng pagsisinungalin
purong tapat at katotohanan

kahit mahirap ilalaban
kaya wagas na umaasa
nawa’y sana bukas ulit
'kaya ko at makakaya ko'

ng walang pag-aalinlangan
na harapin ang bawat bukas
ng mag-isa, para magpatuloy
ng hindi umaasa sa iba.

The FixerWhere stories live. Discover now