03.

1 2 0
                                    

“huwag matakot sumubok
malay baka ‘yan na talaga”

isa sa paborito kong linya na nabasa
sa isang librong luma ngunit makapangyarihan,
tama ang mga nakasulat,
may kabuluhan, may kasaysayan,

dahil sa likod nang mundong
puno ng panghuhusga,
ang mga taong mukha ay
nakatago sa kanilang maskara

ngiti ay ‘di mo batid kung totoo ba
o marahil nagpapanggap lang din
upang may maiharap sa madla,

gusto kong maiba, gusto kong ibahin
ang ilan sa mga nakasulat
bilang paalala sa lahat ng aking
mambabasa, maging sa ‘andito,

walang mawawala sa paminsan-minsang pagsugal kahit hindi ka sigurado
magkamali ma’y matuto sa pagtanggap
mula sa iyong pagkatalo,

kahit na hindi mo alam kung ano
ang susunod na mangyayari,
kahit na hindi mo alam kung tama ba
ang daan na iyong pinili.

The FixerWhere stories live. Discover now